Chapter 13 - Clues

24.7K 341 8
                                    

Hindi na din ako nagtagal pa sa mall at umalis nalang. Nakakahiya naman kasi kung itext ko pa si Drew at magpasama sakanya eh iniwan ko nga sya para dito sa asungot kong "kapatid" diba? Akala ko kasi para saakin talaga yung text message. Akala ko icecelebrate namin ang birthday ko.

Hay bakit ba ako nagddrama? Hahahaha. Eh wala naman kaming something so dapat walang nag ddrama. We’re just strangers na piniling magpanggap na magkapatid para sa ikabubuti naming dalawa. We both have reasons kung bakit naming ito ginagawa, kung bakit hanggang ngayon ay nagsasama kami.

"Oh suzy Hija, happy birthday pala ah? Pinapasabi pala ng kapatid mo male-late siyang umuwi. Akala nga namin ay babalik siya sa mall kasama ka pero si Angela pala ang sinabi niyang makakasama niya at magtetext nalang raw siya sa iyo. Mukhang nagkaka-ayos na sila ni Angela. Bagay sila ano?" Sabi sakin ni Sister Anna habang hinihimas himas pa ang balikat ko. Tumango tango nalang ako, "Opo hehe bagay po sila."

"Oh sige, mauna na ako ha? Ako na muna bahala sa dalawang alaga niyo. Umalis ka muna at magsaya. Birthday mo naman. Sige na. " Umalis na si sister.. wala na akong kasama. Hayy.

Nilabas ko naman ang cellphone ko at chineck ito pero walang bago. Nakalimutan na ba nila Jess at Nicki ang birthday ko? Pinili ko nalang ang lumabas muna ng orphanage at magikot ikot sa village dito. Bahala na kung saan ako mapadpad.

Jess' Pov

Birthday ngayon ng aming magandang bestfriend kaya pupuntahan namin siya! Mag ccutting kami para sakanya. Ganyan namin siya kamahal. Nakakainis naman kasi kung bakit mga may kapatid lang ang pwede doon sa Event chuchu na ‘yun. Dapat pala nagpanggap din kami ni Red—Este ni Nicki na magkapatid.

"Nicki! Bat antagal mo diyan?! Tsk!" Inalog alog ko na ang pintuan ng CR. Ambagal eh daig pa ang babae. Baliw kasi to, sa cr ng girl nag cr gusto daw nya ma feel ang maging babae kahit sa loob lang ng CR. Abnormal diba?

"Uy" May kumalabit saakin at parang alam ko na nga kung sino siy. Pagharap ko.. tama nga ang hinala ko.

"Oh ano kailangan mo Red Navarro?" Pagtatanong ko sakanya. Medyo iniiwasan ko din siya kasi parang ayoko na gawin yung deal namin na maging official sila Kyle at Suzy in 3 months. Oo mabait si Kyle.. pero hindi ko naman kasi kayang paglaruan lang ang feelings nila. Gusto ko kung magiging official man sila, gusto ko SILA at tadhana na talaga ang gagawa nun at hindi kami. Kahit na ayaw kong may mangyaring masama kay Kyle kung hindi man siya makahanap ng babaeng mamahalin niya, hindi ko pa rin kaya eh. Bestfriend ko kasi si Suzy. I cant play with her feelings. Ganun na rink ay Kyle.

"Pupunta kayo ni bakla sa orphanage?" Tanong niya sakin at saktong pagtatanong naman niya ay ang paglabas ng diyosa kong kaibigan na narinig si Red.

"Excuse me noh? Kahit wafu ka di ako payag na you call me bakla because I AM NOT BAKLA. Im a girl. Im a dyosa." Sabi ni Nicki na nakapamewang pa. Di naman na ito pinansin ni Red at sa akin lang nakatingin at hinihintay ang sagot ko.

Yieee parang nanliligaw lang eh noh? Hahaha! YACK! ‘Yan Ang Crush Ko?

"Ano na?? Bat ayaw mo sumagot?" Ay atat tong pulang navarro na 'to.

"Anong answer? Nililigawan ka ba ni pula ha Jessy?" Hay jusme nakakabaliw kasama tong sirenang to! Daming tanong. Mapagbigay malisya pa!

My Flower Boy Brother (Published Book)Where stories live. Discover now