Desisyon

5.5K 206 28
                                    

"Kamusta ka na mahal ko?" boses ng babaeng halos isang buwan ko ng hiniling sa Dyos na marinig ko,kahit sandali lang,kahit isang minuto lang.

Gusto kong idilat mga mata ko,gusto ko syang yakapin ng sobrang higpit at gusto ko iiyak sa kanya lahat ng sakit na pumapatay sa akin gabi gabi, araw araw, oras oras, minu-minuto simula ng iwan nya ako. Gusto kong magalit sa kanya ng tuluyan at baka magkaroon din ako ng lakas na palayain ang pagmamahal ko para sa kanya gaya ng ginawa nya. Pero ang marinig ko lang ang boses ni Yna at tinatawag ang pangalan ko,kaya ko na ulit mabuhay at ipaglaban ang relasyon naming dalawa.

Ilang beses kong hiniling sa Dyos na tanggalin na yung sakit na nararamdaman ko,dahil kahit anong pag lunod ko sa sarili ko sa alak,sa umaga pag gising ko alaala pa rin ni Yna ang bumabalik.

Tatawagan ko ang number nyang dalawang linggo ng nakapatay dahil nagbago sya ng simcard. Dalawang linggo na rin akong bumabyahe papuntang Talisay para hanapin ang taong umalis ng walang paalam. Hindi ko sya makita. Ilang linggo na rin ako napapatigil kung saan para umiyak at magsisigaw sa loob ng kotse ko.

"Yna, nasaan ka ba?! Bumalik ka na sa akin please!" mahigpit ang hawak ko sa manibela at hinahampas sa ito sa banggit ng pangalan nya.

Pero walang Yna na bumalik at nagpapakita.

Paano nya ba ako natitiis ng ganito?

Ganon lang ba ako kadaling kalimutan?

Bakit hindi ko magawa ang gingawa nya?

"Yna ang sakit sakit na..tama na..tama na." iyak ko habang hawak ko ang dibdib kong parang sasabog na sa sobrang paninikip.

Pakiramdam ko nawala sa akin ang lahat. Nawala lahat ng bagay na nagbibigay sa akin ng rason para hintayin ang bukas, dahil wala na ang babaeng gusto ko ialay lahat ng bukas ko. Pakiramdam ko iniwan ako sa daan at hindi makauwi kahit anong hakbang ang gawin ko at kahit anong daan ang tahakin ko. Andun pa rin ako sa gitna at ligaw.

Isang pagkakataon ang hiningi ko para muli syang makita,para marinig uli na kailangan nya ako,na miss nya rin ako,na mahal nya rin ako. Dahil sa pag sunod ko isang gabi kay Takong narating ko ang bahay na nilipatan ng mga Macaspac at andon sya, nakikita ko sya sa malayo pagkatapos ng tila ilang taon kong pangungulila. Namamayat, malungkot ang mukha nyang dati lagi kong pinapangiti.

Isang gabi, naramdaman ko na uli ang mga haplos ni Yna at naririnig kong sinasabi nyang mahal nya ako. Kung ang paraan para makita at marinig ko sya ay mapakalunod ako sa alak araw araw,gagawin ko. Kahit kinabukasan waka akong maalala kung paano ako nakakauwi, ang maalala ko lang sya ay sapat na. Kahit para syang panaginip na lang. Lagi kong dinadalaw at pinapanaginipan.

Mahirap ang magkunyaring okay ka kung unti unti kang namamatay sa loob at mahirap din pala ang kunyaring lasing ka para lang may maalala ako sa gabing yun namin ni Yna.Sa bawat haplos ni Yna sa akin gusto kong hawakan ang kamay nya at hinding hindi bibitawan.

"Sorry, kasi nasasaktan kita. Sorry kasi nasasaktan tayo. Sorry dahil pinili ko muna maging mahina para ipaglaban ka." pinipiga ang puso ko sa mga salitang binibitawan nya dahil ramdam kong nagpapaalam na naman si Yna.

"Yna hayaan mo na akong mahalin ka kahit sa ganitong paraan na lang,kahit parang panaginip ka na lang..." dinasal ko ng tahimik habang pinupunasan nya ako kahit alam ko naman alam nyang di talaga ako lasing.

Hinayaan nya akong isipin na di nya halata nagpapanggap lang akong lasing para mapuntahan sya. Hinayaan ko syang isipin na naririnig ko sya na kunyaring hinde.

"Hindi totoo na madali sa akin ang alisin ka sa buhay ko Anghelo. Mahal na mahal kita....sobrang mahal at ikaw lang ang mamahalin ko kahit hindi na tayo." nakapikit man ako pero traydor ang luha kong tumatakas sa mga mata ko na pinupunasan ni Yna,kaya alam kong alam nyang gising ako.

