Light 'Em Up (Part II)

4.9K 217 78
                                    

                 

A/N: "Darkness cannot drive out darkness: only light can do that. Hate cannot drive out hate: only love can do that."-Martin Luther King Jr.

***

"This won't be the end. That I can promise."-Althea Guevarra ;)

***

Dahil hindi lang naman mga kabataan ang nanood ng concert ko, I asked Papa at Mr. Jimenez kung ano ang gusto nilang kantahin ko para sa kanila.

Heto ang napagkasunduan nilang dalawa......

Here Comes The Sun-The Beatles

Little darling, I feel that ice is slowly melting

Little darling, it seems like years since it's been clear

Here comes the sun, here comes the sun

And I say it's all right

Here comes the sun, here comes the sun

It's all right, it's all right

Kuwento ni Mr. Jimenez, he saw the concert when the band came to Manila.

Doon niya daw nakilala ang nanay ni Karen.

"My reputation precedes me kaya nahirapan ako sa kanya," sabi nito habang sinasariwa ang nakaraan nila.

"Back then, I had an ego dahil na rin siguro sa edad at sa success na tinatamasa ko at my age."

"Katwiran ko, bakit ko siya hahabulin when ang dami namang iba na madali kong makukuha?"

"Pero Althea, iba talaga ang pag-ibig." Napangiti si Mr. Jimenez sa akin.

"Kahit anong pagpapakipot ang gawin niya, para akong baliw na lalong nagpupumilit na mapansin niya."

Dahil alam ko na  kung ano ang kinahantungan ng relasyon nila at ni Karen, inamin ni Mr. Jimenez na naalala niya lang ang kantang ito ng dalawin siya ng kanyang anak sa ospital.

"Nang araw na yun, nagliwanag ulit ang buhay ko."

"Akala ko kasi, titikisin niya ako dahil sa mga taon na wala ako sa buhay niya."

"But her mother raised her well."

"I am so proud of how she turned out to be this independent and intelligent woman,"

Tiningnan ko si Mr. Jimenez.

Hawak nito ang kamay ng kanyang anak.

Si Karen naman, nakatingin sa kanyang ama.

The power of forgiveness.

Hindi ko maiwasang tumingin kay Mr. Tanchingco.

Nagtama ang paningin namin at napangiti ito.

Dumating na din siguro ang liwanag sa buhay niya ng tanggapin niya kami ni Jade.

Si Papa naman, he looked so proud.

After naming mamanhikan, inamin niya na hindi niya akalaing darating ang araw na hihingi ng tawad si Mr. Tanchingco.

"Meron talagang milagro," natatawang sabi nito.

Totoo nga siguro.

***

Dahil nasa subject tayo ng milagro, hindi pwedeng hindi ko kantahin ang isang awitin na I stumbled upon during the lowest point in my life.

Till There Was YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon