Chapter 20

82 8 0
                                    

Ayama's POV

Finally, I'm back.

"Akala talaga namin patay kana, Ayama," basag ni Maeve sa katahimikan. Akala ko nga rin patay na ako at mananahimik na ngunit hindi pa pala. Hindi pa tapos ang laban.

Nang magising ako ay natagpuan ko ang aking sarili sa malambot na kama. Unang bumungad sa mga mata ko ay sina Weston at Ferron na kapwa nag-aalala. Nu'ng una ay hindi ako naniniwala na buhay ako, na nakikita ko sina Ferron baka nananaginip lamang ako. Pero hindi, buhay ako. Humihinga at nahahawakan si Ferron.

Nalaman kong nasa water tribe ako, inalagaan ako ni Diograsya Aleman ang nag-iisang babaylan sa lugar na iyon. She saved my life from dying. Hindi ko man lang siya napasalamatanan dahil bigla kaming tinaboy ni Jarren. Ang pinuno sa lugar na iyon. Nagalit iyon dahil sa ginawa nina Ferron at Weston. Sinira nila ang kalahating lugar. Binigyan ng pasa ang mga taong nakatira duon. Nang nalaman iyon ay muntikan ko nang sampalin sina Ferron, mabuti nalang talaga wala pa akong gaanong lakas non. Unti-unti pa lang bumabalik.

Nararamdaman ko ang malakas na enerhiyang bumabalot sa akin nang mga panahong iyon. Habang nakahiga sa malambot na higaan, nakikita ko sa dilim ang aking kapangyarihan. Mas lalo itong nabuhay, binalik lahat sa aking katawan ang kapangyarihang binigay ko sa aking anak noon. Hindi ako nabahala dahil alam kong nasa tamang kamay si Athena. Ang nag-iisa naming anak ni Ferron. Hawak siya nina Herra at Maeve.

"Bitawan mo ako, Ferron! Gagawin mong sacrifice ang walang kamuang-muang batang iyon para sa pansariling kagustuhan mo?! Are you fvcking crazy?! Hindi kita hahayaan na gawin 'yon sa anak ko!"

Pinagtatalunan namin ni Ferron si Athena sa huling araw namin sa lugar ng mga water tribe. Gusto ko siyang suntukin at sigawan ng sigawan ngunit pinipigilan ko ang sarili ko.

Nagpapalakas pa ako, hindi ko muna sayangin ang lakas dahil lang sa walang hiyang Ferron na 'to. I remembered everything! Hindi nawala ang memorya ko! Kilalang-kilala ko parin lahat! Kahit mga kalaban ay kilala ko.

He gritted his teeth. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Pilit pinapakalma ngunit mas lalo akong naiinis sa kanya. Sa gilid naman namin ay si Weston, kanina pa nanonood sa amin. Paminsan ay tumatawa sa bangayan naming dalawa ni Ferron. Ansarap niya ring lunurin. Kung pwede lang baka kanina ko pa ginawa.

"Calm down, baby. Hindi ko gagawing sacrifice ang anak natin. Nasabi ko lang 'yon dahil akala ko totoo ang lahat. Kasinungalingan lang pala iyon ng mga elders. Pinaniwala nila ako, Ayama. Sinira nila ang pagkatao ko!"

Umikot ang mata ko. Dahan-dahang inalis ang kanyang kamay sa aking braso tsaka umupo sa harapan ni Weston. Bahagyang tumaas ang kanyang kilay. Nagdadalawang isip kung aalis ba siya o mananatili.

"Everything about them is a lie." I murmured. Gumawa ng sariling kasaysayan para itago sa lahat ang kanilang totoong pagkatao. Akala ng lahat sila 'yung nakakaawa, sila ang inaapi ng mga kataas-taasan ngunit hindi. Sila ang sumira, gusto nilang kunin ang buong Warlington at paglingkuran ito.

Maraming umapila. Halos malalakas din tulad nila kaya lang ay natalo ang mga ito. Mga duwag ang itinakda noon. Lumayo, pinili ang sarili kaysa protektahan ang lugar. Dahil duon ay mas lalong nanaig ang kanilang kagustuhang kunin ang buong Warlington.

Bakit ko nalaman 'to lahat? Dahil iyon sa librong minsan ko nang nabasa. Lahat ay nandon, kasaysayang puno ng kasinungalingan. Mga sakim na taong nakatago sa dugong walang bahid na kalungkutan. Kalabisan, kapangyarihan ang siyang tumutulak sa kanilang nais.

Isa sa mga gusto nilang kunin ay ang anak ko. Anak namin ni Ferron. Gusto nilang gawing sacrifice si Athena para sa kanilang dyosang namatay isang daan na ang nakalipas. Tinalo ng Reyna ng mga water tribe. Hindi sila ang kawawa.

Hitmiton Academy: The Last GirlWhere stories live. Discover now