Problems

4.5K 172 8
                                    




A/N: "Problems are not stop signs, they are guidelines."-Robert Schuller

***

Kinakabahan akong bumalik sa condo kung saan kami magkikita ni Jade.

Tinanong ko siya if gusto niya sa isang restaurant na lang kami magmeet pero hindi ito pumayag.

Ramdam ko ang pag-aalala sa boses nito pero ayaw namang sabihin kung ano ba ang nangyari.

Nagmamadali akong pumasok sa entrance ng condo at halos hindi makapaghintay sa pagbukas ng elevator.

Kanina pa nagtext si Jade at sinabing nakarating na siya at naghihintay sa labas ng unit ko.

Nakasandal ito sa pinto ng dumating ako.

Halata sa mukha na nababagabag ito.

"Jade anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

Pagbukas ng pinto, pumasok ito agad at tumuloy sa sala.

Nilapag ang black MK purse niya sa centre table at umupo sa sofa.

"Si Papa Althea."

Tumabi ako sa kanya.

Sinabi nito ang tungkol sa newspaper article at ang picture na ikinagalit ng ama niya.

"Hindi ko alam ang gagawin ko," hinawakan nito ang kanyang noo.

"Jade," ginagap ko ang kanyang kamay.

"Pag-isipan nating mabuti kung ano ang pwedeng gawin kapag tinanong ka nila tungkol sa article na yun," mahinahong sabi ko sa kanya.

"Althea, isa lang naman ang sigurado kong tatanungin sa akin ni Dada."

"At yun eh kung may relasyon tayo o wala?" huminga ito ng malalim.

Binitawan ni Jade ang kamay ko at parang ang lalim ng iniisip.

"Eh di i-deny mo?" diretsahang sinabi ko sa kanya.

Nagulat si Jade sa sinabi ko at tiningnan ako na hindi makapaniwala sa narinig niya.

"What?!"

"Ano bang sinasabi mo Althea?" nakakunot nag noo nito at takang-taka.

Ako naman ang bumuntong hininga.

"Look Jade, I am just trying to tell you na kung ayaw mong mapagalitan ka ng tatay mo, you have the option to tell him na wala tayong relasyon." Sagot ko sa kanya.

"Okay ka lang Althea?" mataas na ang tono ni Jade.

Namumula ang pisngi nito at alam kung nahahighblood na.

"Alam ko na magagalit sila sa akin pero hindi kakayanin ng konsensiya ko ang magsinungaling or i-deny ka just because I want to stay on the good side with my family," paliwanag ni Jade.

Aaminin ko na lalo akong humanga sa pagkatao niya dahil kahit bago pa lang ang relasyon naming dalawa, gusto na ako nitong ipaglaban.

Pero alam ko kung ano ang mangyayari.

Sigurado akong hindi papayag ang pamilya nito sa relasyon namin.

Masasaktan lalo si Jade kung ako ang pipiliin nito at ayokong mangyari ito sa kanya.

Napagdaanan ko  na ang kutyain at iparamdam na insignificant ako just because I'm a lesbian at walang idea si Jade kung ano ang gagawin niya.

Nabasa yata nito ang iniisip ko.

"Althea, if you are doing this just because you don't want me to get hurt, you clearly don't know me."

Determinado ito at nakita ko sa mata niya na hindi ito aatras.

Ako tuloy ang nakaramdam ng takot.

"Pakinggan mo muna ako Jade," hinawakan ko siya sa balikat.

"Maging realistic tayong dalawa okay?" tinitigan ko siya.

"Sigurado ako na ang article na yun ay nabasa na ng maraming tao and if I'm not mistaken, malamang pati management sa Bench eh alam na ito."

Nanlaki ang mata nito ng banggitin ko ang pangalan ng kumpanyang nag-offer sa kanya ng trabaho.

"May posibilidad na bawiin nila sa'yo ang offer na yun,Jade."
"Gusto mo bang pati ito eh mawala sa'yo just because gusto mo akong panindigan sa mga tao?"

Seryoso itong nakikinig sa mga sinasabi ko.

Pinatong ni Jade ang kamay niya sa kamay ko.

"Trabaho lang yan, Althea." Sagot nito.

"Marami pang darating na offer," walang bahid ng panghihinayang sa boses nito.

Pinisil nito ang kamay ko.

"Pero ikaw, isa ka lang sa puso ko." Nangilid ang kanyang luha.

"Masakit sa akin na marinig na kaya mong tanggapin na i-deny kita huwag lang akong mapagalitan or mawalan ng trabaho."

"Jade....." ako naman ang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Pakiramdam ko, mahal na mahal niya ako dahil nararamdaman ko na ako ang pinapriority niya.

Parang sasabog ang puso ko sa tuwa at sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.

"Althea, mahal kita." Tiningnan ako ng diretso ni Jade.

"Handa akong ipaglaban ka dahil alam ko naman kung ano ang pinapasok ko ng maging tayo."

"Hindi ako nakikipaglaro or naghahanap ng thrill sa buhay ko."

"Handa akong sumugal para sa'yo basta ipangako mo sa akin na magkasama nating haharapin kung anuman ang mga pagsubok na darating,"

Tumulo na ang luha sa mata ko at pinunasan ito ni Jade.

Niyakap niya ako at walang nagsalita sa aming dalawa.

Ang naririnig ko lang ay ang malakas na tibok ng puso ko na parang umaalagwa sa labis na kaligayahan.

Habang yakap niya ako, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung anong kabutihan ang ginawa ko sa buhay ko para biyayaan ng pagmamahal galing kay Jade?

Nahihiya din ako sa sarili ko at sa kanya dahil I was thinking of the easy way out of the situation kahit alam ko na in the long run, mas lalong magiging kumplikado ang mga bagay-bagay.

Ang isang kasinungalingan ay madagdagan ng mas marami hanggang sa ito na ang paniniwalaan.

Pero buo na ang loob ni Jade na ipagtapat ang totoo sa pamilya niya.

Handa niyang harapin ang pagsubok.

Alam ko na hindi ito magiging madali at gagawa ng paraan ang tatay niya para makumbinsi siya na iwanan ako.

Ito ang kinakatakot ko at sinabi ko ito sa kanya.

"Alam kong mangyayari yan Althea."

"Sa totoo lang , hangga't hindi ko nakakausap sina Dada, ayoko munang mag-isip ng mga scenario dahil lalo lang akong mai-stress."

Tumahimik ako saglit.

Nagmuni-muni.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" tanong ko kay Jade ng magsalita ako ulit.

Tumango ito.

"Sa lahat ng desisyon na ginawa ko sa buhay ko, ito ang pinakasigurado Althea."

"Kung anuman ang mangyari, kakayanin ko."

"Ipangako mo lang na hindi ka bibitaw."

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at nangako na kahit anong mangyari, magkasama naming

haharapin ang mga pagsubok.

Till There Was YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon