Chapter 19 - Alex is Back

24.2K 346 20
                                    

Kyle’s POV

Ngayon ko nalang ulit naisipang hanapin siya.. ngayon kasi sa tingin ko nahanap ko na ang babaeng makapagsasaya saakin at si Suzy, iyon. Pero sana ako rin ang lalaking makapagpasasaya sakanya.

Sana hindi dumating ang panahon na kailangan naming maghiwalay..

Sana hindi dumating yung bagay na kinakatakutan ko.

Bago pa man ako makipagkita sa kamag-anak ni Drew na sa tingin ko ay makakatulong sa akin, pinuntahan ko muna ang tambayan at doon, tumambad sakin ang mga mokong kong barkada.

Sila Seph, Jay at Brian. Naglalaro ng billiards habang naghaharutan.

"Ayan na ang gwapo nating kaibigan!" Bati ni Seph. Yung makulit sa grupo.

"Oh nasaan si Red?" Tanong naman ni Brian. Si Jay naman tahimik lang. As usual.

"Busy yun, e. Ano ginagawa niyo pala dito?" Pagtatanong ko naman. Nakakagulat naman kasi ang pagbisita nila dito. Mga lumipat na kasi sila ng school, ayaw daw nila dito walang chix. Baliw  lang eh noh? Babae ang habol.

"Oo nga pala, nahanap mo na ba pinapahanap mo samin? Sorry pre ah, di namin nahanap eh. Move on move on din kasi kapag may time." Saad ni Seph sabay tap sa balikat ko. Sakanila ko kasi pinapahanap ang babaeng kasalukuyan kong hinahanap ngayon. Dahil alam kong sila ang may koneksyon sa bastardong sumira ng buhay nung babaeng iniligtas ko.

"Naka move on na ako, baliw." Depensa ko sa sarili ko. Baka iniisip niyo na ang babaero ko? Masaya na ako kay Suzy kaso para kasing may tumutulak talaga sa akin na hanapin itong babaeng to na tinulungan ko noon. Isa lang naman ang makakasagot kung sino talaga yun eh, si Drew. Kaso ang problema nga ay ayaw niyang sabihin eto saakin.

"Kapag tinadhana kayo, magpapakita yun kusa sayo." ‘Yan ang sinagot niya saakin. Hindi kaya may gusto siya sa babaeng ‘to kaya ayaw niya sa akin ito ipakilala at sabihin?

"Wag mo na kasi hanapin! May chix ka naman na ata eh!" Sabi ni Seph na nakita kong hawak niya ang kaisa isang picture na nakuha ko lang sa math notebook ni Suzy. Oo nagnakaw ako ng picture niya. May masama ba dun?

"Pre di mo naman sinabi na may ganito palang chix dito edi sana hindi na kami lumipat!" Pangaasar ni Brian. Napatingin naman si Jay sa picture. Kahit naman di niya sabihin, alam kong may interes din siya sa babae.

"Akin na nga yan, may kikitain pa ako eh!" Tangkang kukunin ko na sana ang picture kaso hindi ko na to nakuha dahil tumakbo na papalabas yung dalawa.

"Mauna na din ako." Pagpapa-alam naman ni Jay. Buti pa ‘to matino pa.

**

Pumunta na ako sa park ng school at kinita na ang isa sa kamaganak ni Drew kaso wala din naman akong nakuhang impormasyon.

Mukhang hindi ko na nga talaga makikita o makakamusta yung babaeng yun.

My Flower Boy Brother (Published Book)Where stories live. Discover now