Chapter 35 - Last words

19.8K 258 20
                                    

 

Kyle's POV

Nagawa ko na ang gusto kong gawin. Ngayon na ang araw na aalis si Suzy.. at ngayon na din ang araw na kailangan ko nang ayusin ang lahat at magsimula nang maghanda para sa mga susunod na mangyayari.

Pagpasok na pagpasok ko ng eskwelahan, sinalubong kaagad ako ng mga babaeng pamilyar na ang mukha dahil sila palagi ang sumasalubong sa akin at binibigyan ako ng mga regalo. Sanay naman na ako. Wala na akong magagawa sakanila.

"Kyle Oppa, Nasaan si Suzy?" (Oppa means older brother, Kuya in Tagalog) Pagtatanong ng isang babae na sa pagkakaalam ko ay si Michelle.. paano ko nalaman? Siya lang naman ang palaging dumadalaw sa tambayan at kinukulit si Seph.

"Babalik na siya sakanila. Bakit?" Sagot ko nalang sakanya.

"Siya kasi ang Ball Queen kagabi at si Jay ang King! Sayang nga eh" Parang nanghihinayang sabi niya. Nginitian ko lang naman siya at lumakad na papalayo.

"KYLE! KYLE!" Sigaw ng isang lalaki sa akin. Wala ako sa mood kaya naman hindi ko na siya pinansin pa at tinignan kung sino.

"Hoy Oppa!" Bigla akong nangilabot. Kalalaking tao ino-oppa ako? OPPA-kan ko kaya 'to?!

"MANIGAS KA NGA-" hindi ko na naituloy pa dahil bumungad sa akin ang kaibigan ni Suzy na si Nicki na lalaking lalaki na ang damit. Ano ang nangyari sakanya?

"Ano? Tingin tingin mo? Inggit ka sa beauty ko?!" Pagtataray niya. Kasabay ng pagtataray niya ay ang pagdating ng isang pamilyar na babae at parang lintang yumakap sakanya.

"Nicki naman eh! Kung san san ka pumupunta! Oh hi Kyle!" Pagkabati niya sa akin ay tsaka ko siya naalala. Siya yung babaeng obessed sa akin at siya ang dahilan kung papaano ko nakilala ang kapatid ni April nung panahong naglasing ako at inuwi ako ng kapatid niya sa bahay na tinutuluyan niya -- na bahay din ni Suzy..noon.

"Tss Nica nakuha mo na gusto mo ah?" Sabi ko at ngumiti.

"Ew no! Pinilit niya lang akong makipag pretendlalu na Bf nya! YAKKIE!" Nandidiring sabat ni Nicki.

"Ay anyway, Fafa Kyle, hindi mo ba hahabulin si Bestfriend ko? Yung parang sa movies na susundan ni fafa bida ang leading lady niya? Di mo ba gagawin yun?"

Napayuko ako. Kahit na anong gustuhin kong makita siya paalis ay hindi pwede.

Natatakot kasi ako.

Natatakot akong baka bigla ko siyang hilahin at biglang hindi ko mapigilan ang sarili ko na pigilan siya at pilitin nalang siya na tumakbo kasama ako.. tumakbo sa mga problema namin.

Natatakot akong baka... makita ko nanaman siyang umiyak. Sabi ko noon, hinding hindi ko siya hahayaang umiyak. Hindi ko siya sasaktan. Pero nakakagago oh, ngayon ako pa.. ako pa ang dahilan ng pagiyak niya.

"What for?" Simpleng tanong ko kay Nicki.

My Flower Boy Brother (Published Book)Where stories live. Discover now