"Gusto mo bang magpasyal sa ibang mundo ng mga nobela?" Nakangiting tanong ni Glee sa 'kin. "O baka gusto mong bumalik sa nobelang nalakbayan na natin?"
"Ang sabihin mo ay namiss mo ng sobra ang Probinsya ng Megar." Nakangisi kong sabi sakanya na siyang ikinatawa niya.
"Kilalang-kilala mo na talaga ako, Babe. Sige nga, gumawa nalang tayo ng baby at pangalanan natin siyang Liam Damien."
"Baliw ka ba?"
"Baliw na baliw sa'yo."
Napa-irap nalang ako napakagat sa aking ibabang labi para pigilan ang sarili kong ngumiti.
"I miss you, babe. Miss na miss na talaga kita." Agad napawi ang ngiti ko dahil sa binanggit niya.
Napabuntong hininga ako, "Asan ka na ba?"
"I don't kno-."
Bigla akong napadilat at napabangon. As usual, panaginip lang. Ipinatong ko ang ulo ko sa dalawang palad ko saka ako suminghap.
Isang taon na ang nakalipas nang makabalik ako sa totoong mundo ko. Nung una ay inaakala kong magiging masaya na'ko, na makakasama ko na ang lalaking hindi ko nagawang mahalin sa nobelang mundo.
Pero wala e. Hindi siya nagpakita sa 'kin. Sinubukan kong hanapin ang Prom King na siyang pinaghihinalaan kong si Glee pero hindi ko siya nakita. Ang sabi ng iba ay nagibang bansa raw ito.
Sinubukan ko rin siyang hanapin sa Social Media pero hindi ko siya nakita.
Minsan pa'y nag-iikot-ikot ako at umaalis mag-isa. Umaasa na baka makasalubong ko siya sa daan. Na baka makita ko siya. Pero wala.
Ano bang trip mo, Glee? Akala ko ba ay okay na tayo? Bat ka ba nagpapahanap sa 'kin?
Pwedeng bang ikaw naman ang magpakita sa 'kin ngayon?
Isinandal ko ang ulo ko sa headboard ng kama ko. Nangingilid ang luha ko. Ang daya mo naman, Glee.
Napasabunot ako sa aking buhok saka ko sinubsob ang mukha ko sa aking kama. Hahagulgol naman ako sa iyak? Ano ba, Celeste? Matapang ka naman, 'diba? Bakit parang ang hina-hina mo pagdating kay Glee?
Dammit! Of course, I'm inlove with him. I'm fcking inlove with him! Pero heto siya ngayon at nawawala. Bwisit ka, Glee! Napakabwisit mo!
"Mahiwagang Salamin
Nananana nnnn
Ayaw kong~ umasa-
Nnng nng hmm hmm~""Stacey, can you please keep humming to yourself? Maawa ka naman sa nag-aaral ng mabuti." Sinamaan ko ng tingin ang kaibigan ko pero sa halip na tumahimik ay mas lalo niyang pinalakas ang boses niya.
Padabog ko namang niligpit ang mga gamit ko saka ako nagmadaling umalis du'n. Narinig ko pa ang pagsigaw niya sa pangalan ko pero hindi ko na 'yun pinansin. Nakaka-inis.
My mind is in a mess. Gulong-gulo na ang isipan ko.
Kung alam ko lang na ito pala ang mangyayari sa 'min pagbalik ko rito ay pinili ko nalang sanang mamatay na. Nakakapagod rin kasi. Pinipilit kong kalimutan siya pero gabi-gabi naman niya akong dinadalaw sa aking panaginip.
Nakapikit kong nilanghap ang sariwang hangin na tumatama sa mukha ko. Sariwang-sariwa ang hangin sa nobelang mundo ngunit hindi ko akalain na mas sariwa pala rito, dito sa tapat ng oak tree.
After drowning myself in the thought of seeing Glee, I've finally decided to let go of him and move on with my life.
And going to the United States to stay under the oak tree here for an hour, will be my last step in forgetting him.
"Excuse me miss, do you want me to take a picture of you?"
Napalingon ako doon sa nagsalita sa likuran ko at tumapik sa braso ko. Nakita ko ang isang lalaking nakangiti sa 'kin habang may hawak-hawak na digital camera.
"I'm really sorry for interrupting you but I can't help myself but to approach you. Napakaganda niyo po. Kasi."
Matangkad siya, maputi, hugis almond ang kaniyang mga mata, ayos na ayos ang kaniyang buhok, at may matamis siyang ngiti na nakakatunaw na agad napawi nang lumingon ako sakanya.
Gaya ko ay napakurap-kurap din siya.
"M-miss, you look so familiar.."
Napalunok ako nang bigla kong naramdaman ang pagpuno ng luha sa mga mata ko.
"M-Miss?" Naguguluhan man ay nagawa niya parin mag-alala sa 'kin.
Pilit ko namang pinakalma ang sarili ko. Alam kong mukha na akong sira sa harapan niya pero bakit hindi niya ako matandaan?
"Celeste..." Pareho kaming napatakip sa aming bibig.
Siya ay dahil sa gulat. Ako naman ay dahil sa tuwa. Mas lalong bumuhos ang luha sa mata ko.
"Glee.."
Hinila niya ako palapit sakanya saka ako binigyan ng mahigpit na yakap. "Naaalala ko na. Naaalala ko na ang lahat, Celeste. Patawad at hindi agad ako nagpakita sa'yo."
Humiwalay ako sa yakap niya. "B-bakit? Anong nangyari?"
Pinunasan niya ang mga luha sa mata ko. "Hindi ko rin alam. Nagising na lang ako na nakahimlay sa John Hopkins Hospital. B-but you were always in my dream. Nakakapag-usap tayo du'n.."
Niyakap niya muli ako. "Hindi ka nawala sa 'kin, Celeste. I might've lost my memories when we came back but my heart always calls for your name. I love you, Celeste. I still do. Never 'yun magbabago!"
Tumango-tango naman ako saka ko sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. "I love you too, Glenoer."

YOU ARE READING
Reincarnated As An Unknown Character
FantasyReborn Doulogy #1 (First Generation) From being the popular student To being an unknown character I was one of those students whose name was always mentioned whenever we had an event at our university, the model of our school uniform, and the queen...