"Balang araw Anghelo, balang araw sasang ayon din sila,kapag nagtagumpay na ako sa mga pangarap ko ng mag isa. Baka pwede na nila akong tanggapin para sa yo. Hindi kita sinusuko, sinubukan ko lang ang ibang paraan para pwede kitang mahalin ng walang takot na kapalit ng pagibig ko sayo ay ang pamilya ko." gusto kong sabihin sa kanya na iiwanan ko ang mundo ko para sa kanya, gusto kong sabihin sa kanya na hindi nya kailangan mamili dahil don ako kung nasaan sya at gusto ko sabihin sa kanya na lalaban ako para sa aming dalawa pero napaka selfish ng gusto ko at alam kong di papayag si Yna sa naiisip ko. Kaya pinagkasya ko ang sandali na malapit ako kay Yna ng ganito dahil sa tingin ko huli na to.

"Pakawalan muna natin ang isat isa mahal ko..mabuhay tayong dalawa ng kasalukuyan at katotohanan na di pa tayo pwedeng dalawa,tanggapin natin yon, at darating din ang panahon na may bukas para sa ating dalawa." parang binibiyak ang puso ko sa paraang hindi makatarungan. Napakasakit, walang kasing sakit.

Nakapikit akong umiiyak para sa amin ni Yna. Naramdaman ko malapit na ang mukha nya at bago ko pa buksan ang mga mata ko para tignan sya dumampi na ang malalambot nyang labi na ilang linggo ko ng hinahanap hanap. Nakadampi lang ang labi nya sa akin,walang gumagalaw at parang buong mundo ko tumigil sa pagikot. Paanong ganito kasakit ang magmahal? Paanong ganito ka hirap ang mahalin sya? Paano ganito ang takot ko sa halik ni Yna? Paanong ganito nakakamatay bumitaw?

Ilang sandali pa humiwalay ang labi nya sa labi ko,niyakap ako at bumulong sa akin. Binulong nya sa akin ang mga salitang tatandaan ko buong buhay ko

"Umuwi ka na, bukas kahit wala ako sa tabi mo at hindi mo ko ,mahal pa rin kita. Araw araw pag gising mo isipin mo mahal pa rin kita. Isa lang pakiusap ko Anghelo,wag mo ng saktan ang sarili mo dahil nasasaktan din ako.Pakiusap wag ka ng bumalik pa.." tumayo na sya at iniwan akong nagawa kundi ang palayain sya.

Ngayon lagi pa rin akong bumabalik sa tinitirhan nya pero hindi na ako nagpapakita,gabi gabi sa parehong oras nakadungaw sya sa may pintuan minsan tulala,madalas umiiyak. Kung eto ang tama Yna bakit tayo nasasaktan ng ganito,bakit ka umiiyak ng ganyan at bakit ako nagtatago sa malayo para lang makita ka. Mababaliw ako sa kaka isip kung kailan ang tamang panahon para sa ating dalawa dahil kung ako ang tatanungin walang maling panahon para mahalin natin ang isat isa. Mahal kita Yna may hadlang man o wala. May rason man o wala. May masasaktan man ako o wala at ngayon higit sa kailan man kaya ko ng lumaban ng patayan, sagasaan ang haharang, at talikuran ang ang di sangayon sa pagmamahalan.

Sabi nga ni Papa, gumawa ako ng sarili kong mga desisyon dahil walang ibang gagawa nito para sa akin. At kasama sa mga desisyon ko ang tapusin ang paghihirap nating dalawa, magpapakadamot ako Yna,para sayo at para sakin,pagdamutan naman natin sila. Kahit ngayon lang.



Alas tres ng madaling araw ng Biyernes palapit na si Yna sa sasakyan kung saan ko sya hinihintay ng dalawang oras. May bitbit na bag at pagtitiwalang sumama sa akin.

Niyakap ko sya ng mahigpit sa malamig na madaling araw. "Yna, salamat dumating ka." hinalikan ko ang noo nya, sukli ni Yna sa akin ay yakap na tumatagos hanggang buto. Isinakay ko sya sa kotse ko at bumyahe kame papuntang terminal na bus. Nilisan namin ang Punta Verde bitbit ang iilang gamit,tiwala at pagibig ng isat isa. Eto ang desisyon ko -- ang itanan sya.











A/N
Ayan sa mga nag wish ng tanan naisakatuparan ko na.Hahaha.Ang ganda na ng PSY kaya medyo sabaw na yung updates ko dito. ✌

#PSYHiwalay
#PushAwardsKathniels

Imagination's Cut: Angelo&Yna's Untold StoriesWhere stories live. Discover now