Chapter 9

4 0 0
                                    

Chapter 9

Nakaharap sa salamin si Claudia at wari mo sinisipat ang sarili. Isang linggo na ang nakakalipas mula ng ihayag ng don ang pagpapakasal nila ng apo nitong si Federico. Masaya siya habang nakatingin sa sarili niya sa salamin. Ngunit nandoon ang kaisipang ano ang magiging buhay niya matapos ang araw na iyon.

Ilang sandali pa at nakarinig ng pagkatok sa may pintuan ng kwarto niya si Claudia. Wala naman siyang ibang inaasahan kundi ang kanyang inay o ang kanyang itay ang kakatok mula sa pintuang iyon.

"Pasok," aniya at muling pinagmasdan ang sarili sa salamin.

"Excited to your so called wedding?" mapang-uyam na saad ng lalaking nasa may hamba ng pintuan sa kwarto niya habang ang dalawang braso ay magkakrus sa tapat ng dibdib nito.

"Sino may sabi sayong excited ako?" Halos palakpakan ni Claudia ang sarili dahil sa hindi man lang siya nautal. "For your information Morning Seven. Hindi ako excited. Kung ikaw lang sana iyong professor na crush ko na nagtuturo sa engineering department sa university ay baka pumalakpak pa ako at magtatalon sa tuwa. Pero ikaw..." tinitigan ni Claudia ang kabuoan ni Rico at ngumisi. "...never mind na lang. Kung masusuway ko lang ang don at wala akong utang na loob sa lolo mo ay nunkang mahiya ako para pakasalan kang arogante ka!" singhal na saad ni Claudia.

Halos mag-igting ang bagang ni  Rico sa sinabi ng dalaga. Makikita pa ang pagpintig ng ugat nito sa sentido dahil sa sinabi ni Claudia sa kanya. "Anong sabi mo?"

"Wala naman. Baka atat ka lang din na pakasalan ako Morning Seven. Shoo at ilalagay ko lang sa tuktok ko ang belo at nakakahiya naman na maging bride mo kung hindi ako mag-e-effort sa suot ko," ipinakita pa ni Claudia ang pag-ikot ng itim na bola ng  kanyang mga mata kay Rico. Para maiparating sa binata na bored siya sa pagpapakasal dito.

"What do you by that Morning Seven? Saang lupalop ng mundo mo nahugot ang salitang yan. You said it twice," may diing saad ni Rico na sa tingin niya ay hindi maganda ang ibig sabihin noon. Hindi na nga niya pinansin ang iba pang sinabi ni Claudia. Sa katunayan naman ay simula pa lang hindi na naman sila magkasundo ng dalaga.

"You don't know the meaning of Morning Seven? O come on," may pagkasarkastikong saad ni Claudia kasabay ang isang malutong na tawa. "Hindi mo talaga alam. Okay ipapaliwanag ko sayo," tahimik lang si Rico habang hinihintay ang sasabihin ni Claudia sa kanya.

"Okay ito na. Hold your breath and listen very carefully. Morning means aga and Seven means pito. So your name is Agapito that's why you have a pet name. Morning Seven. Mas sosyal kaysa Agapito."

Halos mamula si Rico sa inis sa babaeng kaharap. Kung hindi lang ito babae ay baka napagbuhatan na niya ito ng kamay. Gusto niyang manapak dahil sa paglalaro nito sa pangalan niya.

"I can't believe you."

"Yes I am, so believe me," ani Claudia at sinamaan ng tingin ito ni Rico. Nakangisi pa si Claudia dahil sa titig ng binata. Hindi na naman na nagsalita si Rico at babalyang isinara ang pintuan ng kwarto niya ng lumabas na ito.

Halos mapigil ni Claudia ang paghinga ng sumara ang pintuam ng kwarto niya. Hindi niya akalaing makakaya niyang sagutin ng ganoon ang binata. Sa katunayan ay halos lumabas ang puso niya sa sobrang kaba. Ngunit papatalo ba siya at hahayaan na lang ba niyang hamakin siya ng senyorito gayong wala naman siyang ginagawang masama. At lahat ng desisyon niya ay para sa ikabubuti ng butihin nitong lolo na walang masamang ginawa sa kanila kundi puro kabutihan.

Inayos muli ni Claudia ang kanyang mukha. Nagretouch siyang muli at inilagay na ang belo. Tapos ay isinuot din niya koronang bulaklak na gawa ng isang ginang na trabahador sa hacienda. Gawa iyon sa bulaklak na nakatanim sa hardin ng bahay-hacienda.

Loving You But Not Having You (Haciendero Series 03)Where stories live. Discover now