Chapter Thirty: The Male Lead

2.7K 89 8
                                    

Chapter Thirty: The Male Lead

"I hope you're having a good time watching us work." Hinawi niya ang itim na itim niyang buhok gamit ang mga daliri niya. Nagbabadya ang mga pawis sa buong katawan niya dahilan ng pagdikit ng suot niyang sando sa katawan niya. Kitang-kita narin ang laki ng pangangatawan niya.

I leaned closer on the table and with my lips closed, I give him a sordid smile. "I'm not in the fault here, Glee. Kayo ang may gustong tumunganga ako rito habang nagha-harvest kayo."

After having the talk with everyone yesterday. Naplanuhan nilang magharvest ng mga halaman at bulaklak sa buong probinsya sa umaga at magplano sa gabi, for future purposes.

Inatasan rin nila akong Province Head ng probinsya dahil ako naman raw ang nagpapakain sakanila na pati si Dad ay pinapakain ko narin. In short, lahat sila palamon.

It's crazy how the Grand Duke's Brothers, Duke Glee, and the other dukes' children are now wearing a plain white polo and black trouser when in the past, they only wore those expensive blazers with diamond garments and so on and so forth..

Kung titignan silang lahat ngayon ay parang laking probinsya lang sila na hindi pa nakakaranas na makahawak ng diyamante. Pero anong magagawa natin.. this is just what we call 'Life'. Ngayon ay mayaman ka, bukas naman ay mahirap ka.

"Daddy! Palamon ka rin, kailangan mong magtrabaho!"

"Yes, Anak. I just want to rest and drink a tea."

"But Dad! Nakaka-isang hukay ka lang ng lupa."

"I-I just don't know how to use that giant spatula, son."

"Dad, it's a shovel, not a spatula."

Mahina akong napatawa nang marinig ang sigawan ni Kuya Cliff at ni Dad. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko saka ko sila tinanaw.

"Parang gusto ko nalang tumira rito with everyone. Hayaan nalang kaya natin si Liam at ang babaeng may Pink na buhok na mamuno sa Douglas? What do ya think?" Bumaling ako sa gawi ni Glee.

Binigyan ako nito ng tipid na ngiti. "That sounds like a great idea, Celeste. Living with you for the rest of our lives is like a fairytale for us. But look at them.."

Napalunok ako sa sinabi niya saka ko sinundan ang tinignan niya.

Ang mga dati naming trabahador na masayang nagtatanim ng mga halaman. Ang mga dati naming guwardiya na tinutulongan ang iba sa paghukay ng lupa. Ang pamilya ko na masayang nagtatawanan kasama si Keb at Tommy.

"They're trying to be strong for you. Smiles must've been plastered in their faces but deep inside, I do know for sure that they want justice from what happened to them. Just imagine wearing an expensive knight attire and suddenly, a plain white polo is–"

"Glee, what about you?" Pagputol ko sakanya dahilan ng pagbaling niya sa 'kin.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at pinisil. "As long as I'm with you, everything's just.. okay."

Tinabingi ko ang ulo ko. "I have told you that I'm an outsider here, haven't I? Why are you still clinging to me? I stole this woman's body and took her family's love from her."

"Did you choose this path? Pinili mo bang mapunta ang kaluluwa mo sa katawan ni Celeste?"

Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak ng mahigpit sa dalawang kamay ko. "I-I didn't.."

Agad nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagtibok ng malakas ng puso ko at ang pagwala ng mga paru-paru sa tiyan ko nang maramdaman ko ang labi niya sa noo ko.

Reincarnated As An Unknown CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon