The Calm Before..........

4K 144 9
                                    

                 

A/N: "Human misery must always have a stop; there is no wind that always blows a storm."

Euripides

***

Pagkatapos ng short trip namin, back to reality agad ang peg.

I received a voice mail from the assistant of Mr. Jimenez informing me of the itinerary beginning

Monday.

Si Jade naman, may e-mail from Karen.

Alam kasi niya na we went to Boracay.

Sinabi nito na aside from the final dress rehearsal, may din appearance si Jade with the rest of the models sa isang Sunday noontime show to promote the event.

"It's going to be hectic, love." Sabi nito once we were at the condo, getting ready to go to bed.

Gabi na kami nakauwi since sinulit namin ang bakasyon by booking a later flight back to

Manila.

Pinagpag ko ang unan naming dalawa bago umupo sa right side ng kama.

Bago tumabi sa akin, kinuha ni Jade ang hairbrush niya from the dresser at nagsuklay.

"Well, when you think about it, nadagdagan lang naman ang activities natin." Tugon ko sa kanya.

"Lagi din naman kasi tayong busy bago pa man mangyari itong concert,"

Binalik ni Jade ang hairbrush sa lalagyan nito at sumiksik sa kinauupuan ko.

Humilig siya sa balikat ko at yumakap sa akin.

"Pero I'm sure love na mababawasan ang oras mo sa akin," may paglalambing na sabi niya.

Natawa ako kasi ngayon pa lang, nagdedemand na agad ito ng atensiyon.

Hinalikan ko siya sa noo.

"Love, kelan ba naman ako nawalan ng oras sa'yo?" tanong ko sa kanya.

"Don't I always make time para magkasama tayong dalawa?" paalala ko sa kanya.

Umupo ito ng diretso at nakangiting tumingin sa akin.

May pagkapilya ang expression sa mukha niya.

"Nagpapaalala lang ako,Althea." Sumeryoso bigla ito.

"Alam ko naman na once you're back in the limelight eh marami ding magsusulputang mga chicks at fans na magpapapansin sa'yo."

"Lalo na at out na out ka na talaga sa publiko."

Umiling ako at napangiti sa sinabi niya.

Hindi selosa si Jade so hindi ko alam kung may pinaghuhugutan ba siya or what?

I reassured her by saying na kahit sino pa ang magpapansin sa akin, sorry na lang sila dahil I am very

much taken.

Satisfied naman si Jade dahil yumakap ito ulit.

***

The next day, pagkatapos ng contract signing at mini reunion with the band during a luncheon meeting, fully booked ang schedule ko dahil meron ding pictorial for the banner na gagamitin sa promotion ng concert.

Hindi nakalusot sa fans ang mga activities ko.

May mga naghihintay sa labas ng restaurant kung saan gaganapin ang meeting.

Nang makita ko sila, lumukso ang puso ko sa tuwa kasi namiss ko ang kanilang energy at camaraderie.

"Akala namin iniwan mo na kami idol," sabi sa akin ng isang dalagita na hindi familiar sa akin ang hitsura.

Till There Was YouWhere stories live. Discover now