Chapter 12 - Wedding Dress

26K 347 36
                                    

Nakakainis yung feeling na bigla-bigla nalang na magpapa-musiko si dora sa puso ko. Yung tipong may drums na dumadagundong dito sa PUSO ko! Sa totoo lang naramdaman ko na ito eh. Kaso nawala din dahil alam ng puso't-isipan ko na kaibigan lang talaga ang turing ko sakanya at kaibigan lang din ang turing nya saakin. Naramdaman ko iyan noong panahon na tinulungan ako ni Drew. Diba nga sabi ko sainyo? Siya ang dahilan kung bakit nakaka-tawa pa din ako hanggang ngayon.

Kasama namin ngayon ang dalawang bata. Si Carlo at si Stephen. Naglalakad kami papasok ng SM. Hawak hawak namin sa kamay sila carlo.

ako-stephen-carlo-kyle. Ganyan ang position namin. Parang happy family kami diba? hahahaha joke!

Mejo nagpapasalamat na din ako at si Stephen ang napunta saakin. Di ko ata kasi kakayanin na si Carlo ang mapunta sakin. Daig pa nyan ang kakulitan ni Kyle! Nakakastress. Si stephen naman, gentleman. Maharot lang kapag si Kyle at Carlo na ang kasama.

"Kuya! I want that! Get that for me please??" Dumaan kasi kami sa isang laruan or arcade kung tawagin. May mga nakadisplay na robot pero hindi ata ito pwedeng bilhin.

"Miss, paano makukuha 'to?" Pagtatanong ni Kyle dun sa babae na tulo laway nang kausapin siya ni Kyle.

"Tsk, dun ka nga bantayan mo yung dalawa. Ako na bahala dito." Tinulak ko siya palayo at ako na ang kumausap dito sa babae. Baka kasi di pa matapos yung paguusap nila eh. Isa pa din namang malanding lalake tong kasama ko.

"Ay miss, gwapo naman nun. Anong name nya?"

Huminga muna ako ng malalim, "Yun na ba ang trabaho ngayon? Ang mag survey ng mga gwapong lalake na dumadaan sa store mo?" Napa yuko sya at nag sorry. OMG! Napatakip ako ng bibig ko, sorry din ate! Di ko kasi ma-take ang high ng kalandian mode mo! Joke. Hindi ko lang alam kung bakit nasabi ko bigla ‘yun. Baka ganito talaga pag birthday celebrant.

"Miss, ah.. ano po.. in order to get that robot, you will need to dress up as a bride and someone needs to dress up as a groom din. This is a game for families po kasi. The robot is for the kids naman in return. " Napa nga-nga nalang ako. There's no way in hell we're gonna dress up as couple!  Kasabay naman ng pagdisagree ng utak ko ay ang pagtibok nanaman ng puso ko at pamumula ng mga pisnge ko.

"Ah sige thank you nalang miss." Saka na ako umalis.

Ngayon I need a help of palusot.com kay Carlo!

"Where's the robot na?!" Sigaw nya na halos mangiyak-ngiyak na. Ay kaloka.

"Di daw sya pwede maku--" Hindi ko na natapos pa ang palusot ko dahil nakaw eksena nanaman yung babae sa store.

"Miss! Try nyo na po! All you need is to dress up as married couple!"

Pagkasabi na pagkasabi naman nila nito ay ang pagningning ng mata ni Carlo at pag ngiti saakin neto ni Kyle. Ay jusme! Malolosyang ako ng maaga neto!

"Halika na!" Hinawakan ako ni Kyle sa kamay ko at hinila ako.

Ohmygad dugdugdugdug mas malakas na yung musiko sa puso ko!!! Kailangan ko nang makita si Jess at Nicki! I need to consult the experts and ask what is wrong with me!

My Flower Boy Brother (Published Book)Where stories live. Discover now