Chapter 14

2 0 0
                                    

Chapter 14

"Tahan na. Tama na ang iyak Sisima," ani Rico ng bigyan siya ni Claudia ng nanlilisik na tingin.

Paano ba naman kasi, kanina pa at wala pa ring tigil si Rico sa katatawa sa kanya habang nananahimik siya. Tapos ay sasabihan pa siya ng hudyo na tumahan na. Gayong hindi naman siya umiiyak. Sa katunayan naaasar na siya.

"Akala ko ba may quiz ka pa bukas bakit ba hindi ka pa tumigil ka iiyak."

"Tigilan mo ako Morning Seven. At baka hindi ka na abutin ng seven at baka mourning na ang mangyari sayo. Tigilan mo na iyang kapapatahan sa akin gayong hindi naman ako umiiyak at tigilan mo na rin iyang pagtatawa mo at baka bigyan kita ng sibuyas na maiyak ka naman. Oo na aminado na akong ang slow ko sa part na iyon. Sorry ha. Di ikaw na ang pervert," inis pa niyang saad at tumayo na.

"Para iyon lang pervert na kaagad? Mula ng magbinata ako ay wala pa akong binastos na babae. Ngunit sa tuwing nais nilang matikman ang katawan ko ay pinagbibigyan ko naman," nakangisi pang saad ni Rico.

Napahugot ng hininga si Claudia. Bakit kay pait sa pakiramdam ng sinabi nito sa kanya? Hindi niya gustong may ibang babaeng kinahumalingan si Agapito sa mga nagdaang taon. Ngunit wala naman siyang magagawa pa tungkol doon. Lalo na at hindi naman sila magkasama noon at wala pa siyang karapatan noon. "May karapatan na ba ako ngayon?" tanong pa ni Claudia sa isipan. Nang bigla na lang siyang napailing.

"Anong nangyayari na naman sayo, at panay ang iling mo?" natatawa na namang tanong ni Rico.

"Wala," tipid niyang sagot para hindi na muling mapahiya.

"Sigurado ka?" tanong ni Rico na ikinatango na lang niya. Ngunit mukhang hindi kombinsido ang binata.

Tumayo na si Claudia. Gusto na rin niyang magpahinha. Parang hindi mahihinto ang puso niya sa mabilis na pagtibok kung nandito lang sa tabi niya si Agapito.

"Saan ka pupunta?"

Nakangising humarap naman si Claudia kay Rico para mawala ang kanyang kaba. "Pupuntang Neptune maninimot ng diamonds, sama ka?" may pagkasarkastikong saad pa niya.

"Nagtatanong ako ng maayos Sisima."

"Used your common sense Morning Seven. Malamang sa kwarto at magrereview. Hindi na nakakatuwa ang pagtawa mo. Isa pa hindi ko pagkakamali na hindi ko naintindihan ang sinasabi mo. Hindi ako katulad mong makakita lang ng palay ay tutukain kaagad. Hindi ako katulad ng ibang babae na ibinaba na ang dignidad makakita lang gwapong lalaki."

"So, gwapo pala ang tingin mo sa akin?" may panunudyo pa sa tono ni Rico.

"Hindi ko sinabing gwapo ka. Ang sinasabi ko ay hindi ako tulad ng iba na ibababa ang dignidad."

"Hindi ka nga nagagwapuhan sa akin?"

"Gwapo ka period. Happy?" ani Claudia na ikinalawak ng ngiti ni Rico.

Bago pa siya ipagkanulo ng ngiting iyon at mabilis ng iniwan ni Claudia si Rico sa salas at nagtuloy na sa sariling silid. Sa totoo lang ay labis na kahihiyan na ang nangyari sa kanya sa harap ng lalaki. Kaya tama ng iyon na lang. Hindi na nito dapat malaman ang pagkahulog niya. Matatanggap pa niya ang mahulog sa hagdanan. Ngunit hindi niya mapapayagang malaman ni Agapito ang pagsinta niya. Habang ito ay walang pag-ibig sa kanya.

Napasandal na lang si Claudia sa likod ng pintuan ng maisara niya iyon. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya maiitago ang pagsinta sa asawa. Sa katunayan ay masaya siya sa desisyon ng don na ipakasal silang dalawa. Wala siyang naging pagtutol. Paano siya tututol kung ang kanyang pagsinta kay Agapito ay kasingtanda rin niya.

Ayaw lang niyang malalaman iyon ng asawa. Hindi naman pwedeng magtutuloy ang pagsasama nila ng dahil lang sa awa. Tatlong taon lang ang hinihingi ng don para mapaibig niya ang asawa. Kaya ba niya? Gayong sa kilos ni Agapito ay nararamdaman niyang wala siyang dating dito.

Loving You But Not Having You (Haciendero Series 03)Where stories live. Discover now