Confessions

5.8K 198 4
                                    




Hindi pumayag ang mama ni Jade na umalis ako ng hindi kumakain.

Nagulat ang daddy niya ng makita akong bumaba from the fourth floor pero wala itong sinabi.

Nabasa ko lang sa expression nito na he didn't know I spent the night sa bahay nila.

Since hindi natuyo ang damit ko, pinahiram ako ni Jade ng sweatpants, t-shirt at flip-flops dahil pati boots ko, basa din.

Mukhang kilala ng tatay ni Jade ang articles of clothing ko dahil medyo tumaas ang kilay nito.

Nasa dining table na silang lahat ng bumaba kami ni Jade.

Kahit awkward ako, wala naman akong choice kundi magbreakfast kasama silang lahat.

Hindi nga lang ako masyadong makakain dahil bukod sa tingin ng tatay ni Jade, feeling ko pinaga-aralan din ako ni Paul.

Para akong specimen na nasa Petri dish and I felt so umcomfortable.

Obviously, hindi mawawala ang tanungan portion at si Mr. Tanchingco eh inalam mula sa pangalan ng parents ko, trabaho nila, trabaho ko etc....etc.

Feeling ko parang akong naga-apply for a job.

By the time natapos kong kainin ang hinandang fried rice, danggit, egg at bacon, parang gusto kong tumakbo sa labas at paharurutin ang kotse.

Pero iniwasan kong ipahalata ang nerbiyos ko and I tried my best to be congenial as possible.

Inisip ko na lang na para itong interview for an important magazine like Rolling Stone.

"Oscar, tama na nga yang kakatanong mo kay Althea," saway ng mama ni Jade sa asawa niya habang nagbubuhos ng mainit na tsaa sa tasa niya.

"Hayaan mo munang makakain dahil siguradong gutom ang dalawang iyan mula sa gimik nila,"

"Wala naman sigurong masama kung kilalanin ko ang mga nagiging kaibigan ni Jade di ba?" rason ni Mr. Tanchingco.

"Wala nga Dada," sang-ayon ni Jade.

"Kaso, parang hindi naman kayo nagtatanong dahil parang nasa courtroom ang manner ninyo of asking," ngumiti ito sa tatay niya.

"Bakit?"

"Meron bang dapag ika-guilty si Althea?" tumingin na naman sa akin si Mr. Tanchingco at muntik na akong mabulunan.

Kinuha ko ang tubig sa harapan ko sabay uminom.

"Dada, tingnan niyo at nabilaukan na si Althea." Pansin ni Paul.

"Hindi tuloy makaconcentrate sa pagkain dahil parang may arraignment dito sa dining table,"

Natawa sila sa sinabi ni Paul at kahit papano eh nabawasan ang tensiyon.

Kahit sanay akong maging center of attention, this is one time I wish na wala sa akin ang pansin.

Pakiramdam ko eh para akong bibitayin sa mga sinasabi ng tatay ni Jade.

Paano na kapag nalaman niya na may gusto ako sa anak niya at gusto kong manligaw dito?

For sure, hindi ito papayag.

Ngayon pa nga lang eh grabe na kung kilatisin ako.

Sigurado akong ilalayo nito si Jade sa akin kapag nalaman niya na hindi lang pakikipagkaibigan ang gusto ko sa anak niya.

Sa awa naman ng Diyos eh tumahimik din si Mr. Tanchingco at tinapos na ang almusal niya.

Nauna na din itong magpaalam dahil may kakausaping business partner.

Till There Was YouWhere stories live. Discover now