Chapter 10

4 0 0
                                    

Chapter 10

Mula sa kinauupuang silya ay napatingala si Claudia sa lalaking tumayo sa tapat niya. Pabagsak nitong ibinaba ang baso ng alak na hawak nito at naupo sa silyang nasa tapat niya.

Walang buhay niyang tinitigan ang lalaki at muling ibinalik ang tingin sa madilim na paligid. Nasa gitna sila ng kagubatan kung tutuusin.

Mula sa pwesto ng bahay nila ay natatanaw nila ang ilaw sa bahay hacienda. Ang bahay nila ay may nag-iisang ilaw din. Alam naman niyang wala doon ang mga magulang. Dahil sa bahay-hacienda matutulog ang mga ito kasama ng don.

Bukas na bukas rin ay darating ang isang batang katulong para maging katulong ng kanyang inay. At isang private nurse na titingin sa don.

Oo nga at malakas ang don, ngunit matanda na ito. Mabuti noong sa malaking bahay pa siya nakatira bantay sarado niya ang don. Kahit nasa university siya ay monitor niya ang matanda. Nang dahil lang sa isang maling hinala ay nagbago ang lahat.

"Anong ginagawa mo dito Sisima? Malamig na, bakit nasa labas ka pa?" may malisyosong tanong ni Rico habang nakangisi ito.

"Dito na ako tumanda Morning Seven kaya baliwala ang lamig na sinasabi mo. Bakit kay hindi ikaw ang matulog na. Mukhang hindi ka sanay sa ganitong lamig kaya ka umiinom ng alak," paismid niyang sagot.

"Ako man ay dito din lumaki kaya sanay ako sa lamig ng klima dito."

"Ano ang ginagawa mo dito? Dapat nasa loob ka na. Alam ko namang ayaw mong makita ang pagmumukha ko. Sinabi mo yan kanina, pagkaalis ng mga bisita at bago tayo nagtungo dito."

"Sinabi ko ba? O I'm sorry sweetheart. Nakalimutan ko," mapang-uyam nitong saad.

Inismiran lang ni Claudia si Rico. Kung tutuusin ay mas lalo naman siyang ayaw makita ang pagmumukha nito. Sa araw ng kasal nila ay ganoong eksena talaga ang nakita niya.

Binalingan niyang muli si Rico na sumisimsim ng alak sa baso. "Umiinom ng alak. Ano yan? Para maibsan ang isiping ako ang kasama sa bahay na ito gayong may ibang babaeng humahalik sa pisngi mo, ngayong araw ng kasal mo? Unbelievable," mahinang bulalas ni Claudia. Sa tingin naman niya ay hindi siya maririnig ni Rico dahil busy ito sa pag-inom.

"Are you jealous?" nakakunot tanong nito kay Claudia. Halos manlaki naman ang mata niya sa sinabi nito.

"A-anong s-sabi mo?" nauutal niyang tanong ng humalaklak si Rico.

"Bakit ka nagugulat? Para kang teenagers na nagpapraktis umamin sa crush niya na crush niya ito. May nakakagulat ba?" Hindi pa rin mapigilan ni Rico ang matawa kay Claudia.

"I don't know what are you talking about," mataray niyang sagot.

"I heard what you say sweetheart. Hindi ako bingi."

"Anong sinasabi mo?"

"Ang bagay na akala mo ay sinabi mo sa isipan mo ay narinig ko."

Nagulat man ay hindi ipinahalata ni Claudia. "Okay may sinabin ako. Respeto ang nais ko. Hindi ako nagseselos. Wala akong pakialam sa kung sino man ang babae mo. Mabuti at hindi nakita ng don ang paghalik sayo ng babae mo. Baka kung ano pa ang..."

Pinigilan ni Rico ang pagsasalita ni Claudia sa pamamagitan ng pagtaas ng palad sa tapat ng bibig nito. "Hindi ko kilala ang babaeng iyon at bisita iyon ng lolo. Way lang niya iyon ng pagbati. Kaya wala kang dapat ikaselos Sisima."

"Ang kapal ng mukha mo Morning Seven, hindi nga ako nagseselos."

"Okay, hindi na kung hindi. Pero pakiusap tigilan mo na ako sa katatawag mo sa akin ng Morning Seven."

Loving You But Not Having You (Haciendero Series 03)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora