Chapter 40 - Last chapter

21.1K 302 51
                                    

Suzy's POV

Masakit at mabigat sa loob ko ang ginawa ko. Ang pinakahihintay kong sabihin ulit ni Kyle na mahal niya pa ako at ang matagal ko nang pinapangarap na maayos ang lahat ay maaayos na sana.

Pero bago pa ako makapagdesisyon ay nalaman kong may mabigat na pinagdadaanan pala si Mama. At siya nalang at si Lolo ang meron ako kaya naman gagawin ko ang lahat matulungan ko lang sila at mapasaya ko lang sila.

Nalaman kong sobrang kalungkutan pala ang nararamdaman ni Mama dahil sa mga nakalipas na araw, biglang nagkaproblema sa kumpanya ni Tito Enrico na naging dahilan ng pagkakansela ng kasal nila ni Mama.

Maski ako ay nagulat. Hindi kasi sa akin nababanggit ni mama na ikakasal na pala siya. Siguro dahil akala niya ayoko at hindi ako papayag pero ang totoo kasi niyan, gustong gusto ko si tito Enrico para sakanya. Dahil si Tito lang ang meron siya ng umalis ako dito sa france maliban kay Lolo.

Nalaman ko din na ang tanging paraan nalang para matulungan ko sila ay ang ituloy ang pagpapakasal ko na ito. Dahil ang kumpanya nalang namin ni Mama ang makakapagsalba sa kumpanya ni Tito Enrico na pinaghirapan nila ng namayapa niyang asawang itayo.

Kaya naman napagdesisyunan ko na magsakripisyo. Ako na ang magsasakripisyo ngayon. Masyado nang malaki ang isinakripisyo ni Mama sakin.. kaya ngayon.. ako naman... para sakanya, kay tito at kay lolo.

Saktong pagdating ko sa meet up place ay may sumalubong sa akin na lalaki. Sabi ni Mama ay andito daw si tito. Hindi ko naman malaman kung sino dahil hindi ko pa siya nakikita sa personal at hindi raw mahilig si tito magpapicture kaya wala akong alam sa itsura niya. Kaharap ko ang lalaki ngayon at malapad na nakangiti sa akin.

Imposible namang si Tito ito dahil ito ang tatay ng lalaking kikitain ko ngayon.

"Excuse me sir but you look so familiar." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinitigan siya.

Somehow.. he reminds me of him.

"You dont know me? I'm--oh wait" Sinagot muna niya ang nagriring niyang cellphone.

"Yes son she's already here." Bigla akong kinabahan. Yun na ba ang lalaking papakasalan ko? Sinenyasan na rin niya ako na pumasok na sa lobby dahil gusto raw ako makita ng anak niya.

Pagpasok ko ng lobby ay nakita ko ang lalaking nakatayo lamang sa may tabi ng bintana ng lobby, tahimik siya at tila may malalim na iniisip. Nakatalikod lang siya at tila walang balak na humarap sa akin. Magsasalita na sana ako ngunit natigilan ako ng marinig ko ang boses niya.

"Sorry I can't marry you." Bigla akong natigilan. Ang boses na iyon.

Bigla akong nainis sa sarili ko. Bakit ba hanggang dito siya ang iniisip ko? Diba sabi ko kakalimutan na namin? Eh bakit ngayon siya pa rin ang laman ng utak ko?

"Sorry but I really can--" Nang marinig ko muli ang boses niya ay bigla akong napatakbo sakanya at napayakap.

Nabigla ako sa ginawa ko.

Nabigla din ako ng yakapin niya ako pabalik.

Ngunit nang magkahiwalay kami ng pagyakap ay parehas kaming natigilan at nanigas sa kinatatayuan namin.

Napatitig kami sa isa't isa at napaiwas ng tingin.

"Akala ko yung kikitain ko na." Bulong niya sabay hinga ng malalim.

