Chapter Thirty-Three: Under The Oak Tree

4.9K 110 1
                                        

Chapter Thirty-Three: Under The Oak Tree

The fresh breeze of the air. The skyblue clear sky. The clear water that makes this whole place magically beautiful.

In fairness, pangatlong punta ko pa rito pero parang nakakaramdam na ako ng nostalgia. Sadyang napakaganda talaga ng lugar na 'to.

Sa paglibot ko ng paningin ko sa paligid ay tumigil 'yun sa babaeng nakahiga sa damuhan. Kulay ginto ang buhok nito at kulay berde naman ang mga mata nito.

Mukhang napansin nito ang pagtitig ko sakanya dahil bumangon ito at diretso akong tinignan sa aking mga mata.

"It's time for me to go back.." Diretsang sabi nito.

Lumapit ako sakanya. "Why? After I suffered that much ay saka ka lang babalik? Anong trip mo sa buhay, Celeste? You want someone to work for you in your stead and then enjoy the success by yourself?"

"Look.. Alam kong alam mo na sa ngayon kung bakit hindi kita dinisturbo for a whole year. Sa tingin mo ba'y dito hahantong ang lahat kung ako ang nasa katawan ko? I mean.. your illness—our illness will start to occur and we'll eventually die kung ikaw parin ang gumagamit ng katawan ko." Mahabang lintaya nito.

"What are you trying to point out, Celeste?"

"You have to go back to your world, Cele. Kailangan munang bumalik. Wala ka namang dapat ipag-alala. You are me and I am you. Iisa na lang tayo ngayon, dalawang kaluluwa nga lang."

Napatahimik ako sa sinabi niya. The witch died, concluding that no one else will disturb this world. Celeste needs to reclaim her body and I need to go back to my world. Or else.. we'll both die.

Mawawal ang existence ko sa mundong ito, ganun din sa mundo ko.

Should I agree with her?

Napakurap-kurap ako nang nag-iba na ang paligid. Nasa isang silid na ako habang nakaharap sa mga taong nakasama ko sa mundong 'to.

Mukhang pinabalik na ako ni Celeste.

Otomatikong dumapo ang tingin ko sa tatlong tao na mga trabahador ko.

"Sir Butler. Zeus. Drake." Agad naman ang paglapit nila sa 'kin habang nakangiti sila ng matamis sa 'kin.

"Thank you so much for handling the shop. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa 'nyo gayung hindi ko na kayo nabisita." Naging malungkot ang boses ko kaya napailing-iling sila.

"This has become our life, your highness. If it weren't for you, baka naging male prostitutes na kami ni Zeus." Ani Drake saka siya mahinang tumawa na sinabayan naman ni Zeus.

Si Manong naman ay tumango-tango sa 'kin. What about him? Hindi ba niya nami-miss ang pamilya niya sa mundo namin? Hindi ba siya napapa-isip minsan kung gusto na niyang bumalik?

"You're way too gorgeous with your emerald gown, Your Highness!" Masiglang sigaw ni Samantha sa tabi ko. Inaayusan niya pala ako.

The people of Douglas are demanding to meet the rumored descendant of the goddess, the one who has the goddess mark, the green eyes.

Alam ko namang hindi lang simpleng pag-tingin lang ang gusto nila. Gusto rin nilang marinig ang statement ko sa trono, kung kukunin ko ba ito dahil pagmamay-ari ko naman talaga ito o hahayaan ang Douglas Family na mamuno na rito habang buhay.

Napatingin ako kay Liam na ayos na ayos rin, gaya ko ay nakasuot rin siya ng berdeng kasuotan na nakalaan lang para sa isang emperador.

Sunod naman akong napatingin kay Glee. Nakapamulsa ito't nakasandal sa pader habang diretso ang mga titig sa 'kin.

Reincarnated As An Unknown CharacterWhere stories live. Discover now