Chapter 1 - Fake Brother

48.6K 621 35
                                    

CHAPTER 1

Fake Brother

SUZY’S POV

Ako na ang masaya! Ako na talaga. As in ako na. Ikaw ba naman mapanalunan ang dream shoes mo diba? Daig ko pa ang nanalo sa lotto. Mabuti nalang at medyo malakas-lakas tong hinatak kong stranger na to. Ano ba yung larong ginawa namin? Ganito kasi yun..

Flashback

Pagkapasok naming ng store, tumambad sa amin ang mga magkakapatid. May ilan pa nga silang magkambal, at yung iba naman, sobrang bata nung mga lalaki. Tanging kami lang ang halos magkapantay lang ang edad. Akala ko dahil doon ay matatalo kami pero mali ako ng akala. Dahil dito ay nanalo pa kami.

“Ready! Set! Go!” sigaw nung saleslady.

Nakita naming nagbuhatan ang mga kasali. Yung iba ay sumuko na kahit hindi pa sinusubukan dahil mas bata ang lalaki sakanila, sa katunayan nga, mga nasa pitong taong gulang palang ang lalaki at nasa 18 na ang babae. Pinanood muna namin ang iba na hirap na hirap. Sumampa yung babae sa lalaki at naglakad sila papunta sa dulo ng store, at sa dulo ay may nakasabit na isang red flag. Paramihan ng ikot at flag pala ang labanan.

“Uy, ano na? Halika na!” Tinapik ko ang balikat niya at pinilit siyang umupo, ako naman ay sumampa na sa likod niya at wala naman na siyang nagawa pa kundi binuhat ako at tinulungan na ako.

At sa huli nga ay kami ang nanalo.

End of flashback

"Uy! Salamat ha?" Bulong ko dun sa lalaking hinatak ko at nagpanggap na kapatid ko. Akala ko nga hindi papayag eh, pero ewan ko ba bakit pumayag. Nabighani siguro siya sa diyosa kong mukha.

"Tsk." Yan lang ang sinagot niya. Wala man lang bang you're welcome? Tss. Sama ng ugali. Ayoko pa naman sa lahat yung hindi marunong mag-thank you at you're welcome. Pero bahala na nga! Dahil kung hindi ko siya nakita ngayon, malamang nasa bahay na ako at nagmumukmok.

"Bakit nga pala ako nag thank you eh bayad mo lang yun sa pag tama nung coke sa ulo ko! Akala mo ba plastic yun? Ang sakit kaya ng pagkaka-tama! Gusto mo maramdaman?" Sigaw ko sakanya. Bigla nalang nag explode ang dugo ko ewan ko ba kung bakit.

"Ang ingay mo naman! May tinatawagan ako oh?" Pag rereklamo niya habang tinuturo-turo ang cellphone niya na nasa tenga niya. Oo nga, sabi ko nga, eh, may tinatawagan siya.

"Tss. Di pa nga sumasagot e. Magreklamo ka pag kausap mo na. Kainis." Nasagot ko nalang bigla. Napatakip tuloy ako bigla sa bibig ko at medyo tumalikod sakanya. Suzy think before you say something! Sabi ko nalang sa sarili ko. Nahalata ko naman sa mukha niya na ikinabigla niya ang pagsagot ko. Siguro hindi ito sanay na sinasagot sagot siya at nilalabanan siya.

Tumingin muna siya sakin in-disbelief, "Aish! Bahala ka jan!" Tapos ay naglakad na siya papalayo. Yan tama yan! Umalis ka nalang bago pa ako tuluyang sumabog. Kainis walang manners! Pero thank you pa din kahit papaano.

"Uy Suzy! Patay ka! Andun si Sir Raphael!"  Hinihingal-hingal pa na sabi ni Jess sakin.

PROCESSING....

PROCESSING....

My Flower Boy Brother (Published Book)Where stories live. Discover now