Chapter 12

2 0 0
                                    

Chapter 12

Pagbalik ni Rico ay sa bahay-hacienda niya itinigil ang sasakyan. Wala rin naman siyang gagawin sa bahay sa ilog kaya naman ang aatupagin niya ay ang libutin ang hacienda. Nasulyapan pa niya ang Don na nakaupo sa isang bench sa may hardin. Isang magandang ngiti ang isinalubong sa kanya ng matanda pagkababa niya ng sasakyan.

"Inihatid mo ba apo si Claudia?" Tipid na tango ang naging sagot niya sa matanda. Pagkuwan ay naupo siya sa tabi nito.

"Lilibutin ko ang hacienda lolo, hindi man lahat ngunit gusto kong makita ang lahat ng lugar dito sa hacienda. Ang mga pataniman at ang mga hayupan."

"Mabuti kung ganoon apo. Nais mo bang pasamahan kita sa isa sa tagapangalaga ng mga kabayo. Tatawag ako ng sasama sayo. Hindi sa minamaliit ko ang kakayahan mong sumakay ng kabayo apo. Ngunit may katagalan na mula ng huli kang sumakay sa kabayo. Ang palagi mo na lang nasasakyan ay mga magagarang sasakyan."

Isang ngiti ang namutawi sa labi ni Rico. Kahit papaano ay naging masaya siya sa pag-aalalang iyon ng matanda.

"Don't worry about me lolo. Pasamahan na lang po ninyo ako sa may kwadra."

"Tatawagin ko na lang si Sinandro at pasasamahan kita. Kaya lang apo nag-aalala akong mag-isa ka sa pagsakay sa kabayo."

"Magtiwala ka lang sa akin lolo. Alam kung kahit ayaw ko ay darating ako sa puntong babalik at babalik ako dito sa lugar kung saan ako nararapat. Lugar kung saan hinubog ang aking pagkatao at lugar kung saan huli kong nakasama ang mga magulang ko. Kaya habang nasa ibang bansa ako ang libre kong oras ay nagtutungo ako sa isang rancho na malapit doon para lang magsanay sa pangangabayo. Hindi mo iyon alam lo, pero ginawa ko. Dahil alam kong babalik ako dito sa hacienda."

Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan ng don. "Salamat ako. At sa pang-unawa sa biglaang paglisan ng iyong mga magulang. Ako man ay nawalan ng nag-iisang anak Rico at napakabait na manugang. Pero masaya akong kasama kita ngayon."

"Naiintindihan kita lolo. At nakita ko ang tulay ng ihatid ko si Sisima. Hindi ko iyon napansin noon umuwi ako. Siguro dahil nakatuon lang ako sa daan at hindi sa mismong paligid. Higit sa lahat iyong sinakyan kong kotse noon ay wala na doon kinaumagahan kaya hindi ko na nagawang magtanong. Mataas na ang ayos ng tulay at matibay. Hindi na rin basta-basta maaabot ng baha."

"Ang tulay ay ipinaayos ko limang taon mula ng umalis ka dito. Muntik ng muli ay may mapahamak sa tulay na iyon. Kaya mas pinalawak at pinatibay. May harang din sa may malapit sa bundok para masala ang mga bagay na pwedeng makasagabal sa tulay. Kaya ang lahat ng aagos sa ilog sa ilalim ng tulay ay maaaring tubig lang mismo at mga patak ng dahon. At tungkol sa sasakyang sinakyan mo ay ipinakuha ko na iyon apo sa nirentahan mo. Hindi na kita inabala pang ibalik iyon. Mas mahihirapan ka kung magpapabalik-balik ka pa ng Maynila para lang sa kotseng iyon. Kung maaari ko namang bayaran ang pagkuha noon." Napatango na lang si Rico. Hindi na rin naman siya nag-usisa pa ng tungkol sa sasakyan iyon. "Kumusta kayo ni Claudia?" dagdag tanong pa ng don.

"Ipinagluto niya ako ng agahan," tipid niyang sagot. Iyon naman kasi ang totoo.

"Mabuting bata si Claudia kaya masasabi kong hindi mo pagsisisihan ang pagpapakasal mong ito apo. Kung ngayon ay naguguluhan ka, darating ang panahon na pasasalamatan mo rin ako sa naging desisyon kong ito apo."

Hindi na sumagot si Rico at tumayo na lang. Nakita niya ang ama ni Claudia na papalapit sa kanila. Tumango lang ang don sa huli at nagpaalam si Sinandro sa matanda. Ganoon din ang ginawa ni Rico.

Habang naglalakad ay nagsalita si Sinandro. "Senyorito sana ay ikaw na ang bahala sa aming anak. Nag-iisa lang si Claudia na biyaya sa amin. Kaya lahat ng maiibigay namin sa aming anak basta makakabuti ay hindi namin hahadlangan."

Loving You But Not Having You (Haciendero Series 03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon