Ang Beer Na To o Ang Pagibig mo?

6.6K 215 30
                                    

"Yna nandyan nanaman sya sa pinto.." Sabi ni Nanay Belen.

Tatlong linggo, apat na araw,siyam na oras, tatlumpong minuto, sampung segundo-- ganyan na katagal ko syang tinitiis. Halos wala pa isang buwan pero sa pakiramdam ko ilang taon ko na hindi sinukuan ang pagmamahalan namin ni Anghelo. Napakatagal. Napakahirap. Nakakamatay.

Lagi kong sinasabi na "Yna kaya mo to.." at sa bawat araw na pinapaniwala ko ang sarili ko sa bagay na imposible nabubuwag ang paninindigan ko.Dahil ang katotohanan ay hindi ko kakayanin mahalin sya ng malayo.

Ilang araw na syang bigla na lang dumarating dito ng gabi o minsan madaling araw pa, lasing at walang malay. Nakasalampak sa tabi ng kotse nya o nasa may pintuan ng bagong nilipatan namin. Sabi ni Takong,laging naglalasing halos araw araw kahit tanghaling tapat.

Naalala ko yung unang gabi nagpakita sya sa labas ng bahay alas 10 na ng gabi nagulat ako sa sigaw ni Nanay Belen.

"Yna!! Yna si Angelo!!" nabitawan ko agad ang mga pinggan na hinuhugasan ko at tinakbo ko ang pinto kung saan ang nanay ko at nakita ko ang lalakeng di nawawala sa isip at puso ko.

"Nay,anong nangyari sa kanya?" dali dali kong tanong habang tinatayo sya galing sa sahig.

"Hindi ko alam,pagbukas ko ng pinto kasi lalabas ako para itapon ang basura nakita ko sya nakahandusay dyan eh,lasing na lasing yata.." sabi ni Nanay Belen

Inakay namin si Anghelo para ihiga sa bakanteng upuan sa loob ng bahay.

Nakita ko ang itsura nya, payat, malalalim na mga mata, wala na ang sigla sa mga labi nyang laging nakangiti sa akin dati. Hinahaplos ko ang buhok nya habang isa isang tumutulo ang luha sa mata ko. Lagi ko syang naaalala, at ginustong makita at ngayon nasa harap ko na sya at mas doble pala ang sakit na makita ko sya. Dahil nakikita ko kung gaano rin syang nasasaktan at parang di ako makahinga.

"Kamusta ka na mahal ko?" tahimik ang luha kong tumatakas sa mga mata ko habang haplos ko ang mukha nya. Isa isa dinaan ng mga haplos ko ang detalye ng mukha ng lalakeng pinakamamahal ko. Inuukit ko sa isip ko ang mga bagay na to. Dahil gusto ko lagi ko syang naalala,lagi ko syang maiisip kahit sinasaktan ako ng mga alaala gusto ko pa rin ito dahil sa kanya.

Tinawagan ko si Takong at Miguel para sunduin sya,ilang gabi pa nyang ginagawa yon. Halos gabi gabi sa parehong oras lasing sya ng walang malay sa pintuan ng bahay namin. Araw araw ko rin syang pinapasundo sa mga kaibigan namin. Pinapakiusap kong huwag ng banggitin kay Anghelo ang pagpupunta nya dito sa akin at kung may maalala man sya sana isipin na lang nyang panaginip ang lahat,sa panaginip kung saan masaya kame,malaya para mahalin ang isat isa.

Huling gabi na nagpakita sya sa amin,ganon pa din walang malay nakasalampak sa pinto,pero may kakaiba sa kanya nung gabing yon,inakay ko sya sa loob na pansin ko ay gumaan si Anghelo ng bahagya. Papunta ako sa kusina para kumuha ng tubig na maaligamgam para punasan sya,tumigil ako sa may salamin para itext si Takong,ilalapag ko na ang celphone ng napansin akong dalawang malulumanay na mga mata nakatitig sa akin sa salamin. Nagkunyari akong inaayos ang buhok ko para di nya mapansin na nakita ko syang gising at nakatingin sa akin. Kakaiba nga sya ng gabing yon, magaan at walang amoy ng alak dahil hindi sya lasing. Hinayaan kong isipin ni Anghelo na akala ko lasing sya tulad ng pag akala nyang hindi ako nahihirapan sa nangyari sa amin.

