Love Lock: Ako'y Sayo at Ika'y Akin Lamang

10.4K 260 8
                                    

Kita ko yung ngiti nya habang sinusuot nya sa akin yung partner nung pendant na bigay ko.

Love Lock.

Nasa akin ang susi ng puso nya. Magkamatayan na di ko ibibigay sa iba.

Natagalan sya,hinahanap nya pa yata yung hook sa chain,ok lang gusto ko yung ganito ang lapit ng mukha nya sa mukha ko tapos yung maliliit nyang braso nakapulupot sa leeg ko.

Ang sarap haplusin yung buhok nya na tinatago ng bahagya yung mata nyang nakangiti nakatingin sa mukha ko,sa mata ko tapos bumaba pa sa lips ko.

"Yna wag mo ko tignan dyan at baka magbago ang isip kong iuwi ka sa Casa.."

"Huh?" sagot nya nagtataka,kunot ang noo na akala mo di alam ang sinasabi ko.

Ngumiti lang ako.

Teka nga.

Sinusuot nya pa rin ang necklace sa akin at binigla ko sya ng halik. Smack lang. Pampagulat.

Nagulat sya pero natawa at hinampas na naman ako. Itong babaeng to maganda lang pero mapanakit din eh.

"Anghelo ha,nakakailang kiss ka na.."

Patay. Galit na yata. Bigla nawala yung tawa sa mukha ko magsosorry na sana ako pero ginulat ako.

Hinalikan din ako.

Gumanti.

Sabay sabi "Tara na uwi na tayo.."

Ngiting tagumpay si Yna at tinalikuran pa ako.

Smack lang pero nalusaw ang pagkatao ko.

Imagination's Cut: Angelo&Yna's Untold StoriesWhere stories live. Discover now