Ambushed

4.3K 151 5
                                    




Isa lang ang naisip kong puntahan after ko umalis sa bahay namin--si Althea.

Alam kong pasusundan ako ni Papa kaya pumunta ako sa SM Makati at iniwan ko muna sa carpark ang sasakyan ni Gab.

Pumasok ako sa restroom at doon ko siya tinawagan.

Hindi ito agad sumagot at habang pinakikinggan ko ang ring ng telepono, lalong tumitindi ang kaba ko.

Nang sumagot na siya, sinabi ko agad ang nangyari.

"I'll pick you up," naga-alalang sinabi nito.

We agreed na sa Starbucks niya ako susunduin.

Pagpasok ko sa coffee shop, umupo ako sa isang sulok at doon naghintay.

I couldn't even order dahil wala akong dalang pera.

I felt so helpless.

I bit my nails habang iniisip ang mga nangyari sa akin.

Wala sa plano ko ang ganitong eksena--penniless and a runaway.

Napailing na lang ako.

Parang isang masamang panaginip ang nangyari.

One moment, tahimik ang buhay ko with my family.

The next thing I knew, heto ako at alipin ng takot at kaba dahil sa misunderstanding with my family about the woman I'm dating.

Napakasurreal ng situation.

I pinched myself para makasiguro na gising ako at hindi mahimbing na natutulog.

While waiting for Althea , inisip ko kung this was the best thing to do dahil hindi ko akalain na I will leave my family all of a sudden.

Pero if I stayed, malamang nasaktan ako ni Dada at ikukulong ako nito sa bahay.

He never jokes about these things.

Alam na kaya nina Paul at Gab na this was going to happen kaya they told me to go?

Nagvibrate ang phone ko and it was Althea calling.

Sinabi niya na nasa parking lot na siya.

I rushed to get out of the coffee shop at paglabas ko, I saw Althea and Batchi walking towards my direction.

Halata sa mukha ni Althea ang pag-aalala ganun din si Batchi.

Sinalubong ko silang dalawa.

"Sa kotse ko na ipapaliwanag ang nangyari," sabi ko kay Althea.

Kinuha ko ang susi ng kotse ni Gab sa bulsa ng pantalon ko at binigay ito kay Batchi.

"Ano yan?" tanong nito.

"Ikaw na ang magmaneho sa sasakyan," sagot ko and then sinabi sa kanya ang plate number at location ng kotse.

"I hope it's okay with you pero kay Althea na ako sasabay," paliwanag ko.

Sumangayon naman ito and then naghiwalay na kami.

Hinintay ko munang makalabas si Althea sa parking lot bago ko sinabi ang nangyari.

Hindi ito kumikibo at seryosong nakinig sa kwento ko.

Nang matapos akong magsalita, isa lang ang tinanong nito sa akin.

"Kaya mo bang harapin ang lahat ng ito Jade?" nilayo nito ang tingin mula sa kalsada para tingnan ako.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Nandito ako Jade," paalala nito.

"Remember? Walang iwanan," ngumiti ito at bigla kong naramdaman na parang nawala ang lakas na kanina lang eh nagtulak sa akin na tumakbo papalayo sa bahay namin.

Till There Was YouWhere stories live. Discover now