Chapter 18

4 0 0
                                    

Chapter 18

Pagparada pa lang sa harapan ng bahay-hacienda ng sasakyan ni Rico ay napatigil sa pagdidilig ng halaman si Sinandro. Hindi na ganoong kainit kaya naman nagdidilig na siyang muli. Dalawang beses dinidiligan ang mga iyon sa isang araw. Para mapanatili ang ganda at buhay na buhay ang mga halaman.

Mula naman sa loob ng sasakyan ay ilang beses na tinapik ni Rico ang pisngi ni Claudia na nakatulog kaagad sa maikling byahe. Napahugot pa siya ng hininga sa isiping kahit kumalma na ito kanina ay hindi pa rin nawala ang takot nito.

"Magandang hapon itay, ang inay po?" nakangiting saad ni Rico ng makababa ng sasakyan.

"Magandang hapon din Rico, nasa kusina ang lolo lo ay nasa kwarto nito. Si Claudia nasaan? Sinundo mo ba sa eskwela?" tanong naman ni Sinandro ng makalapit si Rico para magmano.

"Opo. Nasa loob po ng sasakyan at nakatulog."

Napakunot noo si Sinandro. Maaga pa para makatulog ang anak. Maliban na lang kung sobrang napagod ito sa eskwela. O may sakit ito. "May dinaramdam ba ang anak ko?"

"Wala po itay kaya lang po may nangyari kanina."

Sinimulang magkwento ni Rico sa totoong nangyari kaya nakatulog si Claudia. "Sorry po itay. Nahihiya po ako sa inyo dahil sa nangyari kay Sisima. Hindi ko po sinasadya ang nangyari. Sana po ay mapatawad po ninyo ako ng inay."

Isang tipid na ngiti ang namutawi sa labi ni Sinandro. "Naiintindihan ko ang nangyari. Sana ay hindi na maulit ang mabilis mong pagmamaneho. Talagang matatakot si Claudia. Pero kong tama lang naman ay hindi ka magkakaroon ng problema.

"Sige po itay. Dito po muna kami mag-stay ni Sisima. Bubuhatin ko na lang po muna sa kwarto.

Napatango na lang si Sinandro at ipinagpatuloy na ang pagdidilig.

Pagpasok niya ng kabahayan ay nakasalubong niya si Lira ang katulong ni Clara sa mga gawaing bahay.

"Senyorito. Ano pong nangyari?"

"Pakibuksan naman ang kwarto ko. Nakatulog kasi sa byahe ang asawa ko."

Nagmadali namang sumunod si Lira. Nakasalubong din nila si Jasmine. Ang private nurse ng lolo niya. Kalalabas lang nito sa kwarto ng don.

Matapos maihiga sa kama ay hinubad ni Rico ang suot na sapatos ni Claudia. Tapos ay nilagyan niya ito ng kumot. Ang air-con naman ay binuhay na ni Lira bago ito lumabas.

Naupo pa si Rico sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ni Sisima. "I don't know the exact term for what I feel right now. Madaming babaeng nagdaan sa buhay ko habang wala ako dito. Pero sayo lang ako naguluhan. Unang pagkikita pa lang natin, except noong panahong baby ka pa. Mayroon na tayo kaagad na hindi pagkakaunawaan. Naiinis ako sayo sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Pero dahil nag-usap na tayong hindi ka na makikipag-usap sa de Liha na iyon, pero sinuway mo ako. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya napatakbo ko ang sasakyan na para akong nakikipagkarera. I'm sorry Sisima and I mean it. Sleep tight, sleepy head. Bababa lang muna ako. Babalikan kita mamaya," ani Rico at hinalikan muna niya sa noo si Claudia.

Nasa may pintuan na siya ng muli niyang binalingan ang natutulog na asawa. Napailing na lang siya sa isiping, parang hindi niya makita ang dating siya mula ng makasama niya si Sisima.

He care about girls, but not the way he taking care of Sisima. Pag ang babae lumalapit at nagbibigay ng motibo hindi siya nakokontentong hindi sila hahatong sa nais nito. Masasabi niyang pwede na siyang bigyan ng award sa kabaitang taglay niya para sa mga babaeng nakikilala niya. With the safety measures humatantong sila sa kama. Pinagbibigyan niya ang mga ito, with pleasure. Ngunit iba kay Sisima. Kontento na siyang makasama lang ito. Walang intimate score, pero may attraction. Higit sa lahat kontento siya. Kontento talaga.

Loving You But Not Having You (Haciendero Series 03)Where stories live. Discover now