Chapter 21.2 Characters

22.5K 229 18
                                    

PICTURE NG MGA CHARACTERS SA GILID -> YUNG IBA JAN HINDI PA LUMALABAS SA STORY ^^ PALABAS PALANG. :) 

Bago ko ipost ang next chappie, gusto ko lang na ipakilala sainyo isa-isa ang characters. Pasensya na kung medyo magulo ang takbo ng storya at madaming pasulpot sulpot na characters xD Babanggitin ko lang dito ang mga nabanggit na sa prev chaps pero malamang hindi niyo na matandaan :))

Maglalabas na kasi ako ng mga sikreto sa mga susunod na chap at para mas maintindihan nyo iyon, ipapakilala ko ulit sainyo ang mga characters.

NASA SAINYO KUNG GUSTO NIYONG BASAHIN ^_^ Pero mas maiintindihan niyo talaga ang storya na ito kung babasahin niyo ito at wala kayong ii-skip haha :)

SUZY MADRIGAL ---- Scholar ng K-Academy. Mayaman, Maganda at matatawag natin siyang sikat. Sikat sa france, hindi sa Pinas. Suzy is from France pero fluent siyang magsalita ng Fil. Eh matalino eh! Suzy's mom is Margaret Madrigal. Patay na ang dad niya na Frederick Madrigal ang pangalan. Only child lang si Suzy kaya naman bago ang nararanasan niyang magkaron ng FAKE brother. Kung babalikan niyo ang prev chapters, kinuwento doon kung paano namatay ang dad niya. Because of a car accident. Pero kahit na patay na ang dad niya ay hindi pa rin siya pinabayaan ng mom niya at ng grandparents niya sa father's side niya. Kung tutuusin nga ay ipamamana sakanya ang kumpanya na iniwan ng dad niya pero ito ay tinanggihan niya. Nabanggit din ito sa prev chap. Lolo niya ang may gustuhin na siya na ang magtakbo ng kumpanya ng dad niya. Pero hindi pumayag si Suzy dito at ipinaglaban ang pangarap niya. Ang musika. Suzy loves Music. Hindi pa lang napapakita sa story ang pagkahumaling niya sa music.. soon ipapakita ko :). Nang dahil sa paglalaban niya sa pangarap niya ay pinagbigyan ito ng lolo niya but in one condition-- kailangan ay pagkabalik niya ng france, gusto ng lolo niya na makitang isa na siyang tagumpay na babae.

Ayaw ni Suzy na manahin ang kumpanya dahil sa tingin niya, hindi ito tama. Unang una, hindi siya businessminded na tao. Pangalawa, gusto niyang maging successful sa pinaghirapan niya. At hindi pinaghirapan ng pamilya niya.

And this is the reason why kung bakit hindi niya magawang bugawin lang si Kyle at sabihin sa lahat na hindi niya ito totoong kapatid.

Si Suzy ay may isang mapait na nakaraan pagdating sa buhay pagibig. Natatandaan niyo ba si Alex? Si Alex ang ex boyfriend na niloko lang siya. Nasa prev chaps yung nangyari, hanapin niyo nalang. HAHAHA! And not knowing na itong Alex pala ito ay may malaking kapit. Not because of his money pero dahil siya ang leader ng isang gang.. na kung saan miyembro ang tatlong kaibigan ni Kyle.

KYLE NAVARRO ---- Kyle might be playful all the time pero isa siyang mapagmahal na kuya. May tatlo siyang nakababatang babaeng kapatid, si Kystal, Kai at Kate. Katulad ni Suzy, wala na din ang isa sa mga magulang niya. Ang mom niya. Pero hindi katulad ng kay Suzy, ang dad niya ay malupit sakanya.

Pero sabi nga nito, ginagawa lang niya iyon para sa kinabukasan niya. Kilala at sikat si Kyle hindi lang sa school nila, pati na rin sa mga ordinaryong taong mga business minded, kilalang kilala ang isang Kyle Navarro. Ito ay dahil isa nga siyang anak ng Navarro. Being a Navarro is a special thing. ibig sabihin nun, isa kang karesperespeto at mayaman na tao. At ito naman ang dahilan ni Kyle, kung bakit hindi niya ding magawang sabihin nalang sa paligid nila ang pagpapanggap nila ni Suzy.

...waaa ang spoiler ko wala na!! hahahah.

Akala nating lahat ay si Drew ang nagligtas kay suzy, hindi ba? Well.. hindi. Si Kyle ang may gawa nun. He saved suzy from Alex kahit na hindi nito kilala si Suzy. Nagkataon din naman nung mga araw na yun ay dumating din si Drew at tinulungan si Kyle. Kyle wanted to know her name, Kyle felt something different when he touched her.

And this is when curiosity started to eat him. ~~~Abangan niyo nalang sa next chappie yung mga flashback ni kyle about this incident~~~

DREW MADRIGAL// REYES ---- Drew was once a Madrigal. Kinukop siya ng tito ni Suzy (kapatid ng dad niya) Kinupkop si Drew noong mga bata pa sila at noong buhay pa ang dad niya.  

Kaya nakilala ni Suzy si Drew bilang isang pinsan niya but time goes by nang makilala ni Drew ang tunay niyang mga magulang kaya siya ngayon ay si Drew Reyes na. Kapatid niya si Angela Reyes. Ang babaeng nagpanggap na siya ang niligtas ni Kyle. Bakit at paano kayang nagpanggap si Angela? ~~~~~Ayoko mang spoil :p next time na~~~~

Si drew... matagal na siyang may pagtingin kay Suzy at maaring eto nga ang isa pa sa mga dahilan kung bakit nagawa nitong lokohin si Suzy at ipinalabas na siya ang nagligtas sakanya.

NICKI AT JESS ---- Wala naman kayong dapat na ganoong malaman sakanila hahaha echos.  

Si Jess at Nicki ay kaibigan na ni Suzy nasa France pa lang sila. Nauna lamang mag pinas ang dalawa.

RED, SEPH, JAY AT BRIAN ----- Si Red ay ang pinsan ni Kyle. Kapatid at bestfriend na ang turing nila sa isa't isa kaya naman halos lahat ay si Red ang nakaka alam.  

SEPH; Yan ang makulit sa grupo.  

Brian; Playboy ng grupo. 

Jay: Tahimik sa grupo pero may sira din sa tuktok yan.

BALIK TAYO KAY RED NAVARRO AT JESS. ----- Napapansin niyo naman diba na lagi silang magkasama? Well nabanggit na din yan sa mga unang chap. Humingi ng tulong si Red kay Jess na gawing official ang dalawa dahil ito daw ay makakatulong sa dalawa. Hmm Bakit kaya?!

Pero nang tumagal ang operation nila... may nalaman si Jess at nabanggit din ito sa isang chap doon.  

May fiance na si Suzy.

At hindi nila alam ang gagawin pa nila. Dahil una sa lahat, Ayaw nilang may masaktan sa kaibigan nila. Pangalawa, LOLO NI Suzy ang may pakana ng cliche na arranged marriage na ito.

AND..... MAY BAGO TAYONG CHARACTER!! Syempre kasi nakulong na si Alex eh hahaha palayain ko kaya?

APRIL FLINNS AND JESSICA FLINNS----- Magkapatid sila. Ang istorya kasi na ito ay hindi lang puro love ang focus :) Pamilya din.

Mas nakakatanda ng apat na taon si Jessica. Si April naman ay halos kasing edad lang din nila Kyle at Suzy, 19 years old.

Abangan niyo sana kung ano ang contribution ng dalawang Flinns sa storya! Pasensya na sa apelido nila Hahahahha wala na akong maisip eh ><

My Flower Boy Brother (Published Book)On viuen les histories. Descobreix ara