Chapter Twenty-Seven: Oleander
"Here's your tea, Diamond. I made it myself." Nakangiti niyang nilapag ang tsaa na ginawa niya sa aking mesa.
Agad ko naman itong kinuha saka ito inamoy. Mapait akong napangiti. As usual, amoy Oleander na naman ito.
Inisang lagok ko ito habang nakatitig ang mga mata ko sa sabik niyang mukha.
"S-slow down.. baka mapaso ka.."
Nilapag ko ang wala ng laman na baso sa mesa saka ako tumayo at pinunasan ang labi gamit ang panyo ko. Nakakapaso nga, but from drinking his teas for a week? Mukhang nasanay na ang dila ko rito.
After coming to me and asking for my help ay heto siya ngayon, dikit na dikit sa 'kin. Ang sabi niya kasi ay tulongan ko raw siya sa pamamagitan ng pagdikit ko lang sakanya, I don't how acting as a glue to him can help him. Hindi ako nagtanong kung bakit at hindi rin siya nag-share kung bakit.
I just enjoyed this moment.. being with him.
Agad akong napahawak sa pader nang makaramdam ako ng pagkahilo para ibalanse ang sarili ko. Is this Vertigo or what? I keep feeling dizzy whenever I drink a tea, para bang umiikot ang lugar na kinaruruonan ko from too much dizziness.
"A-Are you okay?" Naramdaman ko ang paghawak niya sa beywang ko gamit ang kaliwang kamay niya, ang kaniyang kanang kamay ay napunta sa balikat ko.
Sumandal naman ako sa dibdib niya at pinikit ang mga mata, "Liam, can you bring me to my bed?"
Agad naman ang pagsunod niya't binuhat ako at dinala ako sa aking kama saka ako maingat na nilapag rito.
Umupo siya sa tabi ko dahilan ng paghawak ko ng mahigpit sa kamay niya. Pinisil-pisil ko ito at hinimas-himas. Napakalambot ng kamay niya.
Inangat ko ang tingin ko sakanya at nakitang nakatitig siya sa 'kin. Inabot ko ang mukha niya saka ito marahang hinimas.
"Liam.. you won't betray me, right?" Nagulat naman ang mukha niya na siyang ikinangiti ko ng matamis.
"The Liam I know will never betray me. He just loves me deeply more than I love him." Mas lalo akong napangiti nang naguluhan na ang kaniyang mukha.
"O-of course, I love you, Diamond."
"Liam.."
"Yes, Diamond?"
"Our child died. Our Liam The Second died. He was killed by a witch. Ruth and The Megarias, too, were killed." Mapakla akong tumawa at napapikit para damahin ang kalungkutan na inaatake nanaman ako ngayon.
"Dabas, my personal bodyguard, betrayed me. Come to think of it, he helped someone who killed his little sister. Isn't he just dumb nor stupid?" Dinilat ko ang mata ko at sinalubong ang mga mata niyang wala ng emosyon na nakatingin sa 'kin.
Bumangon ako saka ako kumandong sakanya. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya saka siya niyugyog.
"L-Liam.. why don't you say something? Magsalita ka naman. Please, d-damayan mo naman ako.."
"Why should I?"
Parang may kung anong bumara sa lalamunan mo nang hindi agad ako nakapagsalita. Napasinghap ako sa hangin nang itulak niya ako palayo sakanya dahilan ng pagkabagsak ko sa sahig.
Nanlalabo ang mga mata kong napaangat ng tingin sakanya.
"You're the Knight Captainess. How are you this weak and crybaby when it comes to me?" Tumayo siya't pinagpagan ang damit niya.
Napakurap-kurap ako nang may nilabas siyang matulis na bagay mula sa bulsa ng pantalon niya. Lumapit siya sa 'kin at kumandong sa 'kin saka niya tinapat sa leeg ko ang matulis na bagay na 'yun.
"You'll die anyway. Why don't I help you die now? To save you from this sufferings of yours?" Nakatitig ang malalamig niyang mga mata sa mga mata ko na siyang nagpalunok sa 'kin ng sunod-sunod.
"L-Liam.. why are you doing this?"
Mapakla siyang tumawa. "You killed my mother. No, your ancestor killed my mother. This is just me, taking a revenge."
"A-ancestor?"
Mas lalo siyang napatawa at ngayo'y dinikit na sa leeg ko ang matulis na bagay na hawak niya, "Aren't you the descendant of the goddess? The goddess who created this world? The goddess who owns the legendary pen and paper? Author was it? The Witch called her the author."
Matagal akong napatitig sa kanya hanggang sa natawa ako ng malakas habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko nang maintindihan ko ang mga sinasabi niya.
Ako ang sinisisi niya? Nakatakda rin akong mamatay ah. Anong gagawin ko kung napunta ako sa katawan ng descendant ng goddess?
Pumikit ako nang mahimasmasan na ako sa pagtawa, "Kill me. I've lost the will to live anyway."
"WOMAN! YOU'RE CRAZY! HOW COULD YOU LET HIM KILL YOU!" Agad akong napadilat ng tingin nang marinig ang pagwawala ni Glee.
Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si Liam at nakitang wala na siya rito.
When did–
Does that mean that Liam was not able to kill me because Glee was appointed to look after me?
Gumapang ako palapit kay Glee saka ko niyakap ang paa niya. "T-Then Glee, can you kill me instead?"
"You're crazy." Umiling-iling siya at hindi magawang ibaba ang tingin sa 'kin.
"G-Glee, please.. d-durog na durog na ako.. gabi-gabi kong napapanaginipan ang anak ko kasama si Ruth at ang mga Megarians.. Gusto kong sumunod sakanila. Glee, please.." Niyugyog ko ang paa niya at hinayaang humahulgol na nakikita niya.
"You've been drinking that poisonous tea, aren't you?"
Inangat ko ang tingin ko at parang baliw na tumango-tango. "Y-yes, h-he made that anyway.. I had to drink it.."
Lumambot ang mukha niya saka siya bumuntong hininga at lumuhod para mapantayan ako. Inayos niya ang buhok ko saka niya hinalikan ang noo ko.
"You shouldn't have agreed with the plan to save the prince. Look at him, planning to kill you." Niyakap niya ako ng mahigpit.
"G-Glee.."
"Hmm.."
Should I tell him?
"We're in the novel I once read in my real world. All of us are just a character in this novel with a role. The Pink-Haired girl is the main character. You are the male lead and Liam is the second male lead." Tinignan ko ang mukha niya at nakitang matiim siyang nakikinig sa 'kin.
"And the author of that novel is the goddess of this world. A-and my mother happened to be the descendant of the goddess, making me a descendant, too." Niyakap ko siya pabalik saka ko sinandal ang ulo sa dibdib niya.
"And that author killed Liam's mother in her story?" Tanong niya kaya tinanguan ko lang siya bilang pagtugon sa tanong niya.
"What about you? What's your role in this world?"
"An unknown character."
"But in every universe or novel where you're the female lead. I, Glenoer Caleb Deklan, will always be the second male lead, ain't I?"
_______________
A/N: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.Beware of typos and grammatical errors as this was only copied and pasted from the Group Page Wattpad Fantasy at Facebook.

YOU ARE READING
Reincarnated As An Unknown Character
FantasyReborn Doulogy #1 (First Generation) From being the popular student To being an unknown character I was one of those students whose name was always mentioned whenever we had an event at our university, the model of our school uniform, and the queen...