Chapter 39 - D-Day

20.4K 289 21
                                    

Kyle's POV

Paguwi ko ng bahay, sinalubong kaagad ako ni Dad.

"Something's wrong, son?" Tinapik niya ako sa balikat pero hindi nalang ako umimik at patuloy na naglakad papasok ng kwarto.

"Wednesday.. are you going?" Bago pa ako makapasok tuluyan sa kwarto ay napatigil ako at napaharap kay Dad.

"Yes dad I am." Sabi ko at papasok na sana sa loob ng kwarto ko pero natigilan nalang muli ako nang magsalita si Dad.

"..your tita and I cancelled our wedding." Napatingin kaagad ako sakanya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Nasasaktan sya.. nalulungkot.

"But I already picked the gown for tita." Kanina nung nasa bakery ako, 'yun ang pinagkaka-abalahan ko. I was busy picking wedding gown for my step mom with Ms. Park. Gusto daw niya kasi ako ang pumili. Hindi ko alam na doon pa pala kami ulit magkikita ni Suzy. Hinihintay ko na may sabihin siya sakin.. hinihintay kong mapigilan ang sarili kong tumitig sa kanya para masabi ko na ang gusto kong sabihin. Pero naunahan na ako ng takot at sakit.

She congratulated me.

Masaya siya para sakin. Masaya siyang malapit na rin akong ikasal tulad niya. Kaya naman pinili ko nalang na manahimik. Hinayaan ko nalang na isipin niya ang gusto niyang isipin. Ang mahalaga ngayon, at least alam kong hindi ko siya nasasaktan dahil sa ginawa kong desisyon na magkalimutan na kami. Iba talaga siya. Tumutupad siya ng pangako.

Kaso ang masaklap doon ay tinupad niya ang pangako na ayaw kong tuparin niya. At yun ang kalimutan ako.

Natauhan nalang ako ulit nang hawakan ako sa balikat ni Dad. "Dont worry about me, Son. Something just came up with business at napagdesisyunan namin na huwag nang ituloy ang kasal namin at mag focus nalang sayo, son."

"So tomorrow.. Wednesday? 7pm." Nginitian niya ako at tinapik na ulit sa likod at lumakad papalayo. Kita ko sa likod niya ang lungkot. Ano ang nangyari at nacancel ang wedding nila ni tita? Kung nagkakaproblema sa kumpanya ibig sabihin.. ako nalang ang pagasa nila? Ganun ba yun? Ipapangasawa ako sa anak ng makakatulong sa kumpanya namin? Cliche, yes pero ganito talaga ang buhay.

Simula nang mamatay si Mama ay alam kong si Tita nalang ang bumubuo sa araw ni Dad, maliban sakin at sa mga kapatid ko. Kaya malaki ang tiwala ko kay tita. Kaya naman nang malaman kong magpapakasal na sila ay labis akong natuwa.

Pero ano ang nangyayari? Bakit hindi lang buhay pagibig ko ang nasisira at naaapektuhan? Bakit kailangan pati sa magulang ko?

Ako ba ang malas?

**

Wednesday, madaling araw ay nagising nalang ako. Hindi na ulit ako makatulog kaya nanatili nalang akong nakaupo sa sofa sa sala.

"Kuya!" Halos mapatalon ako sa gulat nang pumasok bigla si Krystal kasama ang dalawa ko pang kambal na kapatid.

"Ohmygod kuya I missed you sobra! Nabalitaan ko nangyari sainyo ni Ate Suzy, bakit?? Kakainis naman kayo!" Sabi niya habang naka pout pa sa harap ko. Ginulo ko nalang ang buhok niya at sinabihang matulog na siya at mukhang pagod na siya.

My Flower Boy Brother (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon