Chapter 7

2 0 0
                                    

Chapter 7

"Sinandro nakita mo ba ang apo ko?" tanong ni Don Ponce sa ama ni Claudia ng mapansin ng matanda na ito ang nagdidilig sa hardin.

"Hindi ko ho napapansin Don Ponce. Ang nakita ko lang po sa likod bahay ay ang banig na hiningi ng senyorito."

"Ganoon ba? Si Claudia? Bumalik na ba si Claudia? Inutusan kong dalahin sa kubo ang ilang gamit ni Rico."

"Hindi pa po bumabalik ang anak ko Don Ponce. May ipag-uutos po ba kayo?"

"Itatanong ko lang kay Claudia kung may natatago pa siya noong panghaplas ko. Iyong binili ng batang iyon sa botika."

"Alam ko po iyon. Naubos ko na rin po iyong bigay ni Claudia sa aming mag-asawa. Hayaan po ninyo at papupuntahin ko ng bayan si Claudia at magpapabili. Kung nasa kubo pa po si Claudia. Malamang ay naliligo na rin iyon sa ilog. Nasabi pa ng batang iyon na magrereview siya ay hindi pa nga po iyon umaalis doon."

"Don Ponce, Nandro," tawag sa kanila ni Clara. "May naluto po akong meryenda. Halina kayo sa loob at ng makain na habang mainit pa."

"Pupuntahan ko lang si Claudia sa may ilog at may ipag-uutos ang don."

"Ano kaya at sa kubo na tayo magmeryenda. Mukhang nandoon din si Rico kung wala na sa likod-bahay," ani Don Ponce na sinang-ayunan ng mag-asawa.

Bitbit ni Sinandro ang basket na naglalaman ng nilutong turon ni Clara at ang thermos na may lamang kapeng barako. Pati na rin ang mga tasa. Hinayon nila ang daan patungong ilog.

Natanaw nila ang ilog at wala doon ang dalawa. Nagtuloy na sila ng kubo, para lang magulat sa eksenang nadatnan.

Nanghihinang ipinatong ni Sinandro ang dala sa lamesang nandoon sa balkonahe.

Nakatingin lang silang tatlo sa dalawang kabataan na nasa kakaibang eksena.

"Rico!" bulalas ng don sa pangalan ng apo.

Walang kasing bilis ng kilos si Claudia ng hagipin nito ang kumot na nakakalat sa sahig para lang ibalot sa halos hubad na katawan. Si Rico naman ay mabilis na tumayo at kinuha sa may kama ang damit na hindi pa naiisuot.

Kahit si Rico ay halos mamutla na parang suka sa gulat sa mga dumating. Ganoon din si Claudia na hindi malaman ang gagawin at sasabihin.

Mula sa labas ng pintuan ay pumasok sa loob si Clara at dinaluhan ang anak. Si Sinandro naman ay napahugot na lang ng hininga at naupo sa upuan sa may balkonahe.

"Ayos ka lang Claudia?" sapo ni Clara ang mukha ng anak at marahang inalalayan para makaupo. "Bakit umabot sa ganito anak?" dagdag pang tanong ng ina.

Naguguluhan hindi naman makapagsalita si Claudia. Ano bang nangyari sa kanila? Ang katotohanan ay walang mali sa nadatnan ng mga ito dahil ang lahat ng iyon ay pawang aksidente lang. Ngunit sino ang maniniwala? Kahit sino man ang nakakita sa kanila sa ganoong ayos ay iisiping may ginagawa silang kababalaghan.

Siya na may dalawang maliit lang na saplot na suot habang ang Senyorito Rico ay naka short lang at walang pag-itaas.

"Oh! God!" ani Claudia at humarap sa ina. "Inay, itay, Don Ponce," lakas loob niyang saad sa pangalan ng tatlo. "Nagkakamali po kayo ng iniisip sa nakita ninyo," nagpapasalamat siyang hindi siya nautal. Sa iyon naman kasi ang katotohanan. Iba ang totoong nangyari sa nakita ng mga ito. "Hindi po tulad ng iniiisip ninyo ang nangyari. Sa katunayan po niya..."

Natigil ang pagsasalita ni Claudia ng itaas ng don ang kamay nito. "Wala kang kasalanan Claudia. Kahit sabihing nasa tamang edad ka na ay mas matandang gulang sa iyo si Rico. Walang ibang dapat sisihin sa sitwasyong nakita namin kundi ang akin apo."

Loving You But Not Having You (Haciendero Series 03)Where stories live. Discover now