Chapter Fifteen: Lylia

6.3K 161 2
                                        

Chapter Fifteen: Lylia

"H-here's the magical mirror, we can talk here whenever you're free." Inabot niya sa 'kin ang bilog na salamin na napapaligiran ng disenyong dahon at bulaklak.

Tinanggap ko naman ito at nakita ang aking repleksyon rito ngunit pagkaraan ng ilang segundo ay ang mukha niya ang bumungad rito kaya agad akong napaangat ng tingin sakanya.

Gaya niya ay may hawak rin siyang salamin gaya ng hawak ko.

Binalik ko ulit ang paningin ko sa salamin at di maiwasang mapatitig sa maamo niyang mukha.

I wonder what Celeste made that made this man love her so much. He is always sincere and genuine when it comes to me.

"Can we get married once you're done with your mission?"

Natigilan ako sa biglaang pagtanong niya at sa pangalawang pagkakataon ay napaangat ako ng tingin sakaniya at nakitang nakatitig rin siya sa 'kin.

Bumuga ako ng malakas na hangin bago ako tumayo at nilapitan siya. Matagal kaming nagkatinginan.

I don't want to become the crown princess but I want to save him. What if I become his personal knight instead? Okay lang ba 'yun?

Hinawakan ko ang mukha niya at marahang hinimas 'yun. Hinawakan rin niya ang kamay kong nakahawak sa mukha niya at pumikit na parang dinadama ang mga hawak ko.

"Liam.."

"Diamond.."

"Do you badly want to get married to me?" Napadilat siya.

"Yes, I badly want to do so.."

"Then, do you... love me?" Pabulong na tanong ko.

"More than the moon loves the darkness." Otomatikong dumapo ang kaniyang labi sa leeg ko at hinalikan 'yun saka kinagat.

Mahina akong napa-ungol, "W-what if I don't love you?"

Inangat niya ang kaniyang mukha saka ako hinalikan sa aking noo, "I'll make you."

"I'm going on a mission."

"You'll be staying in our palace once you're done with your mission."

"I'll become a knight by then."

Natigilan siya. Binitawan niya ako at humakbang paatras saka siya umiwas ng tingin.

"I-I am still the crown prince and you're the still Princess of Edmund."

Napunta ang tingin ko sa kamao niyang nakayukom dahilan ng pagbuntong hininga ko. Lumapit ako sakanya at hinawakan ang kamao niya saka 'yun hinalikan.

I don't know why I'm doing such things. I just found myself wanting to reassure him for something I don't know.

Natigilan siya sa ginawa ko at agad na nanlambot ang mukha.

Nginitian ko siya ng matamis, "I'll think about marrying you once I get back. You better behave yourself and not lay your eyes on another women."

Paano kung matagalan ako sa misyon ko? Paano kung sa oras na bumalik ako ay nagsimula na pala ang kuwento? Paano kung makita niya ang babaeng nakatadhana niyang mahalin? Paano kung mahumaling siya sa babaeng 'yun? Paano kung–

"Of course, no woman can surpass you in my heart, darling." Tinuro niya ang kaniyang puso, "You'll be staying here, not someone else."

Otomatikong pumalibot ang aking braso sa katawan niya saka ko tinapat ang tenga ko sa dibdib niya na ngayo'y kumakabog ng malakas.

Inakap niya rin ako pabalik saka niya hinalikan ang ulo ko, "You're my crown princess, Diamond."

"You, too, is my Liam."

Reincarnated As An Unknown CharacterWhere stories live. Discover now