Chapter 14 - Weird

25.2K 342 12
                                    

Nagising nalang ako na nasa ospital na ako at kusang bumalik ang mga ala-ala ko noon.. dati gumising ako sa loob naman ng kwarto ng tito ko, bumungad saakin noon ay si Drew. Same happenings ngayon. Nagising ako sa loob lang ng ospital at mukha ni Drew na naka ngiti ang bumungad saakin.

"Drew? Ikaw nanaman? Nakakasawa na ah." Pabiro kong sinabi sakanya when in fact, sobrang nagpapasalamat ako sakanya. Kahit na anong hilingin niya magagawa ko dahil siya palagi ang nagsisilbing dahilan ng pangalawang buhay ko.

"Drew, thank you talaga." Pagpapasalamat ko sakanya. Lumapit naman na siya saakin at niyakap ako.

"Sorry Suzy ha?" Napakunot ang noo ko. Bakit siya nag so-sorry? Ako nga dapat ang nagso-sorry. Para kasing masyado ko na siyang napapahamak sa mga pahamak na nangyayari sa akin.

"Bakit ka nag sosorry? Adik ka talaga kahit kailan noh?"

"Wala lang.. nag sosorry lang ako haha masama ba yun?" Tumawa naman sya at nirelease na ako sa pagkakayakap niya.

"Ah alam ko na bat ka nag sosorry! Kasi di ka maaga dumating? Ganyan din sabi mo sakin nun eh, tanda ko lang.."

Oo natandaan ko kasi nun nung niligtas nya ako kay Alex, bago niya ako buhatin at tulungan ay 'yun ang sinabi niya.

"Oh? Sinabi ko yun? Haha di ko tanda ah!" Sabi niya na napakamot pa ng ulo. Loko loko! Hindi raw natatandaan? Imposible..

"Oh sige labas muna ako ha? Baka gusto ka makausap nila Jess eh."

"Yieee!! Nagkita kayo ni Jess? haha tumitibok pa ba?" Pangaasar ko sakanya.

"H-ha? Hindi na e hahaha sige na kulit bye na" Saka na siya lumabas. Gusto nyo bang malaman story ni Jess at Drew? Haha ayoko nga sabihin! Joke. Wala naman akong masyadong alam basta ito lang ang nalalaman at natatandaan ko noon.

FLASHBACK

Lumabas ako ng bahay para pumasok na sa eskwelahan pero nakita ko na may nakaparada sa tapat ng gate namin at tila may naghihintay saakin. Nasa france pa ako habang si Jess naman nauna na sa Pilipinas. Magkakakilala na kami (si Nicki, Jess, Drew at ako) matagal na matagal na, kaya nga matuturing ko silang Childhood bestfriends ko, except kay Kyle at Angela na this year ko lang nakilala.

"Oh bat ka andito?" Gulat kong tanong kay Drew na naghihintay sa labas at may dala pang bouqet of flowers.

"Para kanino yan?" Pagtatanong ko nang makita ko ang mga flowers na hawak niya. Napakamot muna siya ng ulo na parang nahihiya.

"A-ah? Ano.. kelan pa ba umalis si Jess?" Aysus! Alam na!

"Para kay Jess yan?! Ohemgeee!! sa kasamaang palad last week pa sya nakaalis. Late ka eh."

"’Di to para kay Jess noh!" Deny deny pa siyang nalalaman eh huli na sa atko! Utuut!

"Bakit? Para kanino naman yan ha gwapo kong pinsan slash kaibigan?" Nakita ko namang medyo nawala ang ngiti sa mga mukha niya. May mali ba akong nasabi? Oh baka naman? Ay imposible.

My Flower Boy Brother (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon