Chapter 33 - D-1 & D-Day

20.4K 301 15
                                    

 ang Halloween Ball. And after that Ball, byebye.

In 3 weeks din naman, nagpanggap nalang ako na okay ako. Kahit naman din kasi ilang pilit kong iwasan si Kyle ay magkikita at magkikita pa rin kami because we share almost all of the subjects. At patuloy pa rin naman kami sa pagpapanggap na magkapatid kami. I would accept gifts from girls na para sakanya. I would place them all sa table niya epro maguusap lang kami sa tuwing kami ang napapartner sa mga activities. Now, since bukas na ang ball, 'yun na ang number one topic sa klase. Pati ang mga teachers excited na excited.

Ako lang ba ang hindi excited?

Pwede bang hindi nalang ako pumunta?

Ano pa kasi magagawa ng pagpunta ko doon kung 'yun na din ang huling araw ko? Tanging si Nicki at Jess lang ang na kakalaman dito.. pati na rin pala ang school teachers.

 

Third Person POV

Masayang nagk-kwento ang guro nila sa harapan ng klase tungkol sa karanasan niya noong bata pa siya. Prom, Masquerade ball at tungkol sa halloween ball niya ang kinukwento niya.

"Nakakainis lang kasi wala akong ka-Date noon. Yung kapatid ko kasing lalaki nun ay tinakot lahat ng lalaking  nilalapitan ako. Sobrang over protective ang kuya ko. Sino ba ang may lalaking kapatid dito?" Tanong ng guro nila. Ang klase naman ay parang bata na nagparticipate at nagtaas ng kamay ang mga may lalaking kapatid. Maliban kay Suzy. Wala naman akong kapatid. 'Yun ang nasa isip niya.

"Ay si Madrigal, di nagtataas. Kaya ikaw ang tatanungin ko, kamusta ka? Hindi ba over protective si Kyle sayo?" Pagtatanong ng guro.

Ayy.. Magkapatid nga pala kami dito!   Biglang natauhan si Suzy at naisip iyon at tumayo upang sagutin sana ang tanong ng guro pero hindi na siya nakasagot dahil sa pagbabago ng tanong ng guro nila sakanya.

"Ayy makakapunta ka ba bukas, hija? Diba ika'y aalis na?" Ang naguusap at nagbubulung-bulungan na mga kaklase niya ay natahimik bigla. Kitang-kita rin sa mga mata at mukha ni Kyle ang pagtataka at pagkagulat. Napa tayo ito at biglang hinila papalabas ng silid si Suzy. Hindi pinansin ang tingin ng mga kaklase at guro nila sakanila.

Kyle's POV

Aalis? Si Suzy? Agad akong napatayo at walang kamalay-malay na hinatak papalabas si Suzy. Nanatili lang kaming tahimik na nakatayo sa labas ng silid. Hindi ko alam kung anong gagawin o sasabihin ko. Sinaktan ko siya.. Ayaw ko man 'yun gawin ay kailangan ko din. Two reasons. I have two reasons why. Una, dahil sa pangako ko kay Mama. Pangalawa, dahil hindi talaga kami pwede. Hindi pa kami magkakilala, alam ko nang hindi na talaga pwede.

Because I only have one week.

"Are you really leaving?" Binasag ko na ang katahimikan sa aming dalawa at tinanong na ang kanina ko pang gustong itanong.

"Y..yes." Sagot niya. Naramdaman ko ang pagbuo ng luha sa loob ng mata ko. I may sound gay pero wala na akong gustong gawin ngayon kundi ang umiyak, yakapin siya at bawiin lahat ng kasinungalingang sinabi ko.

'I loved you’ Nasabi ko sakanya 'yan. Hindi 'yun totoo dahil.. hanggang ngayon.. at alam ko hanggang sa huling paghinga ko ay mahal ko pa rin siya.

My Flower Boy Brother (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon