Mixed Blessings

4.3K 170 29
                                    

A/N: "When we lose one blessing, another is often most unexpectedly given in its place."

― C.S. Lewis

***

Habits.

Nasanay na akong gumising sa umaga na mukha ni Jade ang nakikita.

Kaya naman ng magising ako at wala siya sa tabi ko, bigla akong bumalikwas sa higaan.

Hindi ko naisip na i-check muna ang phone ko.

Sa halip ay dali-dali kong tinungo ang banyo para tingnan kong nandoon siya.

Nang hindi ko siya nakita, bumaba ako sa living room pagkatapos ay tinungo ang kusina.

Sa bawat hakbang ay bumibilis ang tibok ng puso ko dahil nababalot ito ng takot.

Lumabas ako sa hallway ng condo at nang hindi ko siya nahanap, lalong lumakas ang kaba ko.

Dala na din siguro ng gulat kaya lalo akong natuliro.

Bumalik ako sa loob ng condo at umakyat sa kuwarto.

Napaupo ako sa kama at ang una kong naisip ay tawagan si Karen para itanong kung may pictorial na nakaschedule si Jade.

Nabanggit nito na dayoff niya pero gusto kong makasigurado.

Kinuha ko ang phone sa nightstand at doon ko nakita na meron akong voicemail.

Naisip ko na baka galing ito kay Jade.

Hindi ako nagkamali.

Nang marinig ko ang boses niyo, hindi maikakaila ang kaba sa tono ng boses nito.

"Love, sorry I didn't wait for you to wake up.

I'm on my way to the mansion to talk to Dada.

Tama ka, Althea.

Hindi mareresolve ang conflict namin kung walang magi-initiate na magtanong.

I'm doing this not because you suggested it.

I'm doing this because this is the right thing to do.

Masaya ako sa piling mo, Althea.

Pero hindi ko maidedeny na there's an empty space in my heart dahil sa hindi namin pagkakasundo ni Dada.

I'm hoping for the best, lablab.

Pero kung hindi pa panahon para tanggapin niya ako, then I guess I have to surrender and accept the fact na, I have to earn his trust again.

I love you."

Pagkatapos ko pakinggan ang voicemail, napatulala ako.

Oo nga at I advised her na kausapin ang Dada niya pero I never expected na she would go there on an impulse.

Pero this is Jade.

She does things on a whim sometimes.

Minsan naloloka ako sa mga decisions niya pero I have to accept it as part of her personality.

Perhaps, sa ganitong paraan, sa pagiging impulsive niya nakukuha ang courage na harapin ang mga challenges.

Yung tipong, she doesn't have to think twice kung ano ang magiging consequence ng actions niya.

Go lang ng go at bahala na si Batman kung anong mangyari.

***

8:17 am

Till There Was YouWhere stories live. Discover now