Bumalik ako sa kanya bitbit ang maliit na palanggana at towel para punas punasan sya. Nakapikit na ulit sya,nakaharap sa akin. Pinunasan ko ang noo nya papunta sa leeg kahit alam kong di naman talaga kailangan.

"Sorry ha, kasi nasasaktan kita. Sorry kasi nasasaktan tayo. Sorry dahil pinili ko muna maging mahina para ipaglaban ka." salita ko sa kunyaring tulog na Anghelo. Gumalaw sya ng kaunti na parang naririnig nya ako na alam kong totoo.

"Hindi totoo na madali sa akin ang alisin ka sa buhay ko Anghelo. Mahal na mahal kita....sobrang mahal at ikaw lang ang mamahalin ko kahit hindi na tayo." nagsisimula ng pumatak ang luha ko. Ang katotohanan na wala na kame at malaya na kameng ipagpatuloy ang buhay ng hindi magkasama ang posibilidad na mapapagod sya at magmamahal na sya ng iba ay ikakamatay ko.

"Balang araw Anghelo, balang araw sasang ayon din sila,kapag nagtagumpay na ako sa mga pangarap ko ng mag isa. Baka pwede na nila akong tanggapin para sa yo. Hindi kita sinusuko, sinubukan ko lang ang ibang paraan para pwede kitang mahalin ng walang takot na kapalit ng pagibig ko sayo ay ang pamilya ko." hindi ako halos makapagsalita sa buhos ng luha ko.

Hinawakan ko ang mukha nya gamit ang dalawang kamay ko at pinunasan ang luha nyang tumatakas na rin ngunit nanatili syang nakapikit. At ipinagpasalamat kong hindi sya dumidilat dahil mas hindi ko kayang marinig pa ang sasabihin nya. Natatakot akong magbago ang isip ko pag marinig ko ang pakiusap nya.

"Pakawalan muna natin ang isat isa mahal ko..mabuhay tayong dalawa ng kasalukuyan at katotohanan na di pa tayo pwedeng dalawa,tanggapin natin yon, at darating din ang panahon na may bukas para sa ating dalawa."

Pinagmasdan ko sya ng mabuti, at tinanong ulit ang sarili ko kung bakit ko sya papakawalan. Huminga ako ng malalim at unti unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya, hangang nararamdaman ko na ang hininga nya sa mga labi ko. Dahan dahan kong dinampi ang labi ko sa labi ni Anghelo. Hinalikan ko sya sa huling beses na alam kong magagawa ko pa ang ganito.

Halo ang mga luha ko sa tamis ng halik na ibinigay ko sa lalakeng una at huling minahal ko ng ganito,pagkalipas ng ilang saglit hiniwalay ko ang sarili ko sa kanya,dinikit ko ang noo ko sa noo nya at bumulong. "Umuwi ka na, bukas kahit wala ako sa tabi mo at hindi mo ko makita,mahal pa rin kita. Araw araw pag gising mo isipin mong mahal pa rin kita. Isa lang pakiusap ko Anghelo,wag mo ng saktan ang sarili mo dahil nasasaktan din ako. Pakiusap wag ka ng bumalik pa.." hagulgol ko sa nagkukunwaring lasing na Angelo.

Tumayo ako at pumasok sa kwarto ko at di na sya tinignan pang muli. Hindi ko na rin inalam kung sinundo o umuwi syang magisa. Hindi na ako nagtanong kinabukasan kay Nanay Belen at wala na ring lasing na Anghelo ang dumadating sa pintuan ng bahay ko. Ako ang lumayo,ako ang nangiwan,ako ang tumaboy pero ako din ang naghinhintay sa kanya sa pintuan ng bahay na parang tanga, ang isipin na wala na pala talaga. Ako ang nagsabi sa kanyang dapat tanggapin namin pero bakit gabi gabi pa rin akong namamatay,nalulunod sa iyak at sa sakit ng nawalang pagibig?













Next Update: Angelo's POV ❤️
Thank you all for reading.

Imagination's Cut: Angelo&Yna's Untold StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon