Chapter 13

2 0 0
                                    

Chapter 13

"Sino nga ba ako Sisima?" ulit na tanong ni Rico ng hindi kaagad nasagot ni Claudia ang unang tanong niya. Nadoon pa rin ang nagbabantang tingin ni Rico kay Chris. Habang hindi inaalis ng huli ang tingin sa nakapulupot na kamay ni Rico sa baywang ni Claudia.

Muling napalunok ng laway si Claudia. "Sir Chris," tawag nito sa pangalan ng propesor. Pinilit niyang wag mautal o ma-distract kay Rico. Isang ngiti ang pinakawalan ni Claudia at humugot ng paghinga. Kahit papaano ay nawala ang kaba na kanyang nadarama. Tumayo siya ng tuwid. At napaisip kung bakit siya kailangang kabahaban gayong wala siyang ginagawang masama. Wala naman silang lihim na relasyon ng propesor. Maliban sa nagkataon na nagkasabay lang sila sa hallway dahil nagtungo pa siyang library kaya siya hinapon at nag-offer lang naman ito na ihatid siya. Maliban sa mga nabanggit na dahilan ay wala naman silang ugnayan na dalawa.

Tumikhim muna si Claudia para mawala ang bara sa kanyang lalamunan. "Sir Chris," ulit niya. "Sir this is Federico Agapito Alonzo, ang nag-iisang apo at tagapagmana ng Don Alponce Alonzo ng Hacienda Alonzo. Galing siyang ibang bansa at halos kauuwi lang ng senyorito. Higit sa lahat wala pa siyang ibang kakilala dito maliban sa akin," mas diniinan ni Claudia ang salitang 'maliban sa akin,' na ikinatango naman ni Chris. "Senyorito Agapito," ipinagdiinan talaga ni Claudia ang pangalan ng asawa na Agapito, kaya napangiti ng hindi halata si Chris. "Siya nga pala si Sir Christopher de Luna ng engineering department."

Halos magpanting ang tainga ni Rico ng marinig na ang kasama ni Claudia ay ang lalaking sinasabi nito noong nakaraan.

"Ikinagagalak kong makilala ang nag-iisang apo ng Don Ponce. Hindi ko kilala ang inyo abuelo ginoo. Ngunit batid ko ang kabaitan ng don," nakangiting saad pa ni Chris habang nakalahad ang kamay para makipagdaupang palad kay Rico.

Hindi na sana papansinin ni Rico ang kamay ng propesor kung hindi lang niya lihim na naramdaman ang pagkurot ni Claudia sa kanya. Isang buntong hininga pa ang kanyang pinakawalan bago inabot ang kamay ng kaharap.

Matapos magbitaw ang dalawa ay muling napagtanto ni Chris ang hindi pa rin pagbitaw ni Rico sa dalaga. Na agad din namang nahalata ni Claudia kung ano ang tinatakbo ng isipan ni Chris.

Nawala naman ang atensyon ni Rico sa pagkakahapit niya sa asawa kaya naman mabilis itong nakawala sa kanya.

"Wag mong pansinin sir ang pagkakahawak na iyon ng senyorito. Lalo na at ganoon siyang kalapit sa akin dahil ako nga lang ang pinagkakatiwalaan niya sa ngayon."

Nakakaunawang tumango si Chris. "Paano iyong offer ko?" Ang nais iparating ni Chris ay ang paghahatid sana niya sa dalaga.

"Don't bother yourself about my wi---...," hindi natapos ni Rico ang sasabihin ng takpan ni Claudia ang bibig nito.

"Sige na Sir Chris babye na. Hindi ko kasi alam na susunduin ako ng senyorito dahil nagpapasama nga palang maglibot sa bayan. Alam mo na kauuwi lang. Nakalimutan ko lang kasi. Sige po mauna na kami," mabilis na saad ni Claudia at mabilis nilang iniwan si Chris. Habang si Rico gayong may katangkarang taglay ay nagawang takpan ni Claudia ang bibig at mahila sa kotse nito.

Nagpapasalamat siyang ilang hakbang lang ang layo ng kotse nito mula sa kanila. Hindi katulad ng pwesto ng kotse ni Chris na kailangan pang lumiban ng kalsada.

Hagya ng nakahinga ng maluwag si Claudia ng makitang tumawid na si Chris patungo sa sasakyan nito. Halos patabig na inalis naman ni Rico ang kamay ni Claudia na nasa kanyang bibig.

"What's wrong with you lady!?" singhal ni Rico. Kahit nanggagalaiti sa inis ay mas nadagdagan ng irita ng hindi man lang siya pinansin ni Sisima. Bagkus ay nginitian pa nito ang lalaking nagngangalang Chris ng lumampas ang sasakyan nito sa pwesto nila at kumaway pa dito si Claudia.

Loving You But Not Having You (Haciendero Series 03)Where stories live. Discover now