Reality Bites

5.7K 152 5
                                    

A/N: "It is sometimes an appropriate response to reality to go insane."

― Philip K. Dick, VALIS

***

Truth is stranger than fiction.

After dropping off Jade at the Bench office, naisipan kong puntahan si Roxy to personally talk to her about what happened with the reporter.

Sakto naman na nasa office siya at walang appointment kaya diretso akong pinapasok  ng secretary niya.

I found her reading the Philippine Daily Inquirer and mukhang seryoso sa binabasa nito.

When she saw me enter the room, binaba nito ang diyaryo and with an unsmiling expression, asked me to sit down.

I glanced at the article and it had Roxy's picture in it with the reporter she hit with the microphone.

"Tatawagan sana kita pero since nandito ka na, mabuti pa na pag-usapan natin ang concert mo," direktang sabi nito sa akin.

Nakakunot ang noo niya at mukhang bad mood.

Tumayo ito from her chair at bago nagsalita eh parang iniisip kong papaano magsisimula.

"Roxy, kung anuman ang news mo, sabihin mo na lang." pinangunahan ko na siya.

Bumuntong hininga ito at sinabi na dahil sa lumabas na article, tumawag ang main producer ng concert ang nagsabi na kung hindi masosolusyunan ang problema, may possibility na macancel ang project namin.

"Pati yung mga minor sponsors eh nagthreaten na rin na magback out and kung hindi ito mapipigilan, there is no way para i-pursue ang concert na ito."

As I sat listening to Roxy, kahit expected ko na ganito ang mangyayari, meron pa din akong naramdaman na disbelief.

Hindi ko naisip ang sarili ko kundi ang mga band members at ang crew na a few months ago are excited to be on the road again.

They were looking forward to the tour kasi bukod sa matagal na din kaming nagkaroon ng major concert, marereunite din kami sa mga dati naming kasama who agreed to perform with us.

So parang reunion na din sana ang concert.

"Althea, alam kong sinabi ko na sa'yo na meron namang paraan para maiwasan ito at matuloy ang concert." Seryosong nakatingin sa akin si Roxy.

Hawak nito ang isang stick ng sigarilyo na anytime eh ready niyang sindihan.

Nakaupo ako habang palakad-lakad naman ang manager ko at hindi mapakali.

"Hindi ko gagawin ang gusto mo," matigas na sabi ko sa kanya.

Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin.

Galit ang itsura nito at namumula ang mukha.

"Talaga bang kaya mong ipagpalit ang lahat ng pinaghirapan mo para lang kay Jade?" pasigaw na sabi nito.

Alam kong legendary ang temper nito pero in all the years we've worked together, hindi pa ako napagalitan........ until now.

I'm trying to understand where she's coming from pero kilala ako ni Roxy.

Hindi ako gagawa ng isang bagay na labag sa kalooban ko.

"This is not just about Jade and you know that!" sagot ko sa kanya.

Tumayo ako and since mas matangkad ako sa kanya, I was looking down on her.

Hindi ito naintimidate sa height difference namin dahil palaban din naman ito.

Till There Was YouWhere stories live. Discover now