Chapter 8

4 0 0
                                    

Chapter 8

Nakahiga si Claudia sa makapal na damuhan. Gulong-gulo ang isipan niya sa biglaang pagbabago ng maayos niyang buhay.

Estudyante lang siya sa kolehiyo sa bayang iyon. Pagkagraduate niya at nakapasa sa board exam ay maaari na siyang maging guro ng mga bata sa kindergarten. Huling semester na niya sa taong iyon at graduating students. Iyon siya bago dumating ang crush niyang apo ng don.

Ngayon, ilang araw na lang magiging Mrs. Claudia Sisima Acuzar Alonzo na siya. Pangarap niya iyon noong hindi pa naiisipan ng Don Ponce na pauwiin ang apo. Tuwing pinupuntahan niya ang matanda sa silid nito ay hindi maaaring hindi niya susulyapan ang larawan ng senyorito sa may gilid ng hagdanan.

Kasama nito sa larawan ang mga magulang nito. At sa isang kwadro ay ang larawan ng Don Ponce ang asawa nitong si Donya Felicia at ang anak ng mga ito na siyang ama ng Senyorito Agapito.

Sa bawat nakaw na tingin niya sa larawan ay ang pagsibol ng damdaming natural na nararamdaman ng isang dalagang humahanga.

Ang kaibahan lang niya sa ibang kadalagahang humahanga ay nakakausap ng mga ito ang lalaking napupusuan at kilala silang nag-eexist pala sila sa mundo. Habang sa sitwasyon niya ay sa kwadro lang niya nakikita ito. Bukod pa sa mga nakaw niyang larawan ng senyorito na nakatago sa kanyang aparador pag nagpapadala ito ng larawa sa don. Ipapadevelop niya iyon, ayon sa utos ng don. Ngunit may nakatago din siyang maliit na kopya na kasya lang sa pitaka para walang makakita pag-itatago na niya. Kahit ang mga magulang ay walang alam sa kanyang lihim na pagsinta sa senyorito.

Mapait na napangiti si Claudia. "Dapat masaya ako. Pero bakit ganoon? Kahit ang isipan ko ay nagdiriwang sa nalalapit kong ikasal sa senyorito ay hindi maiwasang malungkot ng puso ko sa kaalamang hindi naman niya ako iniibig. Na mangyayari lang ang bagay na iyon ay dahil sa utos ng don." Halos nais mag-unahan ng kanyang mga luha ng marinig niya ang pag-uusap ng Don Ponce at ng Senyorito Rico.

Mahinahon na si Rico ng puntahan niya sa silid ang lolo niya. Nakaupo ito sa may upuan sa tabi ng bintana. Ang pwestong iyon ay natatanaw ang kalawakan ng hardin.

"Lo, maaari ko ba kayong makausap?" Napatingin ang don sa apo ng magsalita ito. Itinuro naman ng don ang isang upuan pa sa silid at dinala rin ni Rico ang upuan nakaharap sa lolo niya.

"Ano iyon apo? Kung ang nais mo ay ang pagbali sa aking utos ay hindi ko gagawin. Hindi lang ako ang nakakita sa sitwasyon ninyo ni Claudia. Kundi pati na rin ang mga magulang nito. Hindi kita pinalaki Rico na maging laruan ang isang babae."

"Pero lo, hindi rin isang laro ang pagkakaroon ng isang asawa."

"Kaya nga pinipili kong si Claudia ang iyong maging kabiyak. Lalo na at naabutan namin kayo sa tagpong iyon. Rico."

"Pero lolo, mali ang iniisip ninyo sa amin ni Sisima. Ipagkakasundo ninyo kami, gayong hindi naman kami magkasundo? Napakaimposible mo lo."

"Pero mahal ka ng batang iyon."

Mula sa pagkakatanaw ni Rico sa labas ay napatingin si Rico sa kanyang lolo.

"Anong ibig mong sabihin lo? Mahal? Paano ninyo nasabi. Uhuging bata pa noon si Sisima ng umalis ako. At buhat noon, kauuwi ko pa lang at hindi pa ako nagtatagal. Baka naman totoong planado mo ito lo. Na akala mo ay ayos lang na makasal na ako kay Sisima dahil kilala na ninyo siya habang lumalaki. Paano naman po ang damdamin ko?" tanong pa ni Rico na ikinabuntong hininga ng don.

Samantala, mula sa labas ng pintuan ay naroon si Claudia. Hindi niya alam kung paanong nalaman ng don ang pagtingin niya sa apo nito. Kaya naman mula ng marinig ang sinabing iyon ng Don Ponce ay nakaramdam siya ng pagkapahiya. Hindi na niya kayang makinig. Totoo naman ang sinabi ng don, kaya lang kahit hindi sa kanyang bibig nagmula. Pakiramdam niya ay siya ang umaamin sa Senyorito Agapito ng kanyang damdamin.

Loving You But Not Having You (Haciendero Series 03)Where stories live. Discover now