Chapter 22 - Misunderstanding

22.5K 281 7
                                    

WEDNESDAY.

I hate wednesday! Kasi ito yung araw na kadalasan tinatadtad kami ng test! Kadalasan pa nga surprise test pero okay lang yan, matalino naman ako eh, kayang kaya ko ‘yan, noh. Matalino ako. Yabang. Pero oo nga! Kaya nga ako scholar diba?

 Hmmm speaking of being a scholar student, okay naman na ang tingin nila sa akin. Well, thanks to Kyle, Jess, Nicki, Red and Kyle's barkada. Minsan nga naiinis ako sa sarili ko eh, feeling ko kasi parang kumakapit ako sakanila. Sabihin na nating, sila nga talaga ang dahilan kung bakit hindi ako magalaw-galaw ng mga bullies sa school.

Pagakatapos mag muni-muni ay tumayo na kaagad ako sa kama ko.. Naligo, nagbihis, at aalis na ako.

Oo wala nang breakfast breakfast, di uso sa akin yan eh. Kaya minsan nangungulelat ako sa first three subjects namin. At kaya minsan bibubungangaan ako ni Jess. Wag daw kasi ako magpapalipas ng breakfast. Nanay ko yan eh.

 Pagbaba ko ng hagdan ay bumungad sa akin ang muntik ko nang makalimutan na kasama ko pala sa bahay. Si April.

 "Oh ate, di na ako umuwi kagabi! Baka kasi maka istorbo lang ako sainyo ng boyfriend mo eh hehehe! Pakilala mo naman sakin yun minsan!"

"Ano-" Di pa ako nakakatapos sa sagot ko sana, nagsalita na agad siya.

 "Wag ka na mag deny ate! Sumbong kita sa kapatid mo diyan eh! Hahaha overprotective pa naman din daw yun si Kyle! Taga school ba boyfie mo ate?"

 "Alam ba ni Kyle yun?"

"Pasado ba kay Kyle?"

"Ate pakilala mo ako kay Kyle! Haha pogi pogi. Crush ko yun eh hehehe" Sunod sunod na salita niya.

Ow! So si Kyle pala yung sinabi niya nung gabi na crush niya na future boyfriend niya? Haha! Tatawa nalang ako! Hahahahaha!

 "Hahahaha ewan ko sayo! Papasok na ako!" Ay jusmiyo sana tigilan na ako nitong batang to... ay joke di pala siya bata. Magkasing edad lang pala kami at trip niya lang akong tawaging ate. Ganun ba ako kamukhang matanda? Lumolosyang na ba ako? Well, palibhasa kasi ang baby face, cute, sexy, maputi at maganda siya! OKAY AMINADO AKO EH. Maganda talaga si April.

 Ilalayo ko kay Kyle to, delikado na Hahahaha charot!

Paglalabas ko ng gate... speaking of the flowerboy.. ayan siya kasama ang kanyang mamahaling kotse.

"Sakay na" MORE LIKE UTOS NIYA SAAKIN. How gentleman. Di man lang ako pinagbuksan!

"Waaaaaiiittt! Pasabay ako!!!!!!!" May pumigil naman sa pagsarado ko ng pinto.

 At napalunok nalang ako. Edi siya na talaga maganda!!! Paano ba naman eh yung tingin sakanya nitong lalaking kasama ko! Tsk, eh kung dukutin ko kaya mata niya?

My Flower Boy Brother (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon