The First Encounter

6.5K 163 8
                                    

Sabi nila tadhana raw ang naglalaro sa mga taong nagkakakilala sa tamang panahon at oras. Hindi mo to hawak,at wala kang magagawa sa nais nitong mangyari.

Sabi naman ng iba nakasulat na ito sa stars at naitakda na matagal na.Paano mo nga ba malalaman kung ang taong nakikilala mo ay nakatadhana maging parte ng buhay mo?

Parang yung napanood ko sa teleserye, nagkakilala na sila nung bata pa sa perya at nag krus muli ang mga landas pagkalipas ng mahabang panahon at pagsubok sila pa rin pala sa huli. May mga ganyang milagro sa buhay na minsan hindi mo naiisip na posible pala.Na dumating na pala sya sa buhay mo,hindi mo lang naramdaman.

"Yna wag kang lalayo, hihintayin lang natin ang Tatay Isko mong matapos ang trabaho tapos uuwi na tayo ha.."

"Opo nay.." sagot ng sampung taong gulang na Yna.

Habang tinitignan nya mga laruan na nakasabit sa may tindahan malapit sa simbahan kung saan naka duty sa isang check point ang Tatay Isko nya.

Tinitignan nya ang manika na nakasabit at parang may naalala syang isang babaeng nagbigay sa kanya noon. Laging dinadalaw sya sa panaginip pero hindi rin nya matandaan.

Habang nawiwili sya sa mga laruan nakikita nya biglang may mga sasakyan na dumating at tumigil sa may simbahan. Nag tipon yung mga taong malapit doon kaya napatingin na rin si Yna.

"Si Gob daw.."

"Kasama yung pamilya pupunta yata kay Father.."

"Punta tayo doon,baka may ipapamigay.."

"Ang ganda ng sasakyan ni Gob.."

Sari sari ang naririnig ni Yna,gusto nya rin makita kung sino yung inaabangan ng mga tao. Kaso hindi sya makasingit sa dami ng taong nandoon. Hanggang sa nakaalis na yung 'Gob' na sinasabi nila.

Babalik na sana sya doon kung saan sya iniwan ng Nanay Belen nya ng biglang may bumangga sa kanya at natumba sya sa may daan na medyo maputik. Punong puno ng putik ang kamay nya pati na rin ang palda ng uniform nya.Mahihirapan na naman ang Nanay Belen nyang tanggalin yon.

"Ok ka lang?...ikaw kasi eh di ka tumitingin sa dinadaan mo." boses nung kamay na nakalahad para tulungan sya.

Isang batang lalake. Parang kaedad nya.Naka green na t-shirt. Naka maong na patalon at ayos na ayos ang buhok. Sa unang tingin pa lang ni Yna alam nyang mayaman ang nasa harap nya kaya mag alinlangan syang iabot ang kamay nyang marurumi.

Nagulat nalang sya ng hawakan sya nito sa braso at tinayo. Sa gulat nya di nya namalayan sinasama na sya ng batang lalake sa likod ng simbahan.

Ngayon lang sya nakarating sa parting yung ng simbahan. Maganda rin pala ang likod nun parang may maliit na garden, ang daming bulaklak. Sa likod andon merong gripo,at hose. Eto siguro ang ginagamit nila para mag dilig ng mga halaman.

Nakita ni Yna na kinuha ng batang lalake ang puti nyang panyo sa bulsa at binasa ito,piniga at saka lumuhod sa harap nya para punasan ang maputik nyang palda binti at sapatos.

"Anong ginagawa mo?!Ako na.." gulat nya sa pagkahawak nung batang lalake sa binti nya.

"Nililinis ko lang!" at tumayo sya

"Ako na....kasi." inis nyang kinuha ang panyo at pinunasan ang palda nyang marumi.

"Sungit,sya na nga tinutulungan.." bulong ng batang lalake

Narinig nya yun pero di nya pinansin kasi nahihiya sya. Nahihiya syang di nya alam ang dahilan. Dapat nga galit na galit sya ngayon dahil sya naman talaga may kasalanan kung bakit sya narumihan eh pero hindi nya matignan sa mata ang batang lalake. Hindi kasi inaalis ng kaharap nya ang titig kay Yna.

Tahimik lang syang nagpupunas. Nang matapos sya ibabalik na sana nya ang panyo pero narealize nyang punong puno ng putik yun at nahiya syang ibalik yun ng marumi.

"Akin na muna yung panyo mo,lalabhan ko muna.." sabi niyang nahihiya.

Parang natawa sa kanya ang kausap.

"Bakit magkikita pa ba tayo ulit?Hindi naman ako nagpupunta dito eh,pinilit lang akong isama" pagdadahilan nya.

Oo nga naman magkikita pa ba sila?

"Tuwing Biyernes, andito ako kasi inaantay ko ang Tatay kong umuwi,ibabalik ko nalang sayo to pagbalik ko dito.."

Ngumiti lang to sa kanya. "Sayo na lang yan, di ko na kelangan,sorry ko na rin sa pagkabangga ko sayo...Sige kelangan ko ng umalis baka hinahanap na ako ng Mama ko.."

Naiwan si Yna doon nakatayo sa may gripo, hawak hawak ang panyong galing sa isang batang lalakeng di nya kilala. Naglalakad na sya palabas ng simbahan ng may mapansin sya sa panyo,hindi lang pala sya puting panyo. Sa isang dulo may nakaburdana asul na sinulid ang ginamit. Binaliktad ni Yna ang panyo para makita ang naka burda. Pangalan. Pangalan ng lalake. Siguro pangalan nya.

Pagkabasa ni Yna ng buong pangalan,sumakay na rin ang batang lalake sa sasakyan nila at umalis.

Bumulong na lang si Yna sa hangin ~ "Salamat sa panyo mo Anghelo."





Imagination's Cut: Angelo&Yna's Untold StoriesWhere stories live. Discover now