Chapter Thirty-Four: Farewells
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Napapikit ako sa liwanag na nagmumula sa isang magarbong chandelier na nakadikit sa ceiling. Napahawak ako sa aking ulo at bumangon. Hindi ko alam pero nananakit ang buong katawan ko na para bang ang tagal ko nang natutulog o nakahimlay sa higaan.
"Ohmy! Ohmy! Ohmy! Our Girl is Awake!!" Agad kong natakpan ang dalawang tenga ko dahil sa malakas na sigaw na 'yun.
Nilibot ko ang akong paningin sa paligid. Old medieval interiors are the design of the room I'm in. It's as if I'm inside a historical novel or I'm in a cosplay.
Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit ito. Naalala ko pa, after kong manalo ng prom queen ay dumiretso agad ako sa bahay, habang nakasakay sa sasakyan, I had a talk with Manong Albert and unfortunately for us, we weren't able to meet our destination as we had a car accident. A tragic end of a lady, seeking the love of her parents.
"Our little sister is really awake. I'm glad. Soo glad!" Napatingin ako sa nagsabi nu'n at nakitang luhaan ang mukha nito habang pinapalo ang kaniyang dibdib. Bumaba ang tingin ko sa sulat na nakasabit sa kanang dibdib niya.
"Kuya Cliff." Pagbasa ko rito. Mukhang narinig naman niya ako dahil napahagulgol ito sa iyak. So, that was a name tag? That's very handy for someone like me na hindi matandaan kung bakit nakahiga sa higaan nato.
"His Majesty, The Emperor, is announcing his presence!!"
Napunta ang tingin ko sa pintuan ng kinaruruonan kong silid nang malakas itong bumukas. Niluwa naman nun ang lalaking may magarbong kasuotan, may buhat-buhat itong batang babae habang may nakasunod sakaniya na mga katulong at eunuch.
Tumalon pababa ang batang babae na buhat-buhat nito at patakbong lumapit sa 'kin. Kulay abo ang mataas nitong buhok, ang kaniyang mga mata ay berdeng berde na para bang gawa ito sa diyamante na kung tawagin natin ay Emerald.
Mukhang anak siya ng Emperador, judging from the color of hair.
"Mommy.." Yumuko ito ng bahagya sa harapan ko, "Lialeste Cynthia Douglas Archibald is extremely happy to finally see Mommy woke up from her sleep."
If I am her Mommy then I'm the EMPRESS? Oh my ghad! Isang aksidente lang pala ang daan para maging emperatris tayo sakabilang buhay? Kung alam ko lang ay matagal na akong nagpakamatay.
"You're finally awake, my dear empress." Sa Emperador naman napunta ang atensyon ko. Hindi ko namalayan na nakaupo na pala ito sa tabi ko.
Hinawakan niya ang kamay ko saka ito hinalikan. "Our child have grown up to be so beautiful.. just like you. She's also smart that I'm starting to wonder if she's the same person as our first child, Liam Damien."
Hindi ko pinahalata na naguluhan ako sa sinabi niya bagkus ay binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti.
So, I had a first child with him? Namatay ba kaya niya nasabi na iisa lang ang babaeng anak namin at ng batang yu'n? I mean.. he's just wondering naman..
Napatitig ako sakanya. Ginto ang kulay ng kaniyang mga mata, napakatangos ng kaniyang ilong, maputi rin ang balat, ang labi rin nito ay pulang-pula, ang kaniyang kulay abong buhok ay dumadagdag sa kagwapuhan niya.
If he's my husband then I can call myself a lucky woman..
Sige lang.. let us be malandi for a minute.
Kinapit ko ang kamay ko sa braso niya saka ko sinandal ang baba ko sa braso niya at inangat ang tingin sakanya. "My Dear Emperor, how long have I been asleep?"
Tila nagulat naman ito sa ginawa ko at hindi agad nakagalaw at nakasagot. Kalauna'y namula ang pisnge nito at agad na napaiwas ng tingin na siyang ipinagtaka ko.

YOU ARE READING
Reincarnated As An Unknown Character
FantasyReborn Doulogy #1 (First Generation) From being the popular student To being an unknown character I was one of those students whose name was always mentioned whenever we had an event at our university, the model of our school uniform, and the queen...