Ice Cream (Special Chapters)

6K 286 127
                                    

"Kao ga hiro i" is a Japanese idiom that if translated to English is "having a wide face" which means having many friends.

Ako yon. Ganun ako. Marami akong kaibigan. Mahirap man o mayaman, artista ka man o tambay, cool ka man o hinde.

Kaibigan ako ng lahat. Sabi nga ng girlfriend ko kung ihahambing ako sa pagkain "Adobo" daw ako. Gusto ako ng lahat. Tama naman siya doon, madali akong magustuhan ng mga nakikilala ko.

Kaya heto kameng lahat sa Japan. Parang isang malaking field trip ang bakasyon sa Land of the Rising Sun.

Pero yung pwede sa umagahan, tanghalian at hapunan-- para kay Kathryn lang yun. Exclusive sa pandesal ko.

Pangatlong araw na at kagigising ko lang, pagtingin ko sa wall clock 9:25.

Tulog pa din ang katabi ko.Puyat na puyat. Daig pa may taping ah.Napangiti ako ng maalala ko kung anong oras na kame natulog.

Siyempre may baon akong adobo sa Japan. Ako pa ba?

"Bally...wake up ka na... aalis pa tayo." niyugyog ko ang tulog niyang katawan.

Naka sando lang siya na puti at boyleg panties. Dahil sa lamig dito, buong gabi bukas ang heater sa loob ng kwarto. Naka puting tshirt naman ako at boxer shorts.

Hindi uso sa amin madaming damit pag magkatabi. Mas gusto ko pag balat niya ang suot ko. Warm and cozy.

Malamang umalis na yung mga kasama namin sa trip at ipapasunod na lang kame kung saan. Hindi pa namin nalilibot buong Osaka pero okay lang kahit saan ka naman magpunta dito memorable.

Ang isang lugar daw nagiging memorable sayo hindi sa ganda nito kundi dahil sa taong kasama mo.

Kaya masyadong special ang Japan para sa akin, sunod sa Norway eto na ang favorite ko.

"Bally... Wake up ka na... Ayaw mo ha? Bubuhatin na kita papuntang tub. Maligo tayo togetheeeer." pangungulit ko sa kanya habang tinatanggal ko ang mga nakatalukbong sa kanyang kumot.

I saw her smile. Although half asleep,naka ngiti pa rin siya.

"Lord seryoso po ko don sa sinabi kong, paano ko ba sinisimulan ang umaga ko?" dahil sa kanya talaga nagsisimula ang umaga ko. Sa kanya rin natatapos ang araw ko.

Totoong hindi sa kanya umiikot ang mundo ko dahil yung mundo ko siya mismo.

Dinilat niya ang mga mata niya at kinapa ang kama, inabot ko ang kamay niya at dineretso ang kamay sa kilikili niya.

"Bally!!!!" sigaw niya sa akin.

"Gising ka na? You take a bath na. Sunod ako." sabi ko kay Kath.

Dahil sa kame na lang ang naiwan. Kame na langbang namasyal buong hapon after namin mag lunch. Nag stroll kame ng kameng dalawa lang,nag train kame na kame lang.

Ang sarap ng buhay. Nahahawakan ko ang kamay niya sa daan ng walang nagpipicture, nahahalikan ko ang noo niya from time to time, nayayakap ko siya pag sinabi niyang nilalamig siya. Mga bagay na normal. Dito walang pressure, girlfriend ko siya at boyfriend niya ako.

Bumaba na kame ng station kung saan naghihintay na sa amin yung ibang mga kasama namin. Nag aaya ng mag early dinner tapos pasyal ulit kung saan.

Habang naglalakad kame may nadaanan na naman kameng ice cream shop. Gusto nanaman niya nun. Ang lamig na nga, ice cream pa ang gusto.

Alam kong magrerequest siya ng icecream kaya naisip ko ito.

Naglakad lakad uli kame. Kasama namin si Arisse na humiwalay sa grupo.

Imagination's Cut: Angelo&Yna's Untold StoriesWhere stories live. Discover now