Chapter Seven: Celeste
Kunot noo akong naglinga-linga sa paligid ngunit wala akong makita kundi ang mga matataas na kahoy lamang na tinatakpan ang sinag ng araw.
"Where am I?" Bulong ko sa sarili ko at patuloy parin sa paglakad-lakad.
Seriously, I've been here kanina pa at kanina pa ako naglalakad, I can't even find the end of this place I'm in. Napapagod na ako!
Napaginhawa lamang ako nang may matanaw akong ilog kaya patakbo akong lumapit rito.
Napakaganda ng tubig, kumikinang ito dahil sa sinag ng araw at napakalinaw ng ilalim nito.
I kneeled as I reached my hands towards the water, pinagdikit ko ang kamay ko at ginawang bowl 'yun para kumuha ng sapat na tubig para mainom.
Nang mainom ko ito ay pagod akong napahiga sa sahig. What am I doing here anyway?
"Hey.. Celeste.. Celeste.."
Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko nang maramdaman ang pagtapik sa 'kin ng kung sino. Mahina rin ang pagyugyog nito sa katawan ko.
Bumangon ako at kinusot-kusot ang aking mga mata. Nakaidlip pala ako.
"WAAAHHHHH!!" Sigaw ko nang makita kung sino ang gumising sa 'kin.
Nakaupo rin ito sa damuhan at nakatungo.
Thick eyebrows, Well-sculpted Nose, Thin Lips, Visible Rosy Cheeks, Skin as White as The Snow, Blonde Hair and... Green Eyes. C-Celeste?
"Napakaganda..." Mahinang bulong ko na sapat lang para marinig ko—naming dalawa.
Napasinghap ako nang umangat ang tingin nito sa 'kin, sinalubong ang aking mga titig ng malalamig na titig. She has this bored and uninterested look on her face.
Para akong nanigas sa kinauupuan ko nang abutin nito ang mukha ko at marahas iyong hinimas.
"Celeste Del Varre. I knew it, the soul who possesses my body has the same name as me." Turan niya.
"W-Who are you?" Lakas na loob kong tanong rito na siyang ikinatawa niya ng mahina.
Napaginhawa ako nang alisin nito ang kamay sa mukha ko at tumayo saka niya inilahad ang kanang kamay sa 'kin.
Tinanggap ko naman ito at tatayo na rin sana ngunit agad na napadaing nang bitawan niya ang kamay ko dahilan ng pagkabagsak ko sa damuhan.
This B-. I got fooled for a second huh?
"Loving my family who killed my mother? Why stoop so low, Celeste?" Matigas ang kaniyang boses.
Sinamaan ko naman siya ng tingin, "Killed your mother? No, they protected and cared for you."
Tumayo ako at hinarap siya.
Mapakla siyang tumawa sa naisagot ko ngunit agad ring nag-igting ang baga at kinuyom ang kamao. "That motherfcking b-tch's blood is flowing inside their body!"
Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. "Bakit? Kasalanan ba nila?"
"OF COURSE!" Nagulat ako nang sumigaw ito sa mukha ko.
Sisigaw rin sana ako pabalik ngunit agad kong tinikom ang bibig ko at kinalma ang aking sarili nang makitang nanginginig na ang buong katawan nito dahil sa galit.
Umawang ang bibig ko nang magsmiulang tumulo ang kaniyang mga luha.
"M-My life is so unfair... D-do you even know why you weren't able to regain my memories?"
Umiling ako.
"Of course! That's because of my fcking illness! O-one of the symptoms of my illness is M-memory loss." Patuloy parin ito sa pag-iyak.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Unknown Character
FantasyReborn Doulogy #1 (First Generation) From being the popular student To being an unknown character I was one of those students whose name was always mentioned whenever we had an event at our university, the model of our school uniform, and the queen...