Chapter Twelve: The Crown Prince
Biglang nag-ring ang bell ng akademya. Nagbigay 'yun ng nakakabinging ingay dahilan ng pagtayo ng mga estudyante at ang pagmamadaling paglabas ng mga ito sa Cafeteria.
Tumayo ako nang tumayo ang lima.
Napatingin ako kay Cliff nang kalabitin niya ako at nakitang nakangisi ito ng nakaka-asar sa 'kin.
"What?" Taas kilay kong tanong ko sakanya.
"Remember when we said that he took a year off?" Tanong niya na agad kong tinanguan saka siya kinunotan ng noo.
"Then can you think of a reason why he came back this early?" Naroon parin ang nang-aasar niyang ngiti.
"Youngest, come here. The students will welcome his highness, the crown prince and we, royalties, should be leading them."
Agad akong tumabi kay Carl at mahigpit na kinapit ang kamay sa braso niya saka ko dinilatan si Cliff na siyang ikinahalkhak niya't tumabi sa 'kin at kinapit rin ang kamay sa braso ko.
"I'm just kidding. It's not like we'll give you to him that easy. Aba't kailangan muna niya ng permission namin, diba Kuya Carl?" Aniya na tinanguan ni Carl.
Actually.. I am curious about the crown prince. Bakit nila sinasabi na ang naging 'kaibigan' ko sa Mansyon ay ang prinsepe? If so then bakit sa mga oras na 'yun ay sa tarangkahan lang namin siya nagtatambay? And no staffs nor knights are giving him an attention?
And if he's really the crown prince then why the hell Celeste made a promise to marry him?
I don't remember the crown prince being acquainted with the Edmund Princess in the novel.
Posible bang nag-iba na ang takbo ng nobela?
Narating namin ang mga estudyante na nakahilera sa gilid ng tarangkahan ng akademya, naruon ang mga knight students, lady-in-waiting students, and the healer students.
Nang mapansin nila kami ay agad silang nagbigay ng daan para sa 'min kaya naglakad na kami palapit sa tarangkahan kung saan naruon ang malakeng karwahe na may nakasabit na bandila ng Douglas Empire habang pinapalibutan ng sa tingin ko'y isang daang mga kawal.
Such is the crown prince!
Napabitaw agad ako sa braso ni Kuya Carl nang may biglang humigit sa 'kin at sinandal ako sa kung saang malayo sa mga estudyante.
Narinig ko pa ang pagtawag ng mga kuya ko sa pangalan ko ngunit hindi ko magawang makasagot dahil sa bilis ng kilos ng sinumang humigit sa 'kin.
Kumunot agad ang noo ko nang makita kung sino ito.
Ang kulay karagatan nitong mga mata napapokus ang mga mata ko. Tunay na napakaganda, nakakalunod ang mga mata ng male lead, ang mga mata ni Glee.
"G-Glee, why did you bring me–"
Napatigil ako nang takpan nito ang bibig ko gamit ang kanang kamay niya kasabay ng paglapit ng mukha niya sa mukha ko.
Napapikit ako at hinintay ang anumang balak niyang gawin sa 'kin. This is it! Papatayin na nga niya ako! Pero paano ba niya ako lalagutan ng hininga? Puputulin ang ulo ko? O is-struck niya ang espada niya sa tiyan ko? O sasakalin niya ako hanggang sa mawalan ako ng–
"I-I'm sorry. Celeste, I'm so sorry..." Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niya.
"H-ha?"
"I-I was acting childish and immature ever since you came here. I do apologize for my past actions. I promise to get back to you." Namula ang kaniyang pisnge.

YOU ARE READING
Reincarnated As An Unknown Character
FantasyReborn Doulogy #1 (First Generation) From being the popular student To being an unknown character I was one of those students whose name was always mentioned whenever we had an event at our university, the model of our school uniform, and the queen...