"Akala ko din eh." Sabi ko naman at inilibot ang tingin sa lobby. Wala namang ibang tao dito... maliban nalang kay Mama na kahawak kamay ang lalaking sumalubong sa akin.

"Kyle, son. She's your tita's daughter, Suzy." Sabi ni... ni tito enrico.

"And suzy, he's Kyle, your tito's son." Pakilala naman ni Mama.

Nagkatinginan kami ulit ni Kyle at sabay naming tinuro-turo ang sarili namin, naguguluhan sa nangyayari.

"Kaya namin kinansela ang kasal namin.. para sainyo." Biglang nagbitaw ang magkahawak kamay nila ni Mama at tito enrico.

"B-but--" magsasalita pa sana ako pero hindi na ako hinayaang makatapos pa ni Tito.

"No buts, dear. Meet my son, Kyle, your fiance." Kasabay nito ay ang pagkaramdam ko sa isang pamilyar na pakiramdam. Yung kamay na yun.. alam ko yun. Hinawakan ko rin ang kamay niya at nagulat ako nang bigla nalang niyang hinigit ang kamay ko at hinila papalabas ng lobby.

"Hoy kyle saan kayo pupunta?! Hindi niyo pa nga kilala ang isa't isa!" sigaw

ni tito enrico.

"Wag ka makulit dad! Mag ha-honey moon na kami ng fiance ko!" Natawa nalang ako habang tumatakbong nakahawak sa kamay niya.

Nadaanan namin si Lolo na nasa labas ng restaurant at may kasamang lalaking pamilyar ang mukha sakin.

"Lo ang daya naman! Sabi mo papakasalan ko na si Suzy? Ang daya daya mo!" Parang batang nagmamaktol na sabi ni Stephen.. ang lalaking tunay talagang itinakda sa akin ni lolo pero sa kabutihang palad.. isinalba kami ng tadhana.

"Sorry stephen pero mas gusto ko ang anak ni Enrico kesa sayo!" sabay walk out ni Lolo.

Nang tumigil na kami sa pagtakbo ay hingal na hingal kami. Hinigit muli ni Kyle ang braso ko at yinakap ako. This feeling again..

Pagkatapos ng yakap na iyon ay ang pagpisil naman niya sa magkabilang pisnge ko at biglang paghalik sa akin. Nabigla ako kaya automatic na nasipa ko ang tuhod niya.

"Aray!" reklamo niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Madami ka pang babayaran sakin noh! Akala mo ah!" Sabi ko sabay batok naman sakanya.

"Eto na nga binabayaran ko na!" Lumapit ulit siya sakin at tila humihingi ng halik dahil naka nguso siyang parang tanga sa harap ko.

"Asa!" Sigaw ko sa tenga niya sabay walk out pabiro. Nakalayo na ako ng kaunti sakanya ng biglang..

*PLAAAK!*

May binato siya at saktong natamaan ako sa ulo ko. Coca cola can!

"ANO YUN AH!??!" Reklamo ko sabay balik sakanya at babatukan sana siya pero nakita kong ngumisi siya at alam ko na ang gagawin niya kaya umatras na ako.

Tumakbo siya papalapit pa lalo sakin at naramdaman ko nanaman ang pagdampi ng malambot niyang labi sa kin.

"Kunwari ka pa, ayaw mo?" Bulong niya at binigyan pa ulit ako ng mabilisang halik sa pisnge. Ngumiti ako sakanya, ang saya ko nanaman.

"Ano nginingiti mo jan?" Panloloko niya.

"Kiss ulit?" Panloloko pa niya ulit. Itinaas ko na ang kamay ko para batukan ulit siya dahil ang kulit kulit niya pero agad niyang nahuli ang kamay ko at hinalikan ito. He then intertwined his fingers into mine.

Naglakad na kami pabalik sa restaurant, hand in hand at nakangiti sa isa't isa.

Sa huli pala ay kami parin talaga. 


My Flower Boy Brother (Published Book)Where stories live. Discover now