Chapter 31 - Truth or Lie?

20.5K 262 12
                                    

"Bes, sure ka na talaga? Ready ka ba? Pwede namang hindi mo na gawin yung inadvise ko eh. Wala lang ako sa tamang isip kanina. A-ayoko kasing masaktan ka.. bes." Hawak-hawak ako sa braso ni Jess. Nasa labas kami ng tambayan nila Kyle ngayon. Wala si April kaya makakausap ko ng matino ngayon si Kyle. Oo kakausapin ko siya. Gusto kong malaman ang lahat. Gusto kong malaman ang totoo.

Kung totoo bang hindi na niya ako mahal. Pero paano kapag sabihin niyang mahal niya pa din ako? NO. Hindi lalambot ang puso ko. Dahil ngayon, naiintindihan ko na ang kalagayan ni April. Si Apil wala na siyang ibang karamay. Si Kyle nalang samantalang ako.. may Mama ako, may step dad ako.. may lolo pa ako sa tabi ko na pilit kong nilalayuan.

All of a sudden, I felt guilty.

Si Kyle na nga lang ang meron siya tapos... kukunin ko pa? Tinignan ko ng seryoso si Jess at nakuha naman niya ang tingin na ‘yun kaya binitawan na niya ako at tumalikod na at iniwan ako.

Huminga muna ako ng malalim at akmang kakatok sana sa pintuan kaso napansin kong medyo nakabukas na kaya sumilip muna ako. Kasabay nito ay ang pagkarinig ko sa nagsalita.

Akala ko pa naman wala si April.

"Alam ko naman yung totoo Kyle eh... you know you can leave me now and go back to Suzy. Alam kong siya ang mahal mo." Bigla akong napa-focus sa usapan nila. 50% sa puso ko gusto ko nang umalis dahil natatakot akong may marinig na hindi ko magugustuhan pero 50% din na gusto kong manatili dito dahil baka may marinig akong ikasasaya ko at ikaaayos ng relasyon namin.

I chose the second one.

Nag-stay ako.

Pero kasabay ng pag-stay ko dito ay ang pagmuo nanaman ng mga luha sa mata ko.

"No April don't say that. I'll stay by your side." Nagmamatigas na sinabi ni Kyle.

"But you don't love me." sagot naman ni April sakanya.

Aray Kyle... ayan na oh she's letting you go! Pero may magagawa pa ba ako? Mukhang wala lang talaga ako sayo.

"I will....  I will love you.. mas higit pa sa nararamdaman ko kay Suzy.." Hindi ko na kinayanan pa kaya tumalikod na ako at tumakbo. Hindi ko na kailangan pang marinig ang susunod na sasabihin niya dahil malinaw na ang lahat sa akin.

Mahal niya ako pero mas mamahalin niya si April.

I get it now.

**

Paglabas ko ng school ay madilim na sa labas kahit na 5pm palang. Nakikisabay talaga ang panahon sa akin. Lumusong ako sa ulan at naglakad. May sarili na atang utak ang paa ko at kusa na siyang naglakad hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito.

Nang magpahinga ako saglit ay napansin kong napatigil ako sa isang Studio. Gusto ko itong pasukin pero pinipigilan ako ng puso't isipan ko. Alam ko kasi na wala na akong pag-asa pa... Wala na.. Hindi ko naman na matutupad ang pangarap ko.

My Flower Boy Brother (Published Book)Where stories live. Discover now