Prologue

240K 1K 105
                                    

(Finished. Story title inspired by: Shut Up! My Flower Boy Band. Panoorin niyo yan, ang gwapo gwapo nila lalo na ni myungsoo huhuhu)

Ang storya pong ito published na under Life is Beautiful (LIB) (Pastrybug) Grab your copy now for only 119.75php. Available na siya nationwide.  May second book na rin po ito (No Longer My Flower Boy Brother) 

You can also like MFBB's FANPAGE: http://facebook.com/myflowerboybrother

Join my facebook group: http://facebook.com/groups/AkoyIsangPagong

CHECK THE TRAILER SA MM -> by: hellweeks

PROLOGUE

Minsan ba naisip niyo na mainlove sa taong walang ginawa kundi ang bwisitin ka? Yun bang araw-araw nalang hindi siya nauubusan ng trip?

 

Eh yung maramdamang bigla na lang tumibok ang puso mo? Iyon bang kakikilala mo nga lang sa kanya pero parang may SOMETHING na. Something familiar. Parang alam mo nang mahuhulog ka rin pero all you do is DENY it.

 

Nainlove ka na ba sa taong parang nung isang linggo mo lang nakilala.. pero nasaktan din makalipas ang ilang araw? Yun bang ang nasabi mo nalang, “Bakit ang bilis?”

 

Ito ang storya ni Suzy Madrigal at Kyle Navarro.

 

Nagkakilala.

Nainlove.

Nasaktan.

Nainlove.

Nasaktan.

Ma-inlove  at magkaayos pa kaya sila kung dumating na ang pinaka malaking problemang kailangan nilang harapin sa buhay?  O forever na lang silang masaktan dahil kailangan nilang tanggapin ang katotohanan?

SUZY’S POV

Naglilibot-libot ako sa mall kasama ang bestfriend kong si Jess. Sa di inaasahang panahon, may nadaanan kaming isang store na may palaro. Nag ningning at nag-hugis puso ang mga mata ko nung nakita ko yung prize ng game nilang matagal ko nang minamatahan at yun ang dream shoes ko. Kaya hindi na ako nagpa-tumpik tumpik pa at hinila ko agad si Jess papasok sa loob nung store pero marahas kaming pinigilan nung saleslady.

 "Ay Maam, sorry po mga may kapatid na lalake lang po kasi ang pwedeng sumali dito." Bungad ng saleslady sa amin. Napabugtong hininga ako at nakita kong pangiti ngiti lang si Jess sa tabi ko. Yan ang bestfriend ko, eh. Imbis na damayan ako, nangaasar pa siya at Imbis na tulungan akong humanap ng paraan, nakatunganga lang siya at tumatawa-tawa

"Kung gusto mo yan edi bilhin mo. Ang dami-dami mo kayang pera jan! Kunin mo na kasi pinadala sayo ng Mama mo!" Napatingin ako sakanya at biglang nabawi ang mga paratang ko sakanya. Minsan naman pala, eh, maaasahan ko rin tong bestfriend ko. At minsan lang talaga, hindi ako nagiisip. Naturingan pa naman akong scholar tapos ganito? Natawa nalang ako sa sarili ko sarcastically. Hah! Dream shoes, you’ll be mine.

Nilapitan ko yung saleslady, "Ah, miss. Bibilhin ko nalang siya." Proud na proud na sabi ko pa pero nang makita ko na parang hindi maganda ang isasagot niya ay inihanda ko na ang sarili ko.

"Sorry po Ma’am, palaro po kasi talaga ito. Iisa nalang po kasi ang ganyang sapatos ngayon at iyan na po ang pinaka last na stock na mismong ang desginer ang gumawa. Kaya kung ako po sainyo tawagan niyo na po ang kapatid niyong lalaki." Pagpapaliwanag niya sakin. Napabugtong hininga nanaman ulit ako kasi wala naman akong kuya o kapatid na lalaki. Ibig sabihin ba nito end of my dream shoes na?

Hindi na siya mapapasakin?

 "Wait lang bes, itatapon ko lang tong ininuman ko." Pinigilan ko si Jess at kinuha yung itatapon niya.

"Ako na magtatapon." Malungkot kong sabi sakanya. Kibit balikat akong lumabas ng store sa sobrang lungkot at nung itatapon ko na sana sa trashcan...

"ARAY HA!" Napasigaw ako at napahawak sa likod ng ulo ko. Paano ba naman kasi may lalaking imbis na tumayo at itapon yung coke in can, ginawang basketball dito! Ibinato nalang basta basta yung can. Eh hello? Hindi yun plastic! Nakakasira ng ulo yun, nakakasira ng beauty yun! At masakit yun ah?

 Nilapitan ko siya, sa sobrang badtrip ko, mukhang siya pa ang mapagbubuntungan ko. Pag badtrip ang isang Suzy Madrigal, huwag nilang ginaganito.

 "Patay tayo jan..." Bulong nung kasama niyang isa pang lalaki.

"Oh miss, chill ka lang jan!" Sabi nung nambato na may pa-shield-shield pang nalalaman. Yung parang batang naglalaro na may shield siyang protector. Nakakabadtrip lang lalo.

"Aray! aw! miss! aray!" Napasigaw siya nung piningot ko ang tenga niya nang naaaaapakatagal. Pero natanggal naman niya din kaagad yung kamay ko sa pagkakapingot sakanya at tumayo siya na parang nag aakmang makikipag suntukan sakin. How childish!

Gusto niya suntukan? Aba talaga siya! Wag niya akong sinusubukan! Makikipagsuntu--- "Oy bes! Anong ginagawa mo jan? Halika panuorin natin yung mga magkakapatid!" Hindi ko na naituloy pa ang hinahamon sa akin nung lalaki dahil muntik ko naman na ding makalimutan yung dapat na pinoproblema ko. Kasalanan nung nambato yun, kasalanan nung pagkakatama nung coke sa ulo ko. Patalikod na sana ako at iiwan na yung childish na asungot dito pero parang may biglang humila nalang sa akin pabalik at kasabay nito ay ang pag ilaw ng isang light bulb sa tuktok ng ulo ko.

*TING!*

I suddenly had a brilliant idea. Nilingon kong muli yung lalaking nambato at hinila siya papasok ng store. Siya naman tong shunga, sumunod naman sa akin.

"ETO NA YUNG KAPATID KO!" sigaw ko dun sa saleslady

And our pagpapanggap starts here.

My Flower Boy Brother (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon