Chapter Nineteen: The Prom
"We have a prom." Pag-imporma ni Liam dahilan ng pagbaling konng tingin sakaniya.
"A prom? Isn't it the last days of the school year?" Naguguluhang tanong ko.
"Well, that prom shall serve as the academy's farewell party. The prom should have originally occurred at the midyear but I postponed it thinking that you would come before the school year ends but.." nagkibit balikat siya habang may pagkadismaya sa kaniyang mukha.
"Yeah, right. I'm sorry." I love going to proms, balls, and parties. I think attending the prom in this world isn't written for me to attend.
"Do you wanna go?" Imposibleng tanong niya.
Inilingan ko nalang siya at bumuntong hininga, "It's okay."
"Should I fetch you there?"
Pinanliitan ko siya ng mga mata, "No."
"But do you wanna dance with me?" Napaka-imposible muling tanong niya.
"Nainom mo ba ang gamot mo, Liam?" Kunot noong tanong ko sakanya. Kita ko naman na naguluhan siya.
"Gamot? I'm not sick, Love." Napaigtad ako dahil sa tinawag niya sa 'kin saka siya sinamaan ng tingin.
"We're not a couple, Your Highness."
"I am your future husband. I'm all yours." Kinindatan niya ako ngunit sa halip na kiligin ay tumaas ang mga balahibo ko. So cringe!
Magsasalita sana ako ngunit agad na napatigil nang may tumawag kay Liam kaya agad itong nagpaalam at sinabing mag-uusap nalang daw kami mamayang gabi.
Isang buntong hininga ang lumabas sa bibig ko nang ibinaba ko ang salamin sa mesa. Masaya ako na nakakausap ko si Liam. Masaya ako na nabibigyan niya ako ng kaniyang oras dahil nakakatulong ito sa 'kin para hindi ko masyadong mamiss ang mga kuya't daddy ko.
Noong kamustahin ko sakanya ang pamilya ko ay sinabing okay lang naman daw sila. Hindi ko mapigilang malungkot dahil hindi nila pwedeng magamit ang salamin na 'to.
Tinanong ko rin siya kung ano ang pinag-aabalahan nila ay sinasabi niyang wala naman daw nagbago, ang dating nakasanayan na ginagawa nila ay 'yun na yun.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay hindi ko mapigilang mag-alala sa kung anong hinaharap ang naghihintay sa 'kin, sa amin. It's been a year and the novel will start sooner or later.
Lumabas ako ng aking kwarto para tignan ang anak ko. Sa pagdaan ko sa hallway ay sari saring rao ang nakasalubong ko. Lahat sila busy. Lahat may dalang mga gamit habang akyat baba sa hagdan. Halos hindi sila magkamayaw.
Malapit na ang New Year, malamang ay naghahanda sila para i-celebrate ito lalo na't nasa isang ligtas na lugar na raw sila kaya malaya silang maghahanda para sa rito.
Nakakalungkot isipin na sa mga taon na nagdaan ay hindi nila nagawang i-celebrate ang New Year dahil sa kalagayan nila nitong nakaraang taon.
Sa totoo lang ay malaki ang pagpapasalamat ko sa akademya dahil ako ang napili nila para i-purify ang lugar na 'to dahil nagawa kong lagyan ng mga ngiti ang mukha nila nung oras na dumating ako rito.
It's a small gesture but at the very least, I can help.
"Kamahalan, ang ganda niyo po." Nakangiting sabi ni Ruth nang matapos niya akong ayusan.
Hindi ko magawang makangiti dahil hindi ko naman ginusto 'to, ang mag-ayos para sa laro nilang hindi ko mapangalanan.
Nakasuot ako ng mahabang bestida na abot hanggang sa talampakan ko. It was a breezy and frilly cream colored dress with vintage embroidery. Isa sa mga bigay ni Samantha.

YOU ARE READING
Reincarnated As An Unknown Character
FantasyReborn Doulogy #1 (First Generation) From being the popular student To being an unknown character I was one of those students whose name was always mentioned whenever we had an event at our university, the model of our school uniform, and the queen...