Green Eyes

3.9K 178 17
                                    

                 

A/N: "You can be the moon and still be jealous of the stars."-Gary Allan

***

Jade!

Agad-agad akong tumayo from the isolation room nang makita ko siya.

Sa expression ng mukha niya, alam ko na there's trouble brewing.

Para kasi itong nakakita ng multo.

Then pagkatapos magulat, napalitan ang itsura nito ng galit......or is it selos?

Imbes na pumasok ito kung saan ako nakaupo, bigla itong lumabas.

Alam kung padabog niyang sinara ang pinto kahit pa hindi ko nadinig ang lakas ng tunog nito.

"Kathleen, teka lang ha?" yun na lang ang nasabi ko sa kanya na mukhang nagulat din sa nangyari.

"Sino yun?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Girlfriend ko," sagot ko sa kanya at halos madapa ako sa paghabol dito.

Ewan ko ba pero something is telling me that things are not right.

I wonder if may kinalaman dito ang bihira naming pagkikita at pag-uusap since naging abala na ako ulit for the concert.

There was one time na napansin ko na parang iba ang tingin niya sa akin.

As if she was looking at me for the first time.

It was weird pero hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin.

Inisip ko, dala lang siguro ng pagod.

Nang makalabas ako ng sound room, hindi ko siya nakita .

Naisip kong sundan na lang siya sa parking lot dahil sigurado ako na doon ito tutuloy.

Hindi naman ako nagkamali sa naisip ko dahil nakita kong nakasakay na siya sa kotse at mukhang ready ng umarangkada papaalis.

Tumakbo ako sa direksiyon niya at ginawa ko ang alam kung hindi makapagpapaalis kay Jade--humarang ako sa dadaaanan niya.

***

Kinatok ko ang salamin ng driver's side pero hindi niya ako pinagbuksan.

"Please naman, Jade." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Mag-usap tayong dalawa."

Hindi ako nito pinapansin.

Ayaw din niya akong tingnan.

Nakita ko na tumutulo ang luha nito at kahit hindi ko alam kung ano ang nangyari, nakadama ako ng guilt.

Guilt dahil sa ako yata ang dahilan kung bakit siya umiiyak.

Pero wala naman akong ginagawang kasalanan sa kanya.

O baka meron pero hindi ko alam kung ano.

Kahit naguguluhan kung bakit ganito na lang ang reaksiyon niya, hindi pa din ako tumigil sa pagkatok at pagmamakaawa.

Medyo namumula na ang kamao ko pero nagmamatigas si Jade.

Napilitan lang itong ibaba ang salamin ng nakitang papalapit ang guwardiya.

Buti na lang at alerto si Manong kahit pa wala naman talagang dahilan para puntahan niya kami.

"Mam, may problema po ba?" tanong ng guwardiya ng makalapit na siya sa sasakyan.

Nahihiya akong ngumiti.

"Wala naman po," sagot ko sa kanya.

Gusto ko sanang sabihin na lover's quarrel pero pinigil ko ang bibig ko.

Till There Was YouWhere stories live. Discover now