Chapter 19

57 6 0
                                    

Maeve's POV

"Athena!" malakas na sigaw ni Herra. Nasa labas siya, kanina pa tinatawag si Athena. Inutusan niya kasi itong bumili sa bayan, hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi. Alalang-alala na 'tong si Herra. Parang nanay talaga ni Athena.

Napangiti ako sa naisip. Limang taong gulang na ngayon si Athena. Lumaki siyang may angking ganda. Manang-mana sa kanyang ina at ama. Sobrang puti ng kanyang balat, mahaba ang buhok, mapupulang labi, at half-red na mga mata. Simbolo iyon na isa siyang kalahating bampira at kalahating tao. Sa murang edad na iyon ay marami na siyang natutunan sa amin. Tinuruan siya ni Herra sa kanyang kapangyarihan. Habang ako naman ay sa self-defense. Magagamit niya ito kapag hindi na kakayanin ng katawan niya. Kailangan niyang matutunan ang self-defense dahil kapag napagod ang kanyang katawan sa kakagamit ng kapangyarihan, maaari siyang mawalan ng lakas para gamitin muli iyon. Kailangang mag-ipon muna ng lakas bago gumamit muli ng kapangyarihan. Kahit na malakas siya ay kailangan niya paring sumailalim sa masinsinang pag-eensayo. Hindi madali ang kanyang mga kalaban, mas malakas ito sa amin ni Herra.

"Dumating na ba?" lumabas ako ng bahay. Hindi na maipinta ngayon ang mukha ni Herra.

"Can you track her, Maeve? I can't smell her! Baka napano na iyon sa bayan!"

"Huminahon ka nga, Herra. Walang mangyayari sa batang iyon. Alam niya ang ginagawa niya kaya hayaan mo,"

"No! Mananagot tayo, Maeve kapag may mangyari kay Athena! We both promised sa matanda na aalagaan natin siya! Ibabalik niya sa pagiging sanggol iyon kapag—"

Tumawa ako ng malakas. Hindi makapaniwalang tiningnan niya naman ako. Binuksan niya ang kanyang palad at lumabas ang apoy duon. Akala ko ay tatamaan niya ako non ngunit hindi. Tinapon niya iyon sa aming lutuan. Alam kong nag-aalala talaga siya sa batang iyon. Napamahal na kasi siya, sanggol pa lamang si Athena ay sa mga bisig na ni Herra iyon. Hanggang sa lumaki siya kay Herra parin ang bagsak niya. Walang atraso sa akin 'yon. Mas mabuti ngang mas malapit si Athena kay Herra dahil darating ang panahon na ililigtas siya ni Herra sa kapahamakan.

Nangako kami sa matanda na aalagaan namin si Athena kapalit ang anyo nito. Ginamitan niya ng mahika si Athena. Mula sa sanggol ay lumaki ito hanggang sa limang taong gulang. Iyon lang daw ang kaya ng matanda. Hindi na siya babalik sa sanggol, duon magsisimula ang kanyang paglaki. Maiging bantayan si Athena dahil sa edad na iyon ay marami na siyang alam. She can still remember her real mom. Laging bukam-bibig niya si Ayama. Inis na inis naman si Herra dahil mahina raw ang nanay ni Athena. Nguso lang naman ang tanging sagot ni Athena. Hindi umapila sa sinabi ni Herra.

Hindi totoo iyon. Malakas si Ayama. Kung hindi siya nagdadalawang tao noon kay Athena baka kanina pa nakipag-digmaan iyon kasama ang mga mages. Pinili niya ang kaligtasan ng kanyang anak, binuhis nga ang buhay para kay Athena. Hindi siya mahina, malakas siya. Hindi maiintindihan iyon ni Herra dahil wala siya sa posisyon ni Ayama.

Sana'y ayos lang silang dalawa ni Elyse, kung nasaan man sila ngayon.

"Damn! Pupuntahan ko sa bayan si Athena, Maeve!" pumadyak ito. Kinuha niya ang matulis na espada sa kanyang tabi at tumayo.

"I can't just sit here and wait! Magdidilim na oh, hindi puwedeng ganito."

Tiningala ko ang kalangitan. Magdidilim na nga pero...hindi ito dahil sa araw kundi...

"Hindi, Herra. Hindi maganda ito, kailangan nating hanapin si Athena!"

Nanumbalik ang kaba sa aking dibdib nang mapagtantong hindi sa araw galing ang unti-unting pagdilim ng kalangitan. Kundi, galing sa makapangyarihang elders. Shit! Hindi maganda ito!

"Nalaman na kaya nila?" humahangos na tanong ko habang tinatahak ang masukal na kagubatan papuntang bayan. Malapit nang sakupin ng dilim ang kalangitan. Kapag nangyari iyon at tiyak na katapusan na talaga!

Hitmiton Academy: The Last GirlWhere stories live. Discover now