Chapter 34 - Last Day, Goodbye

20K 292 24
                                    

mbento man ako ng chocolate, ang labi niya ang papa-patukin ko. Masarap kasi eh! Hahahahahaha.

"Why? Maka-ngiti ka jan ah? May dumi ba sa mukha ko?" Habang pinagnanasaan ko ang labi niya ay bigla nalang siya nagsalita. Kitang-kita ko tuloy ang paggalaw ng labi niya.. ang sexy talaga.

"Huy, okay ka lang?" Nagulat nalang ako nang bigla siyang tumigil at humarap sa akin at nilapit ang mukha niya sa mukha ko at tinitigan ako.

"Nababaliw ka na ba kasi eto na ang last day na magsasama tayo?" Ang ngiti sa mukha ko ay biglang nawala nang pumasok nanaman sa utak ko na ito na ang huli.  Napatingin ako sa ibang direksyon at nagsimula na ulit maglakad. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya at ang pagdikit muli ng kamay namin. We were holding each other's hands again. Ang sarap sa feeling.

"Ikaw ah, kanina mo pa ako pinagnanasaan." Tumigil ulit siya pero this time, bigla nalang niya ako niyakap. Sino ba naman ang tatanggi sa yakap niya?

"Tinatanggihan mo ba ang yakap ko?" Pangaasar niya kaya inangat ko na ang braso at kamay ko at niyakap na rin siya ng mahigpit.. nasa may park kami ngayon at nakapatong lang ang ulo ko sa dibdib niya. Gusto ko yung ganitong feeling. Yung parang sa pagrinig mo ng pagtibok ng puso niya sa dibdib niya ay isang parang lullaby na makakapagpatulog sayo at makakalimutan mo ang mga problema mo. Ang masaklap lang doon ay gigising ka din at babalik nanaman ang mga problemang saglit mo lang nakalimutan. Parang ngayon.. maya maya ay matatapos din ito. Para lang kaming natulog ng apat na oras at nanaginip ng apat na oras.. at pagkatapos noon ay magigising din kami at haharapin na namin ang totoong buhay.

Makalipas ang ilang segundo ay siya na ang kumalas sa pagkakayakap namin at hinawakan ulit ako sa kamay ko at hinila papunta sa may damuhan.. doon ay nakita ko ang isang nakalatag na blanket at mayroong tatlong red candles, isang bouqet ng flowers at dalawang red balloons.

"Did you like it?" Inakbayan niya ako at binulong iyon.

Napangiti nalang ako at napayakap sakanya.

"Thank you." Bulong ko sakanya.

Hinila niya ako papunta sa nakalatag at umupo kami doon.

Pinagmasdan lang namin ang kalangitan.. madaming stars. Sa palibot din namin ay mga ilang couples. May pamilyang nagpipicnic at mga barkadang nagkukulitan. Hindi ko tuloy maiwasan na ikumpara sila sa amin.. ang karamihan sakanila ay nagsasaya rito.. pinagpapatuloy ang buhay nilang magkakasama sila at masasaya sila.. samantalang kami.. nandito, nagsasaya dahil ito na ang huling araw na magiging ganito kami kasaya.

Mga ilang minuto, mula sa pagkakaupo ay nakita kong nakahiga na rin siya at nakatitig sakin.

"Wag ka nga tumitig. Baka matunaw ako niyan!. Sige ka…" Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa mukha niya para sana pagpipisilin siya at asarin pero bago pa ako makagalaw ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako kaya napahiga ako sa dibdib niya... gumulong kaagad ako at dumapa sa tabi niya para maitago ang namumula kong mukha at naluluha kong mata.

Tahimik pero hindi awkward.

Walang nagsalita samin.. tahimik lang. Hanggang sa..

My Flower Boy Brother (Published Book)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