Chapter 15

4 0 0
                                    

Chapter 15

Hindi talaga maisip ni Claudia kung bakit ganoong kabilis ang mga pangyayari sa kanilang dalawa. Kaya naman napapikit na lang siya. Hindi niya inaasahan ang mga ganoong kilos ni Agapito.

Kanina lang ay para silang aso't pusa. Tapos ngayon ay bigla na lang naging malambing at may pagyakap pa sa kanya. Hindi pa doon natatapos ang lahat dahil hinalikan pa siya nito sa labi. Hindi lang isa kundi dalawang beses pa.

"May puwang na ba ako sa puso niya?" nakangiti pa niyang tanong sa isipan ng bigla na lang may tumamang masakit sa bagay sa kanyang noo.

"Aray naman!" sigaw pa niya habang sapo ang nasaktang noo. Bigla tuloy siyang nagmulat ng mata. Totoo namang nasaktan siya.

Tumambad sa kanya ang mukha ni Rico na mukhang nagtataka. Ang ang kamay nito na nakataas pa at katatapos lang ipitik sa noo niya.

"Anong nangyayari sayo?" Nakakunot noong tanong ng asawa sa kanya.

"Anong? Anong nangyayari sa akin?" naguguluhan tuloy niyang tanong.

"Bakit tulala ka ng buksan mo ang pintuan. Higit pa sa lahat ay ang bigla mo na lang pagpikit. Hindi ko tuloy malaman kung may dinaramdam ka o ano? Ano bang nangyayari sayo?"

Tinitigan namang mabuti ni Claudia ang asawa. Wala namang halong pang-iinis sa tono ng pagsasalita nito. Hindi niya alam kung nanawa na ba itong inisin siya o ano.

"Anong iyong?..." hindi matuloy ni Claudia ang sasabihin. Naguguluhan siya kung ano iyong nangyari sa kanilang dalawa kani-kanina lang. "Bakit parang totoo. Halos ramdam ko pa ang..." napahawak si Claudia sa labi. Ngunit mabilis din niyang ibinaba ang sariling kamay. Hanggang sa mapagtanto niya ang pwesto nilang dalawa.

Siya ay nasa may loob pa rin ng kwarto niya at nakayakap sa pinto. Habang si Rico ay nasa may labas ng kwarto niya at hindi man lang natitinag sa pwesto nito sa pagkakatayo. Kung baga ay isang malaking hakbang pa ang pagitan nila.

"Ano iyong nangyari sa atin kanina?"

"Anong nangyari sa atin? Kung kanina wala naman, maliban sa galit kang pumasok sa kwarto mo. Maghahanap ka pa ng diamond sa Neptune," may pagkasarkastikong saad pa ni Rico. "May sapi ka bang talaga?" hindi na niya napigilang tanong. "Parang sa ikalawang araw natin dito sa bahay ay parang may sumapi sayo. Wag ka at naniniwala ako sa sapi-sapi na ganyan. Nandito lang ako at kumatok sa kwarto mo para ayain ka sanang magkape. Nawala ang antok ko at magrereview ka kamo kaya naman nandito ako. Isa pa kung ayaw mo ng kape di ako na lang ang ipagtimpla mo. May iba pa bang nangyari?"

Napalunok bigla si Claudia. "W-wala naman."

Napaisip tuloy si Claudia.  "Ibig sabihin naisip ko lang lahat ng iyon? Ang yakap, iyong halik niya sa noo ko at halik sa labi ko? Paanong dumaan iyon sa isipan ko lang na parang totoo?" reklamo niya na ikinanguso lang din niya.

"Nginunguso mo? Nagrereklamo ka?"

Napahugot na lang siya ng paghinga. Mas mabuti ng walang alam ang asawa sa mga kung anong naisip niya kanina. Mas mapapahiya lang siya kung malalaman nito ang tumatakbo sa isipan niya.

"Hindi naman. Akala ko lang kasi ay kung ano ang dahilan mo. Ipagtitimpla na kita. Baka isumbong mo pa ako sa don na hindi ko ginagampanan ang pagiging asawa ko sayo."

"Ginagampanan mo nga ba?"

"Aba't Morning Seven tigilan mo ako. Hindi tayo tulad ng normal na mag-asawa. Ito talaga ang gusto kong sabihin sayo bago pa tayo makasal. Dapat may kasunduan tayo eh. Hindi naman pwedeng sa kasal na ito ay lahat na lang pabor sayo. Dapat ay matuto ka ring makiramdam sa kung ano ang gusto at ayaw ko. Huwag mong pairalin sa akin iyang kaanuhan mo. Dahil mas matanda ka sa akin ng halos dalawang beses sa edad ko. Matanda ka na, kaya naman dapat ay mas unawain mo ako at isa pa, babae pa rin ako. Wag mong kalimutang hindi ako kasing edad mo. At hindi ako liberated katulad ng mga nakilala mo," paliwanag ni Claudia na kahit papaano ay napapaisip si Rico.

Loving You But Not Having You (Haciendero Series 03)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora