Chapter 29 - Together again BUT as siblings

20.7K 271 7
                                    

Suzy's POV

Pagkalabas na pagkalabas ko ng CR na may butiki sa loob tsaka lang nag process ang utak ko. Tama ba yung nakita ko? Hindi ba ako namamalik mata? Siya ba talaga yun? As in nasa bahay ko ba talaga siya?

Seryoso? Si Kyle ba talaga yun?

"Ate, andito si asungot mo ah?" lumapit sa akin si Angela at parang kinukwestiyon ako. Wala nga akong alam kung bakit nandito yan eh. Well... nalaman ko din kung bakit nung bumungad sa harapan namin si April.

"Kyle? Kyle!" This time, lumabas na din si Kyle galing sa loob ng CR at parang gulat na gulat na nakita si Apirl.

"Arpil?" Napatingin din ako sakanya. Hindi niya alam? Eh bakit at paano ba siya napunta dito?

"Ikaw pala yung sinasabi ni ate na dinala niya dito kasi naglasing. Tsk, halika nga dito!" Lumapit siya kay Kyle at hinila papalayo. Nanatili lang naman akong nakatayo lang doon at pinagmamasdan sila. So ganun na pala sila ka-close?

"Ano? Papalapa na ba natin sa butiki yung April na yun?" Natauhan nalang ako nung bumulong si Angela sa akin at pinarinig pa ang word na butiki, "Aish! Kadiri." Napairap ako sakanya at dumiretso na sa kwarto ko at doon nalang sa cr sa kwarto ako naligo.

Pfshh. Naglasing? Bakit naman siya naglasing? Ang drama niya ah. At siya pa pala ang nagd-drama jan? Ayos talaga.

**

Habang nagsusuklay ako, may kumatok sa kwarto ko. Agad ko naman itong binuksan at sinilip muna kung sino yung kumatok and to my surprise, si Kyle.

"Ano?" Mataray na pagtatanong ko.

"Mataray ka pa rin? Tss."

"Ano nga kasi?" Ang kulit kulit niya, ano pa ba ang gusto niya? Ayan na si april oh.

"Wala, kakamustahin ka lang sana.." Papasok na sana siya pero agad ko siyang hinarangan. "Ep ep, bawal stranger dito." Sabi ko nalang sakanya.

"Ha? Hindi naman ako stranger ah?"

"Stranger ka."

"Hindi kaya," Tumigil muna siya at parang nagdadalawang isip sa sasabihin niya.

"Kapatid mo kaya ako." At yun, napabitaw ako sa pinto at hindi na siya hinarangan at tumalikod nalang. "Fine" Napa-irap nalang ako habang nakatalikod sakanya pero deep inside gusto ko talagang suntukin ang mukha niya. Punyatero siya! Kuya? Kuya? Pagkatapos ng maikling panahon na akala kong kami na talaga at wala nang iba... tapos kuya? Nababaliw na siya.

"Suzy.." Nabasag ang katahimikan nang magsalita ulit siya habang nakaupo sa may study table ko.

"Oh?" Sagot ko naman. Papansinin ko nalang baka sakaling manahimik at tigilan ako.

"Sabay tayo pumasok ah?" Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang ako napa-smile sa sinabi niyang yun. Yes, alam ko masama ang umasa kasi masasaktan ka lang din naman sa huli pero bakit ba? Hindi ko naman siguro ikamamatay na hilingin na kahit makasama lang siya.. kahit na bilang kunwaring kapatid diba?

My Flower Boy Brother (Published Book)Where stories live. Discover now