The Devil's Playground

4K 139 38
                                    

                 

A/N: "If any person wish to be idle, let them fall in love"-Ovid

This chapter is for rastrodubsmash. Thanks for patiently waiting. Enjoy! :)


***

I wasn't wrong when I told Althea na once nagsimula na siyang magready for her concert,

mababawasan na ang oras namin sa isa't-isa.

Sa umaga, we try to get up early para may time pa na magbreakfast.

We usually have to be at work by nine.

Since kailangang makipagsabayan sa ibang commuters, given na kapag hindi kami maagang umalis, siguradong makikipaglaban kami sa traffic.

Minsan, hindi na niya magawang i-off ang alarm dahil sa sobrang pagod.

Kapag nangyayari yun, pinipilit kong bumangon para ako na ang maghahanda ng agahan naming dalawa.

One time, naunahan ko ang alarm clock na nakaset for five in the morning.

Naghihilik si Althea habang nakadapang nakahiga sa kama.

Tinawag ko siya at hinalikan sa noo pero hindi ito natinag.

Tuloy-tuloy pa din ang tulog niya.

Hindi ko na siya kinulit.

Bumaba na lang ako sa kusina tutal hindi na ako makakatulog panigurado.

Habang kinukuha ko ang egg tray sa ref, ewan ko ba kung bakit bigla kung naisip na para na talaga kaming married couple.

Dalawa kaming gumagawa ng desisyon sa mga malalaki at maliliit na bagay.

Lagi naming kinoconsider ang isa't-isa at wala naman kaming kasunduan na ganun ang gagawin namin.

Basta nangyari na lang.

Everything seemed natural between us.

Kaya naman wala akong duda sa sarili ko na we were meant to be.

***

Kapag nasa trabaho kami pareho, telepono ang kakampi namin.

Kung hindi kami nagtatawagan, sa text kami naguusap.

Siyempre pa, ubod ng kasweetan ito si Althea.

Minsan nga ay nahuhuli ako ng mga kasama ko na ngumingiti mag-isa.

Dahil hindi naman lingid sa kanila kung sino ang dahilan ng matamis kong ngiti, sinasakyan na lang nila ang trip ko.

Maliban kay David na hanggang ngayon ay hindi makapagmove on sa reality.

One time, nabadtrip ako sa kanya.

I said I love you to Althea before I ended the call.

Sakto namang dumaan siya at narinig ang sinabi ko.

Tumaas ang kilay nito at siyempre pa, hindi ko iyon pinalampas.

"Anong problema mo?" tanong ko dito.

Akala ko eh didedmahin ako pero tumigil ito sa paglakad at humarap sa akin.

"Pwede bang maging discreet ka naman kahit konti?" mataray na sagot nito sa akin.

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung bakit napakaantagonistic niya sa akin ng time na yun.

Ang saya-saya ko pa naman, binasag niya.

Till There Was YouWhere stories live. Discover now