Chapter 36 - Kyle's New Life?

19.9K 263 32
                                    

Kyle's POV

She promised. Nag promise siya sa akin na kakalimutan niya ako and at the same time, I did too. I promised na kakalimutan ko na din na minahal ko siya. Para sa nakabubuti. Para sa kagustuhan ng nakararami.

Pag-alis na pag alis ni Suzy, 1 day after that, nilakasan ko na ang loob ko. 1 week nalang ang mayroon ako at gagawin ko na lahat ng kailangan kong gawin.

And that is, umamin sa lahat na kasinungalingan lang ang lahat. Na hindi naman talaga kami magkapatid ni Suzy. At ang katotohanan ay minahal namin ang isa't-isa hindi bilang magkapatid.. pero mas higit pa dun.

Pagkagising ko ng araw na 'yun, nagsimula na akong mag-ayos. Naligo, nagbihis at kumain. Pagpasok ko ng school, same happenings. Mga babaeng nakatitig sakin, mga babaeng kung makatingin kay April ay para siyang kriminal. Eto pa ang isa sa dahilan kung bakit naisip ko na mas mabuti na ngang magkahiwalay kami ni Suzy at matapos na ang lahat sakin. Because loving me and being with me is not that easy. Yung kay April? Yung sakanya kasi, alam ko nang matatapos din. Ang kay Suzy? Walang katapusan ang kanya.... dati. Dahil ngayon, sinusubukan ko nang tapusin ang nararamdaman ko para sakanya. Kung hindi lang dumating ang mga bagay-bagay at magkasama pa rin kami ni Suzy, sisiguraduhin kong siya na ang babaeng ihaharap ko sa altar at mamahalin ko habambuhay pero hindi na pwede yun mangyari. Because everything in our life now is all set and scripted. Ang pagmamahal ko kay Suzy ay pang habambuhay.. pero masisira iyon dahil sa pangako namin sa isa't isa.

Pangako? Promises? Bakit ba ang hilig natin sa ganyan?.

Because of one promise, my life went hell. Because of a promise I made with my mom before she died, I've already given up my life, my happiness. Because she's my mom and she's the girl I love the most. And I will do everything to fulfill that one promise... and that is to marry the girl she likes, April Flinns. Pero paano yan? Unti-unti ko nang nasosolusyunan yon? Am I too late?

The girl I love is getting married. Kagaya ng akin, kontrolado din ang buhay niya.

Ngayong umaga, nauna nang pumasok si April. Nagtaka nga ako at hindi na niya ako hinintay at hindi rin kami masyado nang nagkakausap. Its been 1 week. 1 week nang huli kong makita at makausap si Suzy. Konting araw nalang ang nakakalipas at ako naman. Ako naman ang aalis.

"Uy Kyle, pinabibigay ni April." sinalubong ako ni Red kasama si Jess at may inabot sa aking isang papel na naka fold.

Binuksan ko ito.

Hi Kyle. Sorry ha? Sorry kung ngayon lang ako nakapag desisyon. Kung nakapag desisyon lang sana ako ng mas maaga baka magkasama pa rin kayo ni Suzy. Pero wala eh, ngayon lang nag sync in lahat sa utak ko kung gaano ako ka-selfish at ka-immature. Sorry talaga. Alam ko namang ginagawa mo lang ang lahat para sa mama mo at hindi sa dahil may nararamdaman ka para sa akin. Meron siguro pero alam kong awa ang nararamdaman mo at hindi pagmamahal. Nagagalit tuloy ako at naiinis sa sarili ko. Binaliwala ko lang ang lahat ng sakripisyo mo. After you gave up your feelings for Suzy, heto ako aalis at babaliwalain lahat ng paghihirap mo. Hindi ko na alam ang mangyayari sainyo. I know suzy's getting married. Goodluck sainyo ha? Wala akong mapayo sayo... sorry. Basta, wag mong gagawin ang ginawa ko ah? Dont be so desperate and selfish to the one you love... well, okay lang naman yun kasi sa sitwasyon niyong dalawa, parehas niyo naman mahal ang isa't isa so its okay to be selfish with suzy. Iyo lang dapat ang iyo.

My Flower Boy Brother (Published Book)Where stories live. Discover now